/3/ When You Said "I Like You" Twice

201 12 8
                                    

CHAPTER 3

WHEN YOU SAID "I LIKE YOU" TWICE

R O Y

5:30, Gym, 'yan ang oras at lugar kung saan kami magkikita. Siguro nga na eexcite ako.

"Hangang dito na lang ang ating seminar at salamat sa inyong pakikinig at sana sa susunod na Drill ay seryosohin nyo na dahil buhay din ang nakataya dito."

Nabuhayan ako nang marinig ko ang sinabi ng speaker sa amin. Agad akong napatingin sa orasan ng smartphone ko.

HA?! 2:30 palang?! Aga namang natapos ang seminar?! Halos isa't kalahting oras lang ang nadag-dag!

"Okay, dahil maaga natapos ang seminar bumalik na kayo sa classroom nyo para ituloy ang 4th period nyo," anunsyo ng adviser namin.

"HA!" napasigaw ang buong klase at nagsimula ang malalakas na bulungan.

"11-D, QUIET!" Sigaw ni maam at natahimik ang buong section.

"It's not yet dismissal, you still have a remaining subject! Now fall in line without making any noise understood?!"

"Yes Ma'am," chorus na sumagot ang buong section.

Nagsimula na kaming pumila at bumalik sa classroom. Tiniis ko ang huling klase namin kahit sobrang atat na akong mag 5:30.

Sinakyan ko na lang ang discussion at seatwork ng aming teacher kahit gusto ko ng umalis kailangan ko parin seryosohin ito kasi grades din eh.

Ayoko naman na maapektuhan ang pag-aaral ko dahil sa kanya.

"Wag kalimutan ang inyong lab coat next meeting dahil proceed agad tayo sa ating experiment #4 sa laboratory, have a good day everyone," paalala ng aming Gen-Chem teacher bago lumabas ng aming classroom.

Kaso 4:00pm pa lang may isa't kalahating oras pa.

Bahala na basta pupunta na ako doon kahit wala pa sya, mag hihintay na lang ko hanggang sa dumating.

"Roy, paki sabi naman kay Jarred na hindi ko na sya hihitayin asa parking na si Daddy eh," sabi ni Jennie.

"Oo, naman," sagot ko.

"Salamat" kumaway sya sa akin at lumabas na ng classroom.

Dali-dali akong nag ligpit ng aking mga gamit at dumiretsyo na agad sa Gym. Pag pasok ko may mga estudyanteng naglalaro ng basketball.

Oo nga pala, varsity si Jarred kaya minsan, lagi syang ineexcuse sa klase. Sinalubong nya ako nang makita akong pumasok sa loob.

"Oh, bat andito ka?"

"A-ano kasi-" naputol yung sasabihin ko sa kanya dahil bigla syang sumabat.

"Alam ko na! dahil sa kanya noh?" sabay turo kay Student Council President.

"Sira ulo," siniko ko ng mahina ang baiwang nya.

"Nga pala, sabi ni Jennie mauna na daw sya. Sinundo kasi sya ng Daddy nya."

"Ganun ba? Oh sige salamat!" ngumiti ito.

Tinawag na sya ng coach nila kaya bumalik na sya sa team nya.

Uupo na sana ako sa bleachers pero may humawak ng braso ko kaya natigilan ako.

"Teka lang..."

Pamilyar yung boses na 'yon kaya lumingon agad ako at sya nga, yung lalaking nagconfess sa akin.

Nakasuot sya ng Jersey at makikita sa kanya ang makisig nyang biceps.

"5:30 pa tayo magkikita ah pero andito kana?" Tanong nya sakin ng nakangisi.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon