/19/ Double Triangular Knot

70 4 0
                                    

CHAPTER 19

DOUBLE TRIANGULAR KNOT

R O Y

Sa Kalagitnaan ng 3rd subject bigla akong inexcuse ng Editor in Chief ng Northern Pages. May urgent meeting daw kaming News Staffs.

Dinala nya ako sa club room namin. Bumungad ang mga iba pang executive staff ng club namin lalo na si Sir Chen, ang Club Adviser.

Ako lang naman kasi ang Managing Editor ng Northern Pages hindi ko nga aakalain na qualified ako sa posisyon na ito.

Responsibilidad namin ang lahat ng nangyayari sa loob ng campus na ito. Major or minorman para sa mga Senior Highschool Students.

"Okay, So iilan siguro dito nagtataka kung bakit tayo may urgent meeting ngayon," panimula ni Sir Chen.

"Mayroon pa tayong isang event na kailangan na icover para sa ipupublish nating Newspaper next month. Alam naman natin na magkakaroon ng team building ang mga grade twelve students. Sadly, kailangan mag participate ng ating grade twelve members. Kaya, kayong mga grade eleven executive staffs ay dapat andoon sa event to do their job."

"So, Managing Editor I'm leaving you the responsibility of the team. To gather the enough and accurate information for this story," sabi ni Sir Chen.

"Yes Sir," sagot ko naman.

Inexcuse kami ni Sir hanggang last subject dahil pinag-usapan narin namin ang mga ibat-iba pang events na magaganap this remaining months.

After ng meeting tinext ko si Yamaken kung gusto nya na sabay kami bumili ng kailangan namain para sa friday.

Tutal miyerkules naman na ngayon at malapit naman narin mag biyernes. Pag handaan ko narin para hindi ako matambakan ng gawain.

Bumalik muna ako sa classroom para kunin ang gamit ko. Pagkabukas ng pintuan napansin ko na parang may itinigil na something si Jarred atsaka si Jennie.

Andito papala silang dalawa saka anong ginagawa nila?

Kinumusta ako ni Jarred at pinagaan ang atmosphere.

"Oh, dude andyan kana pala hinihintay ka lang namin ni Jennie."

Lang..?

"Naks, naman sa mga besties ko hinintay talaga ako," pabiro kong sagot

"Syempre, Ikaw pa."

"Teka nga ano bang ginagawa nyo kanina at na istorbo ko ata kayo?" pagtataka ko.

Hindi makasagot ang dalawa at nagkatinginan lang sila bago ulit humarap sa akin.

"Wag mong sabihin..." Pangungutya ko sa kanila "AYIEEEE!!"

"Dude! wala, hindi pa kami!" depensa nya.

"Wala, pa?!"

"I mean-" hindi maka salita si Jarred dahil pinipigilan din nyang ngumiti.

"Alam nyo tara na anong oras narin oh," biglang pagputol ni Jennie.

Sus, tignan mo nga itong si Jennie kung maka ngiti wagas, ano na kaya ang nangyayari sa dalawang ito kapag hindi nila ako kasama?

Grabe love is in the air, amoy na amoy!

Lumbas na kami ng school na nagkuwekuwentuhan at nagtatawanan kasi ang sarap lang nilang asarin.

Ang cute nilang dalawa, bagay na bagay.

"Nga pala dito na lang ako naghihintay na si Daddy sa kotse," paalam ni Jennie.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon