/5/ Simple Excuses

157 9 4
                                    

CHAPTER 5

SIMPLE EXCUSES

R O Y

Sa kalagitnaan ng 3rd period nagdidiscuss si Sir. Mejo, our Basic Calcus teacher. Kinukulit ako ni Jarred sa kung anoman 'yon. Pakiramdam ko na babagot 'to kaya ako trip.

Ilang beses ko syang hindi pinansin at pinagsabihan na tumigil na sya baka mapagalitan kami. Ayaw ko talaga syang pansinin as in, kasi strict si Sir pagdating sa discussion. Pero lumapit parin sya sabay takip ng bibig at bumulong.

"Tignan mo si Sarah bili naka titig sayo."

"Ano? " hindi ko gaano rinig yung binulong nya.

"Sabi ko nakatitig sayo si Sarah," nilakasan nya yung bulong kaya sobrang lakas ng buga nya sa tenga ko.

Tinulak ko ng mahina yung mukha nya at tumingin kay Sarah. Nag kasalubungan ang aming mata kaya humarap sya agad sa board.

"Sabi ko sayo eh," ngisi ni Jarred.

Tinignan ko lang sya na may pagkadismaya at nakinig ulit sa teacher.

"Ayaw mo pang maniwala eh tignan mo mamaya titingin 'yan sayo."

"Alam mo makinig ka na lang bakit mo ba napapansin? Ikaw ba may gusto kay Sarah?" asar ko sakanya.

"Luh, wag mo ngang ibalik sa akin."

"Ay 'sus nahiya kapa Jarred alam ko naman na crush mo sya."

Hindi ko malaman kung naiinis ba ito o kinikilig kung maka ngiti wagas.

"Luh ang ano...." Malumanay na sabi ni Jarred.

"Pababe amp," inirapan ko.

"Pero ikaw talaga yun eh."

"Tumigil ka na nga," natawa kong sinabi sabay suntok sakanya ng mahina sa balikat.

"Alam ko naman na si Jennie talaga ang nais ng puso mong naliligaw," asar ko kay Jarred at diniinan ko talaga ang pangalan.

Asa first row kasi sya at nasa third row kami, tinawag ko sya ng mahina kaya napalingon ito. Kumaway lang kami sa kanya at nagpacute lang sya pagkatapos ay bumalik na sya sa pakikinig.

"Sabi ko na nga ba eh may gusto ka kay Jennie eh," asar ko sakanya.

Nakita ko na namumula ang pisngi nya hangang tenga.

"Luh, Sarah ka lang eh... " Sinubukan nyang ibato sa akin ang pangangasar pero halata sa muka nya na kinikilig sya.

Hindi pa dito huminto si Jarred kaya nag make face kami sa isa't-isa kaya mukha kaming ewan. Napalakas ang tawa ko kaya napansin agad ito ni Sir. Mejo.

"Mr. De Castro!" Medyo na palakas ang boses nya at nabasag ang katahimikan. Na patingin lahat ng mga kaklase ko sa akin.

Tumayo naman agad ako...

"I want you Mr. De Castro to find the limit using the theorem #16," tinuro nya yung given na nakasulat sa board.

Agad naman ako pumunta sa harapan at kinuha 'yung inaabot nyang whiteboard makrer sa akin.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon