/16/ The Road Into His Blue Heart ( II )

69 6 2
                                    

CHAPTER 16

THE ROAD INTO HIS BLUE HEART ( II )

Y A M A K E N

I'm so frustrated like hell!

Grade ten na ako pero wala parin kaming interaction ni Roy, pero lagi ko syang nakikita sa Campus dahil 'yong building namin ay malapit lang sa building nila.

We also share the same canteen kaya nakikita ko parin sya araw-araw. Tulad ngayon na two tables apart lang kami.

Kaso hindi nya ako nakikita like bulag ba sya o bulag lang sa akin. Wala naman akong lakas ng loob lumapit sa kanya kasi pinalilibutan sya ng mga kaibigan nya.

Lalo na 'yung isa nyang kaibigan na si Jarred, kung makadikit sa kanya akala mo linta!

Hindi ko talaga matyempuhan na mag isa lang sya o malapitan, laging wrong timing. Laging naka sunod sa kanya si Jarred at bigla-bigla naman susulpot 'yang mga tropa nya.

Kapag lalapitan ko na sya lang mag-isa, bigla naman syang aalis. Parang hindi kami pinagtatagpo ng tadhana o sadyang iniisawan lang ako ni Roy?

Wala naman ako sama ng loob. Nakakainis lang kasi, hindi ako makalapit sa kanyang. Parang  andaming pader na humaharang sa pagitan namin.

"Huy!" natauhan naman ako nang biglang sumigaw si Art sa tenga ko.

Kaming dalawa lang ang nasa lamesa as of now dahil 'yong iba kong kaibigan naka pila, bumibili ng pagkain.

"Kanina ka pa dyan nakatingin kay Roy ah! Baka naman matunaw 'yan dude!" Sarkastikong biro nito.

"Tsk, tigilan mo nga ako," nainis kong sinagot.

"Aba mainit ang ulo mo ngayon dude ah, asan na yung cute and sweet na si Yamaken?"

"Wag mo nga akong tawagin sa nickname na 'yan."

"Ay Sorry, para nga lang pala kay Roy 'yan."

I glared at him for a little and let out a deep sigh. I'm still disappointed and frustrated at myself dahil ito na 'yong chance tapos dumudulas pa 'yung pagkakataon sa'kin.

"Sorry, nakaka- frustrate lang kasi Art. Andyaan lang sya,  magkalapit lang kami pero bakit pakiramdam ko sobrang layo nya sa akin."

"I know, Don't worry nafefeel ko na magkakaroon ka din ng chance sa kanya. You've been waiting this for a very long time," sinuntok nya ako ng mahina sa braso, sign ng pagcocomfort nya.

John Arturo Agoncillo sya lang ang bukod tanging naging kaibigan kong nakakaalam ng aking sikreto...

I'm in love with a boy and that I'm gay...

Natukalasan nya 'yon kasi nahalata nya na may lihim akong pagtingin kay Roy. He was surprised at first pero he accepted me for who I am.

He even offered his help and gave his full support specially on the person who I'm in love with.

Sobrang laki din ng pasasalamat ko kasi may kaibigan ako na masasandalan.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon