/6/ She's Into Me

136 9 1
                                    

CHAPTER 6

SHE'S INTO ME

R O Y

Umupo agad ako sa upuuan ko at binuklat ang libro.

"Oh, Mr. De Castro bakit ka na mumula?" nakangiting tanong ni sir.

"Ha?, sir wa-wala po" depensa ko naman.

"Nako, Mr. De Castro baka mamaya may something sainyo ni Mr.Yamomori ah!" asar ni Sir. Mejo.

Lahat ng mga kaklase ko biglang nag hiyawan at nakisakay sa pang-aasar ni Sir.

Gulat naman ako sa narinig ko kay Sir, nakita kaya nya yung ginawa ni Yamaken, I mean yung kiss?!

Imposible, wala naman talaga si Sir nu'ng tinuro ni Yamaken.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili para hindi ako makain ng kilig.

"Sir, Issue kayo, pinag-usapan lang namin ay about sa Resarch yun lang po, everything is all about research purposes." pinilit kong ngumiti.

Tinaas lang ni Sir ang kilay nya at bumalik na sya sa pagsusulat sa board.

"Duude anyare ba't ka namumula?" Tanong ni Jarred

"Hindi kaya, basta makinig kanalang dyan baka mapagalitan ka pa ni Sir."

Napakamot ito sa kanyang ulo pilit na hinahanap ang dahilan.

"Ano nga pala ginawa nyo ni Ken no'ng nakaraan sa Gym?" habol na tanong ni Jarred.

"Ah yon," Umiling ako. "Hindi naman 'yon importante."

Hindi ko naman pwede agad-agad sabihin sa kanya 'yung nangyari sa amin ni Yamaken sa Gym pati na yung kanina.

Alam ko naman na mapagkaktiwalaan si Jarred saka maiintindihan nya ako kung sasabihin ko sa kanya tungkol sa amin ni Yamaken. Kaibigan ko naman sya pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya. Andoon parin 'yung kaba at takot.

Sasabihin ko naman sa kanya pero hindi muna ngayon.

Inobserbahan lang nya ako dahil siguro hindi pa rin sya konbinsido. Hinayaa na lang nya ako at bumalik sa kanyang ginagawa.

"Class, makinig. Before I fully end this session mag gugrupo muna tayo for your performance task. By pair ito pero not by friends," anunsyo ni Sir Mejo.

Dismayado ang lahat ng mga kaklase ko kaya lahat sila nag kagulo.

"Silence! Ang pairing are not by alphabetical either para thrill magbubunotan kayo dito," ipinakita ni sir yung maliit na box at inalog ito.

"Kung sino ang may kapareho na shape ay ang magka partner, wag nyo muna buksan kasi kailangan lahat makabunot muna, Is that clear STEM 11-D?"

"Yes sir" chorus na sagot namin

Ibinigay na sa unang tao sa first row ang box at pasa-pasa ito para makabunot lahat.

May mga bulungan akong narinig sa paligid ko.

"Sana si Sarah mabunot ko."

"Sana ako nalang pair ni Sarah."

"Please, please be Roylan."

"Urgh, Roylan nalang okay na."

Nag tengang kawali na lang ako at bumunot nang dumating na 'yung box sa akin. Matapos makabunot ang lahat sabay-sabay na namin binuksan ang nakatuping papel.

Hinanap nila agad ang mga kapareho nila.

Star shape, ang nakuha ko si Jarred naman ay Heart. Ibig-sabihin hindi kami ang naging magkaparnter.

Lumapit naman si Jennie sa amin at tinanong kung may kapareho sya sa amin. Sakto Heart din ang nabunot ni Jennie. Sobra kung makangiti si Jarred kay Jennie. Sabi na eh, may gusto tong kaibigan ko kay Jennie nahahalata ko na masyado.

"Roy anong shape na nabunot mo?" tanong ni Jennie.

"Star nabunot ko eh,"sagot ko naman.

"Roylan, Star ka din?" Sumingit sa usapan namin si Sarah sabay silip sa hawak kong papel.

Sobrang lapit nya na halos magdikit na ang pisngi namin.

"Ah! Star ka din pala, nice! Hi, partner!" tapos ay sumenyas sya ng pakikipagkamay.

Napangiti nalang kami sa isat-isa. Ang awkward, legit. Medyo nakaramdam ako ng discomfort pero hinayaan ko na lang. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero iba na talaga kutob ko eh.

Napaparanoid nanaman ako. Hindi ko alam kung bakit sya ganyan kumilos

"Ok, class settle down. You'll be given a scenario that you will solve using the topic we discussed today. Everybody should cooperate with their partners, ok?" paalala ni Sir Mejo.

"Yes, Sir." Sagot ng buong section.

"Okay, class dissmiss" Sabay alis ni sir sa classroom.

"Roy, nga pala pinacheck ko na kay Ma'am yung research natin okay naman daw na. We can proceed on chapter three," paalala ni Sarah.

"That's a good news! Buti naman! Salamat sa teamwork ng group natin at syempre sa assitant leader ko," hindi ko napigilang ngumiti masyado dahil natapos din yung chapter two.

Hirap na hirap kami gawin nyang part na 'yan nakailang reject din kami dyan.

"S-Salamat" biglang namula yung pisngi ni Sarah at hinahawakan nya ng mahigpit ang kanyang braso.

Napansin ko na parang iba yung titig nya atsaka yung ngiti nya sa akin parang may kinang na kung ano ang napapansin ko pero hindi ko nalang pinansin.

May sasabihin pa sana ata si Sarah kaso bigla syang tinawag ng kaibigan nya kaya kumaway ito at pumunta na doon.

"Ikaw ha, partner mo si Roy, wow ang suwerte mo naman."

"Mukhang chance mo nanaman nayan Sarah! GO GO GO kaya mo yan!"

"Ewan ko na lang talaga kung hindi mo pa masabe, sadyang pinaglalapit na kayo ng tadhana!"

Hindi ko sinasadyang marining 'yung mga pinag-uusapan ng kaibigan ni Sarah. Nag panggap na lang ako na walang narinig nang napansin nilang nakatingin ako.

Hindi naman ako gano'n kamanhid pero ayokong i-assume na gusto ako ni Sarah baka malay mo lang kasi inaasar lang sya ng mga kaibigan nya.

Mabait si Sarah atsaka she is a hardworking student. Hindi ko naman puwedeng basta-bastang layuan sya. Wala naman syang ginawang mali sa akin. Pero kung sakaling totoo ngang may gusto sya sa akin, kailangan ko agad na iturndown iyon dahil hindi ko naman kayang sukliam iyon.

END OF CHAPTER 6

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon