/24/ Never Give Up

58 6 0
                                    

CHAPTER 24

NEVER GIVE UP

R O Y

Umuwi akong luhaan, hindiman lang nag paid off 'yung mga efforts ko.

Ayaw na ba talaga ni Yamaken sa akin?

I tried my best, sinubukan ko 'yung makakaya ko o sadyang I'm not that good enough. Maaga ako umuwi sa school, mga saktong alas-quarto ng hapon.

Sinalubong ako ni Troye na nanunuod ng TV sa sala.

"Kuya, okay ka lang?" tanong nya sa akin.

"Wag kang mag-aalala pagod lang 'toh," sagot ko naman sa kanya.

Tumango lang sya sa akin at bumalik na sya sa kinauupan nya at nanuod ng TV. Aakyat na sana ako papunta sa kuwarto ko nang biglang tinawag ako ni Troye.

"Nga pala, Kuya. Kailan bibisita ulit si Kuya Ken? Inaaya ni Ate na sumama sa Dinner natin mamaya sa labas?"

Hindi ako agad nakasagot ng ilang segundo dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kanya.

Hindi kami okay ngayon ni Yamaken kaya natural hindi sya makaksama sa dinner. Kahitman gustuhin ko, hindi sya magrereply sa mga text at calls ko.

"Kuya?" tawag ni Troye na nagpabalik ng atensyon ko.

"Ah, Hindi makasama si kuya Ken ko busy kasi ngayon sa school," sagot ko naman at naglabas ako ng pilit na ngiti.

"Okay, sige." tumango lang ito na parabang hindi sya kumbinsido sa narinig nya.

"Text ko nalang si Ate para malaman nya" dag-dag nya.

"Okay sige, akyat na ako."

Pagpasok ko sa kuwarto, agad akong humiga and took a deep breath. I felt tired and exhausted patching up things.

Kung puwede lang maibalik sana ang lahat sa isang pitik ng daliri...

Sabi ko sa sarili ko hindi ako susuko pero here I am wanting to give up. I lost a friend and a lover, kung wala si Jennie at Jarred I might break like a glass.

I suddenly felt ringing on my pocket kaya kinuha ko ang phone at tiningnan 'kung sino 'yung tumatawag, si Art.

May part sa akin na umaasa na si Yamaken ang tatawag, as if...

Wala ako sa mood makipagusap sa kanya at lalo na sa sermon nya. Hinayaan ko na lang na mag ring na mag ring 'yung phone ko at tinulugan ko na lang sya.

~*~

Ginising ako ni Ate Rhea na nakaupo sa tabi ko. Bumungad sa akin 'yung nag aalalang ngiti nya na parang wari nya ang problema ko.

Humikab muna ako at inunat ang sarili ko ng kaunti. Nakatitig lang sya nag hinihintay ng sasabihin ko.

"Ate?"

"Sinabi sa akin ni Troye may problema ka daw?" tanong naman ni Ate Rhea.

Wala akong natatandan na nagsabi ako kay Troye na may problema ako ah. Siguro hindi nya kinagat 'yung paliwanag ko sa kanya at sinabi nya kay Ate.

"Nag-aalala si Troye sa 'yo saka naka uniporme kapa, minsan na tutlala ka sa hapagkainan, parati kana lang tulog at nag kukuklong sa kuwarto mo. Kaya ako nag ayang mag dinner sa labas ngayon for a breather," tinapik ni Ate ang balikat ko ramdam ang aking mabigat na dinadala.

"Roy, magkuwento ka naman..."

Hesitant ako nu'ng una pero hindi ko naman sya matiis.

"Ate, matagal ng galit si Yamaken, halos mag iilang lingo na," sinabi ko ito habang hindi ko napagilan ang pag piyok ng aking boses.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon