/21/ Double Triangular Knot ( III )

63 3 0
                                    

CHAPTER 21

DOUBLE TRIANGLE KNOT

R O Y

Alas tres pa lang, andito na ako sa garden na sinasabi ni Yamaken. Minesage ko na sya para dito na sya dumiretsyo. Na una na ako dahil gusto ko ring mapag-isa at mag muni-muni.

Tama nga ang hinala ko na may gusto nga si Art sa kanya. Matagal na rin nya siguro tinatago ang nararamdaman para kay Yamaken, mas matagal pa sa akin.

Akala ko kilala ko na si Yamaken ng buo pero may mga bagay pa pala ako na hindi alam sa kanya.

Bakit kasi ayaw nya sabihin sa akin?

Natatakot ba sya o sadyang wala syang tiwala sa'kin?

Simula noong nag confess sya sa labas ng auditorium. I felt the familiarity on his hug,nakaramdam ako na kilala ko na sya from the past.

Hindi ko lang matandaan kung kailan o kung saan.

I wanna double check the postcard na nakita ko sa kuwarto ko, kaso hindi ko na alam kung saan na pad-pad iyon. Pag tingin ko ulit kung saan ko sya tinabi, wala na sya doon.

Yamaken, if you just tell me whats bothering you...

Maiintindihan naman kita...

Kahit ano pa yan kaya nga naging boyfriend mo ako diba?

I'm feeling worried, lalo na tuklasan ko na ang tunay na ugali ni Art. Feeling ko, anytime, maagaw nya sya sa'kin.

Malaki ang pinagkaiba naming dalawa, parang hindi ko kayang pantayan ang pinagsamahan nila.

I couldn't held back my tears just thinking about it. I try to stop my crying moans and wiped my tears as soon as possible.

Ayaw kong may makakita sa akin dito na umuiiyak...

"Roy" sambit sa pangalan ko ng pamilyar na boses.

Lumingon ako kung saan nangagaling iyon, Si Sarah...

"What happened Roy?" pag aalala nya.

Lumapit ito at hinawakan nya ang braso ko. Pumiglas agad ako mula sa pagkakahawak nya at itinago ang muka ko.

"Roy, its okay. Look at me," mahinahon nyang sinabi.

Sa tono ng boses nya mahahalata mo talaga ang pag-aalala. Ayoko naman na dumagdag pa sa problema ng ibang tao. Kaya pinunasan ko muna ang mga luha ko bago humarap sa kanya.

"Okay lang ako, stress lang ito," sinabi ko sakanya in comforting way as much possible para hindi sya mag alala.

"Sigurado ka bang stress lang yan?" Kumunot ang noo nito.

Dahan-dahan nya ako hinila sa malapit na bench at umupo kami doon.

"Sorry Sarah kung nag pinag-aalala kita pero okay lang talaga ako," sagot ko.

"Alam mo Roy, you can act tough anytime you want pero its okay to be weak sometimes. No one will blame your flaws, because after all tao lang din tayo," malambing nitong sinabi habang marahan nyang hinawakan ang aking kamay.

"Pero Sarah I—" she didn't let me finish my sentence.

"Ginawa mo lahat ng makakaya mo kaso minsan may mga bagay na hindi natin kayang gawin, na madali lang sa iba. Kaya just show what you're capable of and they will still appreciate you. Kaya don't too be harsh on yourself," parang akong na engkato sa bawat matatamis nyang salita.

She's right though, ano nga ba laban ko kay Art...?

Guwapo sya, sikat sa campus at close pa sila ng bofriend ko...

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon