/27/ True Feelings ( II )

32 3 0
                                    

CHAPTER 27

TRUE FEELINGS ( II )

R O Y

Oras na ng Homeroom subject at dumating na ang aming adivser na si Ma'am Paluhanan. Lahat kami ay tumayo at binati si Ma'am.

"Okay, students please get a one-whole sheet of paper and also a scotch tape."

Sinunod naman namin agad ang utos ni Ma'am. Pagkuha ng yellow-pad, agad ng nakatingin ang mga halatang walang papel.

Isa na doon si Jarred...

"Pre, baka naman," sabay kamot nito ni sa ulo.

"Hay nako Jarred, kahit kailan talaga noh? Try mo kayang bumili ng yellow pad para ako naman makahingi," biro ko habang inabot ko sakanya ang papel, tumawa na lang ito bilang sagot.

"Salamat, Roy. Hindi ko talaga alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka," abot tenga ang kanyang ngiti.

"Roy, puwede makahingi ako?" tanong naman ng kaklase kong lalaki tumango naman ako bilang sagot at binigyan sya ng pilas ng papel.

"Ako din," hingi naman no'ng isa.

Nag domino effect na sila, isa-isa na nanghingi ang mga walang papel sa akin.

"Ay, nga pala Roy. Pati narin pala sila Ashley, mga dalawa pa," balik ng kaklase kong humingi sa akin kanina.

Sumangayon na lang ako at pipigilang mag pantig ang mga ugat sa noo ko. Parang nanagalahati na ang kabibili ko lang na yellow pad ah.

Hindi naman sa madamot, pero minsan nakakapanghinayan din kasi. may pagka mapresyo din ang Yellow pad, noh!

"Okay pagkatapos ng mga parasite na manghingi. Idikit nyo ito sa mga likod nyo gamit ang scotch tape, mag patulong sa ka-uring parasite pag nahirapan idikit ang papel sa likod," sarkastikong instruction ni Ma'am sa buong klase.

Napahalakhak ng malakas ang mga kaklase ko dahil alam nila 'yung ipinupunto ni Ma'am.

Pagkatapos namin gawin ang pangalawang instruction ay pinausog nya ang mga upuan at ikalat daw namin ang sarili sa buong classroom.

"Sarah, patulong nga ako idikit 'yung papel sa likod ko," pakiuasap ni Ma'am.

Agad naman na ginawa ni Sarah ang pinapautos ni Ma'am at pagkatapos ay ipinabalik na sya ni Ma'am sa puwesto nya.

"Okay, the reason there is a paper on your back kasi isusulat nyo sa likod ang mga thoughts, good or bad personality nila or maybe leave a message on the paper. Puwede nyo iligay ang name nyo or be anonymous..."

Hindi pa natatapos si Ma'am nag kanya kanya na sila ng plano kung sino muna ang susulatan nila o kung sino ang magpapasulat sa kanila.

Sobrang lakas ng bulungan nila na parang aakalin mong nag kuwekuwentuha na lang sila.

"Makinig muna!" Pasigaw na sinabi ni Ma'am at agad naman kaming tumahimik.

"Syempre, kaya ako nagpalagay din dahil natural kasama ako. Dahil section tayo at halos ilang buwan na tayong nag sasama sa school year na ito, gusto ko rin naman marinig ang mga saloobin nyo sa akin maganda man o hindi."

Lahat ng mga kaklase ko nag Ayiee at siraulo talaga 'tong si Jarred at sumigaw pa ng I love you Ma'am. Sunod sunod na ang hiyaw at panunulsol ng iba, sinusuway naman ito ni Maam pero hindi rin nya mapigilan mapahagikgik.

Maya-maya ay nagsimula na kaming magsulat sa isa't-isa. Syempre na una akong mag sulat kila Jennie at Jarred. Pagkatapos sila naman ang nag sulat sa akin.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon