/12/ The Party ( I )

108 8 0
                                    

CHAPTER 12

THE PARTY ( I )

R O Y

Kakalabas ko lang ng comfort room dahil kakatapos ko lang magbihis para sa party.

Seryoso muntik na ako pumasok ng school ng naka suot ng casual. Buti nalang nakita ko chat ng adviser namin around 3:00 pa yung party at may klase pa sa umaga.

Akala ko party na buong araw 'yon pala may klase pa, kaya medyo na badtrip ako d'on.

Dederetsyo na ako sa Auditorial-Gym kasi andoon na si Jennie at Jarred naka pila for the red carpet.

Tinawag ako ni Sarah sa may tabi ng pintuan at inaya akong sumabay papunta sa Gym.

Oo nga pala sya ang naka assign na partner ko sa red carpert mamaya sa party. Parang Prom nga eh, may entrance at red carpet pa. Ang suot casual attire lang naman.

Niyakap nya ang aking braso habang bumaba kami ng hagdanan dahil narin sa nakaheels sya. Ang braso ko ang nag silbing alalay para makabana sya.

Pagdating namin doon nakapila na ang magkakapartner at ang mga by strands. Asa pinaka likod ang STEM dahil narin sa dami namin.

Umabot lang naman kami sa sampung section na may kuwarentang estudyante, each.

Hinanhanp namin kung saan naka pila ang section namin. Buti na lang nakita ko naman na kumakaway sa amin si Jennie kaya lumapit na kami at pumila sa likod nila.

"Kanina pa ba kayo nandito?" tanong ko.

"Oo eh, hindi pa sila nag papasok"

"Pero 'yung grade 12 ba pumasok na?"

"Oo, una silang pinapasok. Susunod naman na ata tayo."

Chineck ko yung phone ko kung nag message ba sa akin si Yamaken kaso wala, 'yung last message namin kagabi pa.

'Andito na kami sa labas, nakapila. Naka pasok na ba kayo sa loob?' Message ko sakanya.

"11-D prepare yourselves papasok na tayo sa loob, nag cue na 'yung MC," paalala ni Ma'am Paluhanan.

Isa-Isa ng pumasok ang mga Grade 11 at na unang pumasok ang HUMMS sunod naman ang ABM and lastly kami.

Wow ang garbo tignan, aaklain mong hindi Audi-Gym sa sobrang ganda.

Summer vibes ang dating, buti naman maeffort 'yung school namin sa ganito kaya hindi talaga nasasayang yung misc fee na binabayaran dito.

Habang naglalakad kami sa carpet may mga NCO officers ng Junior High ang nasa gilid at naka angat ang hawak nilang mga spada.

Pagdating naman namin sa gitna ay may bumungad na mga photographers sa amin at pinicturan kami. Naka flash din sa mag kabilang screen ng stage ang pag lakas namin.

Bago kami maghiwalay ni Sarah sa dulo, bumungad ulit 'yung photographers at pinicturan kami.

Andami naman nitong mga camera at nakaksilaw yung mga flash nila. Baka mamaya 'yung isa sa mga picture ko dyan eh naka pikit ako.

Dumiretsyo na ako sa aking lamesa at tumabi kay Jarred. Nakahiwalay ang babae sa lalake, sa kaliwa ang babae dito naman sa aming kanan ang mga lalake.

"Welcome Students to our Annual Semester opening party!" Maligayang pagbati ng babaeng MC.

"I am Sir Josh and this is Ma'am Maple and we are the Master of the Ceremony for this Semester Party," pakilala ng lalaking MC.

"But first, before we officially start the party I would like to present to you our School principal and also our directress of our institution"

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon