/4/ Your Lingering Feelings

178 9 3
                                    

CHAPTER 4

YOUR LINGERING FEELINGS

R O Y

Makalipas ng ilang araw simula noong nangyari 'yon. Yamaken, a complete stranger that fell in love with me just because our eyes met.

Is my current lover now...

Hindi ako na nakafeel ng guilt or regret na tinotoo ko na maging kami. I was actually glad, for some reason.

After that night sa Gym, pumunta kami ni Yamaken sa night market malapit sa campus at doon na kami nag dinner, yan ang kauna-unahan naming date.

Sobrang dami kong natuklasan sa kanya nagkuwento sya about sa family nya, sa mga hilig nya, sa mga likes and dislikes nya, at nagsabi din sya ng mga bagay na ako lang ang nakakaalam no'n which is, he is gay.

I feel special though kasi pinagkakatiwalaan nya ako, sabi pa nga nya sa akin na much better daw mag-open sa isang complete stranger dahil you will never be judged.

He is a closeted gay, halos lahat ng katangian nya ay makikita sa isang tipikal na lalake 'yun nga lang hindi babae ang tipo nya.

May naging ex na sya noon kaso hindi sila nagtagal dahil sadyang iniiwan sya para sa iba.

May kapatid na bababe si Yamaken kaso nasa Japan sya kasama ng nanay nya divorced ang magulang nila kaya tumira sila dito sa pilipinas kasama ng tatay nya.

Takot mag come out si Yamaken sa tatay nya. Bukod sa hindi na sila nagkakausap, dahil narin sa magdamagang trabaho. Eh, baka hindi sya matanggap ng tatay nya kasi ramdamdam rin nya ang distansya nila sa isat-isa.

Sobrang bait pa nya, napaka caring nyang tao. Lagi syang nagtatanong kung sapat na ba yung pagkain ko kung gusto ko daw ba lumipat nalang kung hindi ako nasasarapan sa foods o kaya pag may gusto akong bilhin sya pipila para sa akin.

Tapos hinatid pa nya ako pauwi gamit ang KOTSYE NYA. 19 years old napala kasi si Yamaken at may driving license na sya, samantalang ako commute lang ako pauwi sa bahay.

ISANG MALAKING SANA ALL

Una nailang ako kasi nga lalaki ako saka nakakapanibago na ako yung tintrato as a lady pero ganoon lang talaga sya.

I actually just observed him throughout our date at doon ko nakumpirma na ang saya ko kasama sya. Parang nawala lahat ng bigat sa loob ko.

Tuluyang nawala 'yung uncomfortable feeling sa kalagitnaan ng date at hindi ko na gaano iniisip pa 'yon at inenjoy nalang yung gabi namin.

Bago ako bumaba ng kotsye may binigay syang bracelet. Simple lang sya, bilang pasasalamat daw. Simula no'n hindi ko na sya hinubad sa aking pulso.

Tinitignan ko sya parati hangang sa makatulog ako. Yamaken's presence feels so familiar sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit. Parang feeling ko kilala ko na sya noon palang kahit ngayon lang kami nagkita at nagkakilala.

About my sexuality hindi ko rin alam, kinomperma ko din sa sarili ko kung nagkakagusto ako sa mga lalaki pero kay Yamaken lang talaga eh.

Sakanya lang ako nakakaramdam ng ganito. Tumayo na ako sa kama pagkatapos kong marinig yung alarm ng cellphone ko, sinimulan ko narin ang maghanda para sa school.

Maya-maya palang may kumatok na sa pintuan ng kuwarto ko.

"Jae, nakahanda na ang almusal tara na at baka malate kapa sa school" sabi ni Ate Rhea

"Opo."

Agad-agad naman akong lumabas ng kuwarto at sumunod kay Ate Rhea para mag-agahan.

"Si Troye ba ate tulog pa?" tanong ko habang inaabot ang mangkok ng kanin sakanya

"Oo, tulog pa, mamaya pa naman pasok no'n patulugin muna natin dahil pagod 'yan sa school"

Si Ate Rhea ang panganay na anak sa aming magkakapatid, sya ay isang college student na nag-aaral ng nursing.

Ina ang turing namin saknya dahil katuwang ni Papa si ate sa pagpapalaki sa amin, malapit na syang gumraduate at inaasahang tutulong sa pag-aaral namin magkakapatid.

Si Troye naman ang bunso sa amin. Obedient and disciplined syang anak kung anong iutos sakanya sinusunod nya. Iyon nga lang kahit mabait sya may pagkasuplado din biruin mo thirteen-years old palang may attitude na.

Kahit ganyan sya mas lamang naman ang kabaitan ng kapatid ko. Parehas nagtratrabaho ang mga magulang namin kaso nagigipit parin kami. Kaya si Mama at Papa ay nasa U.S. na para magtrabaho at masuportahan kami dito sa pilipinas.

Kaming tatlo na lang dito ang naiwan sa bahay.

"Nilagay ko na ang allowance mo sa taas ng ref kunin mo na lang doon," paalala ni ate Rhea.

"Opo."

Kinuha ko iyong pera at nagpaalam na ako kay ate. Habang naglalakad papunta sa terminal tinignan ko 'yung last message namin ni Yamaken at bumati ako ng goodmorning sa kanya agad naman syang nagreply pero hangang doon nalang 'yon wala ng kasunod na topic.

Isa pa palang problema dahil sa sobrang busy na naming mga Senior Highscool Students paminsan-minsan na lang kami nagkikita ni Yamaken. Kaya, ayon nakakalungkot.

END OF CHAPTER 4

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon