/8/ The Confrontation

126 10 3
                                    

CHAPTER 8

THE CONFRONTATION

R O Y

"Jae?" narinig ko yung pamilyar na boses na iyon at iisa lang ang tumatawag sa akin ng pangalan na 'yan, kundi si Ate Rhea lang.

Dali-dali syang lumapit sa amin at sabay naming hinarap ni Yamaken si Ate Rhea.

"Oh... Ate andito ka rin pala sa park," kabado kong sabi.

"Oo, namasyal kasi kami ng mga kaklase ko. Kakatapos lang ng shift ko"

Hawak-hawak ni ate 'yung books nya at naka uniform pa sya, halatang hindi pa nakakauwi si ate mula sa school.

"Oh, Jae sino sya?" sabay turo kay Yamaken.

"Aaahh-" bago pa ako nakapagsalita nag pakilala na si Yamaken.

"Ken Yamamori po," nakipag kamay sya kay ate.

"Ano ko pala sya Ate Bo-" hindi ko na natpos 'yung sasabihin ko dahil nag salita agad si Ate.

"Kumain na ba kayo? Tignan nyo oh, bumili ako ng dinner natin naghihintay na si Troye sa bahay. Tara doon na lang tayo mag dinner sumabay ka narin sa amin, Ken"

"Ihatid ko na po kayo sa inyo," alok ni Yamaken.

"Sigurado ka? Alam mo yung daan pauwi sa amin?"

"Opo, naihatid ko narin po kasi si Roy sa inyo po noon," paliwanag ni Yamaken.

Tumango lang si Ate at nagsimula na kaming pumunta sa parking lot para makauwi narin.

Grabi, sobrang tahimik sa buong byahe namin pauwi, parehas kami na hindi alam kung anong sasabihin o saan magsisimula.

Hindi ko rin maipinta yung mukha o reaksyon ni Ate. Tiwala na lang na hindi ako isumpa, hindi naman siguro hahantong sa gano'n. Alam ko naman na mahal ako ni Ate Rhea at pakikingan naman siguro nya 'yung side ko saka side ni Yamaken.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, buong byahe ako ninerbyos at hindi mapakali.

Nagpark si Yamaken sa tapat ng bahay namin at agad na bumuba si Ate ng sasakyan. Pinindot ni Ate 'yung doorbell at pinagbuksan naman kami ni Troye ng gate.

"Oh Troye, sorry ginabi na kami. Eto hapunan paborito mo itong nandito," ipinakita ni Ate Rhea ang dala nya.

Agad naman kinuha ni Troye 'yong pagkain.

Nagkatinginan muna kami ni Yamaken bago pumasok sa loob ng bahay.

Inihanda agad ni Troye ang lamesa para makapag hapunan na kami, tinulungan naman sya ni Ate Rhea para mapabilis ang gawain.

Tumulong narin ako sa kanila at inalalayan silang dalawa.

"Oh, umupo na kayo tutal nakapag saing naman na si Troye, makakain na agad tayo," alok sa amin ni Ate.

Umupo naman kami ni Yamaken sa hapag kainan. Sa Harap namin umupo si Ate atsaka si Troye. Nag dasal muna kami bago simulan ni bunso ang pag sandok. Halatang kanina pa sya nagugutom.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko at nagipon ng lakas ng loob. Upang masabi kay Ate Rhea, pati narin kay Troye na boyfriend ko si Yamaken.

Hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Pahiwatig sa akin ni Yamaken na kaya namin ito.

"Ate hindi ko nga pala na sabi... Boyfriend ko nga pala si Yamaken," lakas loob kong sinabi sa harap nila.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon