/23/ Out of Red and Blue

54 3 0
                                    

CHAPTER 23

OUT OF RED AND BLUE

R O Y

Papunta na ako ngayon sa Gym para makita si Yamaken dahil alam ko naglalaro sila ngayon sa Sports Club.

Gusto ko sanang bigyan sya ng maiinom saka pamunas nya. Si Art ang nag sabi sa akin na may basketball activity ang Sports Club ngayon.

Pagpasok ko sa loob nakita ko ang galing sa paglalaro ni Yamaken ng basketball. Ang pawis na tumutulo mula sa kanyang muka at 'yung mga kaakit-akit nyang bisig.

Nararamdaman ko ang kuryente sa aking dib-dib at napansin ko na umiinit ang aking muka. Bigla naman ako nakarinig ng mga babae at iilang mga lalaki na nag checheer sa kanya, dahilan para magising ako sa aking realidad.

Agad naman akong bumalik sa aking pakay, nakita ko si Art na nasa bench umiinom mula sa tumbler nya at pawis na pawis halatang kakapahinga lang nya.

"So nagdala ka?" tanong nya.

"Yup" sinagot ko ito ng nakangiti.

Inabot ko na sa kanya ang dala-dala kong para kay Yamaken.

"Teka, Art." Kumuha ako sa bag ko ng sticky notes at marker.

Maglalagay lang sana ako ng sobrang maikling note para malaman nya ako ang nagbigay.

Will you forgive me? :'<
-Roy

Hinablot ko kay Art ang bote ng tubig at idinikit doon ang sticky notes.

Una nyang tinigan ang notes na dinikit ko bago nya ako nakawan ng tingin. Kapansin-pansin ang mga patagong tawa nya.

"Bakit?" pagtataka ko naman.

"Wala," ngumisi ito. "Sige na, ako na bahala dito."

Tumango na lang ako at dumiretsyo na sa bleachers medyo malayo-layo sa court para hindi ako gaano makita dito ni Yamaken.

Malayo din sa naghihiyawan na akala mo hindi na uubusan ng boses. Kada shoot at agaw ng bola ni Yamaken sumisigaw...!

Napansin kong inilagay na ni Art sa bench na inuupuan nilang magkaka teammate. Malayo sa mga naunang nagbigay ng tubig at bimpo para sa kanila.

Habang hinihintay ko na kunin ni Yamaken 'yung bimpo at tubig, pinagmamasdan ko lang sya maglaro.

Nagflash back sa akin kung paano ko sya nakilala at nakitang maglaro sa unang pagkakataon.

Tinignan ko din 'yung puwesto kung saan kami nag usap, 'yung puwesto kung saan naging kami....

Grabe parang kalian lang, I was so scared and confused at the same time. Simula pa lang parang hindi lang basta sya si Ken Yamamori, ang Yamaken ko.

That's why nakakaramdam ako ng lungkot kapag ni-lelet go ko sya.

Natauhan ako bigla nang pumito na ang Coach nila. Ang mga players ay napahinto sa paglalaro at nagpunta na sa kanilang bench para sa water break nila.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon