CHAPTER 26
TRUE FEELINGS ( I )
R O Y
Ganito na ba ako ka mang-mang at hindi ko na kilala si Yamaken?
Sa bagay halos ilang taon na rin ang nakalipas at sobrang bata ko pa no'n para matandaan kung si Yamaken nga iyon.
Saka sobrang laki ng ipinag bago nya. Ang layo sa Ken Yamamori na kilala ko no'ng bata pa ako.
He looks so mature and... Manly.
Anyway, the point is may naisip na ako kung ano gagawin ko to make up with Yamaken. I realized na hindi ko pala kayang i-let go 'yung taong matagal na nawala sa akin at naging importante sa buhay ko.
I can't repeat our history again, If this didn't work, then wala na akong magagawa kundi ilet go sya pero wala namang masama kung susubukan ko pa ulit.
Na, ipakita sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
Kasabay ko ngayon mag lunch ang mga matalik kong kaibigan na si Jarred at si Jennie. Tinext ko narin si Art para sumabay sa amin at ipaalam na sa kanya ang plano kung anong gagawin ko.
Maya-maya ay dumating na ito at mayroon itong dalang tray na nag lalaman ng pagkain nya. Tumabi ito saamin at nagulat naman sila sa Pagdating ni Art, bakas sa muka nila ang pagtataka.
"So anong balak natin?" Tanong naman ni Art sabay inom ng Milktea.
"Teka anong balak?" Pagtataka naman ni Jarred at si Jennie naman ay napakunot ang noo.
"Okay, teka. Kalma lang, let me explain," sabi ko naman sa kanila.
Inexplain ko na sa kanila kung ano ang buong pangyayari pati na rin 'yung pagtulong sa akin ni Art para maagkaayos kami ni Yamaken.
Alam kong hindi namin kaya ni Art 'to na kaming dalawa lang kaya kailangan ko din ang tulong ni Jarred at Jennie. Kaya sinabi ko narin sa kanila 'yung naisip kong plano to make up with Yamaken properly.
"Seryoso ba 'toh?" Art smirked.
"Ayan ka nanaman Art," disamayado kong sinabi.
"Ano bang problema do'n eh ang romantic nga no'ng balak nya," giit naman ni Jarred.
"Wag kang mag-aalala Roy tutulungan ka namin," malambing na sinabi ni Jennie.
"I mean, wala namang masama doon or hindi naman ako kontra. In fact, I can make it work" sabi ni Art.
"Talaga ba?" enthusiastic kong tinanong at tumango naman ito.
"May alam na akong time and date para gawin 'tong ganitong set-up," sagot nya.
"Kami na ni Jennie for the decoration at isend mo nalang 'yung mga picture na idedevelop ko into polaroid ako na ang bahala," alok naman ni Jarred.
"Then kami na bahala ni Art sa natitirang gawain," sabi ko.
Habang kumakain kami ng lunch kanya-kanyang bigay sila ng ideya na puwede pang gawin para magkaayos kami ni Yamaken.
Nakakatuwa lang isipin na willing sila na tulungan ako sa problema ko.
Bilangman sa daliri ang mga kaibigan ko, totoo naman sila at naging lakas sa mga problemang pinagdadaanan ko.
Lagi lang sila andyaan pag kailangan ko ng masasandalan. Wala na akong mahihiling pa sa mga kaibigan ko. Sana, one day I can repay the good deed that they did to me.
After namin kumain bumalik na kami sa classroom kaso bago ako makapasok sa loob biglang sumalubong sa akin si Sarah na palabas ng pintuan.
Umusog ako pakaliwa para mag bigay ng daan kaso umusog din sya pakaliwa, umusog naman ako pakanan at umusog din sya pakanan. Parang kaming nagpapatintero sa lagay namin na 'to.
kaya hindi na lang ako gumalaw at hinayaan ko na lang na makadaan sa akin si Sarah. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya dahil hanggang ngayon galit parin sa akin 'yung tao.
Napabuntonghininga na lang ako at pumasok sa loob ng classroom.
END OF CHAPTER 26
BINABASA MO ANG
Stranger's Feelings [BL]
RomanceRoy accepted feelings from a complete stranger. He thought it was just confusion and infatuation but as he learns from their relationship he grew closer and closer to him until he fully realizes his feelings that twist his everyday life and discover...