/13/ The Party ( II )

77 7 0
                                    

CHAPTER 13

THE PARTY ( II )

E N Z O

After mag perform ng Lemon Square bumalik na ang MC para ituloy na ang program sa next activity.

"Students! Bago tayo kumain at alam 'kong nasasabik na kayong kumain ay maglalaro muna tayo! So bring your partner and lets play some fun games!"

Nagsipag hiyawan naman ang mga tao sa Audi-Gym at halatang na eexcite. Buti na lang kamo na walang KJ kaya kahit anong trip ng school ay sinasakyan na lang namin.

"Roy, tara Sali tayo," aya ni Sarah.

"Sige!" sagot ko naman.

Why not diba? I-enjoy nanamin 'tong party na ito bilang magkaibigan dahil alam ko na pag dumating 'yong araw na mag confess sya sa akin at i-turn down ko sya baka hindi na bumalik 'yung pag kakaibigan namin.

Andaming pinalaro sa amin ng mga MC akala mo asa birthday party ang pinuntahan mo. May by group, may by partner at meron ding solo.

Hanggang sa may pinalaro sa amin na pass the paper gamit ang bibig. YOU HEARED ME RIGHT! Gamit ang bibig. Jusme ang laban by section hindi boys vs girls.

Bale seven players in total at syempre kabilang na kami ni Sarah do'n sa seven players ng 11-D.

Sa totoo lang hindi ba sila naiilang? Sabagay mga tuwang-tuwa chance na daw kay crush 'yon saka "Games" lang naman daw.

"Okay 11-D at 11-A pag pumito ako simulan nyo nang ipasa ang papel hangang sa makaabot sa dulo at ibabalik ito sa simula. Ang unang makatapos ang syang panalo!" Paliwanag ng moderator.

Kitang-kita sa muka ni Sarah yung excitement nya.

Excited? Excited na ata sya na magdikit ang mukha namin, as if.

Pumito na yung moderator at dali-dali ng nagpasahan ng papel gamit ang bibig nila ang mga kaklase ko. Hinintay namin 'yon hangang sa nakarating sa akin.

WHAT? Bakit medyo basa?! Hindi na ako magiinarte pa dahil baka magalit sa akin 'tong mga kaklase ko pag natalo kami.

Ipanasa ko agad ang papel kay Sarah, lumapit sya sa akin para kunin yon. Naramdaman ko 'yung labi nya mula sa papel at nagdikit yung ilong namin habang hawak-hawak ko yung mga braso nya.

Laro lang 'to, laro lang 'toh LARO LANG 'TOH. Grabe hindi na ako makagalaw dahil sa sobrang hiya.

"Ayos ka lang?" Ngumisi si Sarah. Tumango lang ako sa kanya at sya naman ay natawa.

"Ayan, babalik na 'yung papel mag-ready na tayo," paalala ni Sarah.

Medyo asa ibang planeta pa 'yung utak ko. Dahil  naalala ko si Yamaken kaya hindi ko napansin na nakarating na pala kay Sarah ang papel at nagaabang sya na kunin ko kasi malalag-lag na.

Nagmadali akong kunin 'yon gamit' 'ang aking bibig pero sa hindi inaasahan nalag-lag 'yung papel at muntikan ko nang mahalikan si Sarah.

Buti na lang gumana ang reflex ko at naitakip ko ang bibig nya kaya sa kamay ko lumanding ang bibig namin.

Umatras ako ng bahagya at pinulot' ang papel tutal hindi naman ata ako mapapansin ng moderator kaya pinasa ko sa kasunod ko.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon