/25/ His Missing Red Heart

56 6 0
                                    

CHAPTER 25

HIS MISSING RED HEART

R O Y

When I was a kid, walang bata ang gustong makipag laro sa akin dahil sobrang weird ko daw. Kahit anong gawin kong approach sa kanila nilalayuan nila ako.

Kadalasan ako pa ang laman ng asaran at pang tri-trip nila. I'm alone by myself reading books and playing the dirt with insects in it.

Noong five years old ako, mahilig ako noon magbasa ng mga libro at hilig ko talaga ang history ng pilipinas.

Simula nang makita ako ang isa sa mga ipinipinta ni papa na larawan noon na si Josephine Leopaldine Bracket. Isang babaeng nakakabighani, elegante, ginintuan ang buhok at kulay asul ang mga mata.

Tinanong ko si Papa kung sino 'yon at kinuwento nya sa akin ang talang buhay ni Rizal.

Hobby ni Papa ang pagpipinta sa bakuran namin tuwing umaga. Lagi ko syang pinagmamasadang gumagawa dahil napakagaling nya sa larangan na ito.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko namana kay papa ang pag pinta. Pero, sa tuwing gumuguhit si Troye naalala ko sa kanya si Papa.

Siguro sya ang naka mana ng abilidad na iyon...

Si mama naman ay isang Doctor sa isang private hospital mataas ang posisyion nya rito sapat na iyon para sa pang araw-araw naming pamilya.

Kay mama ako nagpapaturo ng mga assignment noon lalo na sa science dahil sobrang galing nya dito. Hindi naman sa pag mamayabanag pero na mana ko kaya ang pagiging matalino ni Mama.

Simula elementarya pa lang with honours na ako...

Siguro nga dahil sa ipinipinta ni Papa duon ko na kuha ang interest ko sa bansa. Apaka mahal ko ang bansang Pilipinas kaya na weweirduhan siguro sila dahil oras-oras nagkukuwento ako ng mga naging jowa ni Rizal o kaya kung gaano ka ganda ang Baguio.

They actually called me the "Know it All" sa school. Lahat ng mga kaklase ko ayaw ako kausap dahil its either na icocorrect ko sila o magkukuwento ako na hindi sila relate.

Feeling ko tuloy bida-bida na ako.

Si Ate lagi sumusundo sa akin sa school dahil busy sila mama at papa para sunduin ako. Sya rin ang kalaro ko kapag walang gustong kumalaro sa akin. Tanging si Ate lang ang mayroon ako noon, hindi pa pinapanganak si Troye noong mga panahon na 'yon.

Busy lagi si Mama at si Papa sa work kaya minsan may kasambahay na pupunta sa bahay para bantayan kami. Minsan kapag day off, si ate ang nag aalalaga sa akin.

Isang araw bigla ako inaya ni Mama na sumama sa office nya hindi ko alam kung ano ang dahilan ni mama. Sabi nya ay para naman daw maiba ang atmosphere dahil puro na lang ako asa bahay saka para mabantayan din ako ni Mama.

Sobrang excited sya na ipakita sa akin ang sobrang magandang playground. Marami daw bata ang gustong mag laro doon, baka makahanap ako ng magiging kalaro at kaibigan ko.

Pagdating namin sa playground nakita ko itsura ni mama na disappointed. Walang batang naglalaro ngayong araw at parang nag mistulang ghost town ang palaruan.

Baka daw mamaya may dumating na bata, maghintay lang daw kami.

Dinala ako ni mama sa trabaho nya at nakita ko sya kung paano mag trabaho. Sobrang busy sa pag check ng papel at kumausap sa pasyente.

Ibang-iba sya kapag asa bahay okaya kapag tinuturan nya ako sa mga assignments.

Hindi ko mapagilang mabored agad, nakakasawa din 'yung mga laro sa cellphone ni Mama tapos minu-minuto kinukuha nya sa akin 'yung phone dahil may inaasikaso ito.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon