/7/ Conflicted Witness

146 8 4
                                    

CHAPTER 7

CONFLICTED WITNESS

R O Y

Andoon nga si Yamaken sa parking lot at hinihintaty ako.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko.

"Hindi naman," pinindot nya 'yung susi at biglang umilaw ang kotsye nya.

"Ano tara na?" sabay bukas ng pintuan.

"Lets go," pumasok na ako sa loob katabi ang driver seat.

Walang kumikibo pag sakay naming dalawa...

Bakit hindi pa iniistart ni Yamaken ang kotse?

Jusme, nagiging awkward na yung paligid...

"Ano-" sabay naming nasabi at nagkasalubong ang aming mukha.

Parehong nakatulala, nabighani sa isa't-isa. Halos magdidikit na 'yong labi namin. Napansin kong uniting-unti nang sinasara ni Yamaken ang aming distansya.

Bago pa sya tuluyang makalapit nakaramdam ako ng takot kaya iniwas ko ang aking muka at humarap.

"Ano... Start mo na yung kotse, tara na," tumikhim ako.

Sumangayon naman sya, kaso lalong tumindi ang tensyon naming dalawa bago nya pinaandar ang kotse.

Dinala nya ako sa isang malaking community park, mga kalahating oras din yung katahimikan sa byahe. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko or mag oopen ba ako ng topic? Ang awkward na masyado para makapag salita ako.

Pagbaba namin sa kotsye inabot nya ang kanyang kamay sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit pero hinawakan ko pa rin ito.

"Mga ilang araw din tayo hindi nagkita simula no'ng gabing 'yon. Masyado tayo naging busy sa school," sabi ni Yamaken.

"Oo nga eh... " napatingin na lang ako kay Yamaken at ngumiti.

"May screening ng pelikula dito mamaya bumili ako ng ticket natin para makanuod tayo."

"Kaya dinala mo ako dito kahit may pagkamalayo?" pabiro kong tanong sakanya.

Ngumisi lang sya sa akin. Habang naglalakad-lakad kami. Hindi ko na malayan na magkahawak parin ang aming kamay. Kaya pala pinagtitinginan kami.

Iyong iba naman parang tingin na may ginawa kaming mali o nakaksura...

Sama mo pa 'yung nagbubulungan malapit sa amin. Sinubukan ko na lang ibaling sa iba ang atensyon ko at kalimutan 'yung mga bagay na hindi ko sinasadyang marinig.

"Naiilang ka ba?" tanong ni Yamaken.

"Hindi naman, sadyang hindi lang ako sanay na pinagtitinginan ako." sagot ko naman.

"Sorry... " Agad itong bumitaw mula sa pagkakahawak ng kamay ko.

"Ano kaba, hindi kita ikinahihiya wag ka mag-aalala diba mag boyfriend tayo wala naman akong pake kung may makakita sa'tin dito okay?" sabay pisil sa kanyang pisngi.

Ayoko rin naman syang mag alala...

Tumango lang sya sa akin pero nararamdaman ko parin yung lungkot sa kanya. Hinila ko sya malapit sa isang bench at pinaupo sya doon.

May nakita akong food stand doon na nagbebenta ng Crêpe.

OO!

CRÊPE, hindi ko akalain na may nagbebenta ng ganon dito madalas nakikita ko lang sya sa mga anime and j-dramas.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon