/2/ When Your Feelings Confuse Me

299 14 2
                                    


CHAPTER 2

WHEN YOUR FEELINGS CONFUSE ME

R O Y

5:30, yan ang oras kung saan mag kikita kami sa GYM. Gusto ko pa sya makilala ng lubusan. What a strange encounter, pakiramdam ko nahuhulog ako sa isang complete stranger.

Lumabas na si Jennie ng Auditorium na syang ikanagulat ko.

"Tara na, sorry na tagalan. Medyo namomoblema kasi tayo sa class funds natin eh," sabay bumuntong-hiniga "Anyway nag text na si Jarred asa canteen na daw sya. Nag-save na daw sya ng mauupan natin."

Agad na kaming nagtungo sa canteen at nakita namin si Jarred na kumakaway sa amin kaya lumapit kami at umupo sa tabi nya.

"Lakas! Late ka nanaman. Ay, hindi na pala late halfday na," pabiro kong siniko si Jarred.

"Nakakatamad, nagseseminar lang tayo mas gusto ko pang mag klase," maktol nito.

"Lah, kala mo naman nag-aaral," sabay asar ni Jennie. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan.

Si Jarred San Isidro matalik kong kaibigan simula Grade 8 pa. Pala-kaibiga itong si Jarred at laging napapalibutan ng tao dahil sa optimistic nyang personality. Hindi man sya gano'n katalino pero napaka bait at totoo naman nyang kaibigan para sa'kin.

Jennie Anne Reyes, naging kaibigan ko lang sya this school year pero parang ilang taon na kami nag-sama.

Napakabait nyang babae na halos lahat ng mga lalaki ay nagkakandarapa sa kanya. Maganda sya, ideal type ng mga kalalakihan, mahinhin at reserved, pero kapag kasama kami, sobrang lakas nyang mantrip.

Higit sa lahat, sya ay maalahanin na kaibigan at
laging maasahan kapag may problema kamimg mag tro-tropa.

Sobrang saya lang kasi dahil kahit ka-onti lang kaibigan ko sapat na silang dalawa. Aanhin ko ang madaming kaibigan kung halos lahat naman ay peke at hindi totoo.

Kalagatnian ng aming pagkain ng lunch biglang napatanong si Jarred sa akin.

"Oo nga pala, may naririnig akong balita ah, Alam mo ba na may gusto sayo 'yang si Sarah?" Sabay turo doon sa likod ko.

Lumingon naman ako at nakita ko sya, kumakain kasama mga kaibigan nya.

"Ayos ka lang ba? " kumunot ang aking noo nang ibinalik ko sa kanya ang tanong.

"Oo, seryoso pre halatang-halata kaya. Diba Jennie?" biglang ibinaling ang tanong sa kanya.

Hindi sya nakasagot at tumawa lang ito ng mahina.

"Ano, Roy, hindi naman sa pang a-ano pero napapansin ko lang naman din. Noong una kala ko hindi talaga totoo, pero kasi sa tuwing nag-uusap kayo or nag-iinteract kayo nahahalata ko talaga si Sarah na may gusto sayo."

"Grabe, Sa ganda nyang yan? Sakin sya magkakagusto? Imposible naman ata 'yon," depensa ko.

Sarah Javier the campus crush among Senior Highschool students kahit mga grade 12 ay nabibighani sa kanya. Bukod kay Jennie isa din si Sarah sa mga hinahabol ng mga kalalakihan dito.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon