/9/ The Suspecting Lady Bugs ( I )

121 6 1
                                    


CHAPTER 9

SUSPECTING LADY BUGS ( I )

J A R R E D

Pumasok ako ng maaga ngayon sa school, mga 6:45am. Pagpasok ko sa room nakita ko agad si Jennie, magisa at nagbabasa ng isang text book. Hindi ko alam kung ano 'yon pero ito na naman yung mga binabasa nya na pang matalino.

"GOOOOOOOD MOOORNING!" masayang bungad ko.

"Oh, himala parang ang aga mo ngayon ah?" pagtataka ni Jennie.

"Hindi ba puwedeng bagong buhay?"

"Bagong buhay?" She smirked.

"Oo ngaaaaa! Ayaw pang maniwala," sagot ko.

Ningitian lang nya ako at buamlik na sya sa pagbabasa ng libro nya.

Iyonna 'yon? Hindi mo pa ako tatanungin kung kumusta na ba ako o kung anoman?

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap ng lamesa tapos ipinatong ang aking ulo.

"JEEEEEENNIEEEEEE"

"Tsk, Ano ba Jarred nag babasa ako."

Hindi nya ako tinignan sa mata at nag-patuloy lang sya sa pag-babasa nya.

Nagpout lang ako sa harap nya at nag pacute pa. Wala 'di epektibo, kaya kinalabit ko ng kinalabit para mapansin nya ako.

"JARRED!" sa sobrang inis nya tintigan nya ako ng masama at nag salubong ang kilay nya.

"Sawakas pinansin mo rin ako," nakangisi kong pang-asasr sa kanya.

Bigla nya akong binatukan sa ulo kaya napakamot ako doon.

"Aray!" maktol ko.

"Tsk, puwede ba." Sinusubukan nyang mag pigil ng tawa.

Teka, bakit sya nakangiti?

Akala ko ba naiinis sya?

Ang cute pa naman nya pag-naiinis lalo na kapag ngumingiti sya...

Naramdaman ko tuloy na ang init sa aking mga pisngi at sinusubukan kong pigilan 'yung mga ngiti ko, mahirap na kapag nakahalata sya.

Oo, na tama si Roy may gusto nga ako kay Jennie pero wala akong lakas ng loob sabihin 'yon!

Alam ko naman na hindi ako ang gusto nya saka ayaw ko naman masira ang pagkakaibigan namin.

Mahirap talaga kapag nagkakagusto sa isang malapit na kaibigan.

"Oo nga pala, Jennie mga nakarang araw napansin mo ba na lagi ng magkasama si Roy atsaka si Ken?" tanong ko sakanya.

Sulitin ko na ang atensyon nya.

"Ken?"

"Si Ken, Ken Yamamori ng ABM 12-B"

"Ah, yung guwapo sa ABM..."

Hala anong guwapo ka dya'n? Mas guwapo ako doon saka mas magaling kaya ako magbasketball!

Hindi ako nagseselos papaliwanag lang...

"Oo 'yung guwapo!" medyo pagalit kong sinabi.

"Madalas ko rin silang nakikitang magkasama."

"Anong madalas, parati kaya! Feeling ko nga may something sa kanila eh."

"Oh bakit ka galit? Nagseselos ka ba?"

Paano ako magseselos Jennie eh sayo nga ako may gusto, ano ba!

"Selos amputek," pabiro kong sinabi sakanya.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon