CHAPTER 11
FLEETING DOUBTS
R O Y
Andito kami ngayon sa isang café. Ako ang nag-aya sa kanila. Nagulat talaga ko nang makita sila ni Jennie na clothing store din.
Alam ko naman na hahantong din sa ganito masyado ko na atang tinago sa kanilang dalawa ang tunkol sa amin ni Yamaken.
Tatakot parin kasi ako na baka pandiriian ako ni Jarred saka ni Jennie. Alam ko naman na hindi sila ganon. Hindi lang mawala 'yung takot dahil pakiramdam ko nagbabago na ako, mas nakikilala ko na ang aking sarili.
I have a feeling na we're not paddling the same boat now. I discovered that I am Bisexual while they're straight.
The fear of rejection is making me feel deeply anxious. Gusto ko na lang mag breakdown sa harap nilang dalawa.
Sobrang tahimik dito sa café lalo na sa lamesa namin. Nakakabingi sa sobrang tahimik, walang nag sasalita sa amin. Ramdam ko yung tingin ni Jarred na sobrang ikinakatakot ko.
Nabasag ang katahimikan nang dumating 'yong waitress para ibigay' 'yung order namin hindi rin naman sya nag tagal.
Dahil sa sobrang tense ng atmosphere, namalayan ko na sabay-sabay pala kami humigop ng kape.
"Roy," seryosong tawag ni Jarred.
"Bakit Jarred?" Napalunok ako
"Dederetsyohin nakita... k-k-ka-k-ka."Jarred cleared his throat, parang may gusto ata syang sabihin pero hindi nya masabi. May kutob na ako kung ano iyong tatanonging nya.
"Kayo ba ni Ken?" deretsyong tanong ni Jennie.
Nagkatinginan muna kami ni Yamaken at tumango sya na may halong tuwa at kumpyansa sa sarili. Hiniwakanyan nya 'yung kamay ko na naka tago sa ilalim ng lamesa.
Sa simpleng pag hawak nya binigyan nya ako ng lakas para harapin ang ganitong sitwasyon.
Kung nalagpasan namin 'yung kay Ate Rhea malalagpasan din namin ito.
Huminga ako ng malalim bago ko inilabas yung salitang...
"Oo..."
"Sabi ko na nga ba eh" bumulong si Jarred.
Hindi na lang ako nag react kahit narinig ko ito. Meron pa atang pagkadismaya ang kanyang tono.
Kung magagalit o mandidiriman si Jarred tatangapin ko na lang. Mahal ko si Yamaken pero mahal ko rin naman si Jarred bilang kaibigan.
Iintindihin ko na lang ang magiging desisyon nya.
"Oh Jennie pa'no ba 'yan tama ako," pabirong sabi nito.
Hindi nagsalita si Jennie at napatingin lang sya sa kay Jarrer. Kaya lalo pang bumigat ang atmosphere.
Pagkatapos ay bumalik ang atensyon nya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala kasi hindi ko alam kung ano 'yung tinatago mo saamin o sadyang iniiwasan mo na kami. Halos hindi mo na kami nakakasama. Minsan naman pagkasama mo kami parang an'layo mo na sa amin diba Jennie?" Lumingon ito kay Jennie.
"Ano, Roy alam ko naman 'yung kalagayan mo. Mahirap din naman kasing agad sabihin 'yang sitwasyon mo. Kaya naiintindihan kita kung hindi mo pa kaya masabi sa amin," malambing itong ngumiti. "Roy wag kang mag-aalala hindi ka naming kamumuhian or pandidirian. Pag pasensyan mo na kami lalo na itong si Jarred."
"Sorry Jarred, Sorry Jennie" sabay yuko sa harap nila at pinikit ang mata ko.
"Hindi ako galit Roy, pero sana magsabi ka sa amin kung ano kalagayan mo hindi ka naman naming iju-judge eh. saka pare matagal na tayong magkaibigan diba? Kaya wag kang matakot sa'min mag-open up ni Jennie" rinig ko mula kay Jarred.
Naramdaman ko na tinapik nya ang aking ulo.
"Hindi rin ako galit Roy, sadyang matampuhin lang yan si Jarrer," biro ni Jenne at napangisi naman ako.
"Jarred, Jennie sorry kung feeling nyo na lumalayo si Roy sa inyo. Ako talaga may kasalanan no'n. Lagi ko kasi syang sino-solo. Sasabihin din naman namin agad sa inyo kaso hindi kami makahanap ng tampang tyempo saka natatakot din kasi ako sa inyo," biglang nag salita si Yamaken sa kanila.
"Sir Ken, wag po kayong mag aalala. Ayos lang po talaga sa amin. Nag aalala lang kami para kay Roy. Kung ayos lang din sainyo, puwede kayong sumabay sa amin sa freetime nyo, anytime." Paliwanag ni Jennie sabay lingon kay Jarred.
"Diba Jarred?"
"Oo naman, Pre tangap ka namin ano ka ba," sagot nya at tinapaik nya yung balikat ko. "Kaya wag mong isipin na pangdidirian kita."
"So kwits na tayo?" tanong ni Jennie habang nagaalok ng pakikipag kamay sa amin.
Kinamayan namin si Jennie at nakipag fist bump naman sa amin si Jarred.
"Dahil bati-bati na tayo! Ngayon, gusto kong malaman ang love story nyo!" kantyaw ni Jarred sa amin.
"Oo nga sis! Kuwento mo naman sa amin," dag-humrit pa ng asar si Jennie. "Para makilala naman namin si Ken!"
Hindi ko na naitago yung pamumula ko at ramdam ko yung init ng pisngi ko hangang tenga. Tinapik naman ako ni Yamaken sa likod at tumawa.
"Ako na lang ang magkukuwento ayos lang ba?" tanong ni Yamaken.
"Oo naman pre!" sagot ni Jarred.
Sinimulan ni Yamaken 'yung kuwento nu'ng pagksalubungan ng mata namin sa Seminar noon.
Grabe parang kailan lang, kami na ni Yamaken. Sa tuwing nagsasama kami pakiramdam ko andami kong natutunan sa kanya at lalong lulalim ang pagsasama namin.
Sa mga susunod na pagsubok alam kong malalagpasan namin ito dahil we have friend and family that supports us.
END OF CHAPTER 11
BINABASA MO ANG
Stranger's Feelings [BL]
RomanceRoy accepted feelings from a complete stranger. He thought it was just confusion and infatuation but as he learns from their relationship he grew closer and closer to him until he fully realizes his feelings that twist his everyday life and discover...