/14/ After Party ( III )

82 6 0
                                    

CHAPTER 14

AFTER PARTY

R O Y

Dumiretsyo muna kami sa parking lot para ilagay sa kotsye 'yung mga nakuha kong award sa party.
Nag-aalala pa rin ako kung galit ba sa akin si Yamaken o hinde, muka namang hindi pero may kutob lang ako na baka nga.

"Yamaken, Sorry talaga sa nangyari kanina," na guiguilty pa rin talaga ako kahit laro lang 'yon.

Lalo na't may picture pa sya...

"Promise, kaibigan lang kami ni Sarah. Magkaibigan lang talaga kami"

"Masyado ka namang nag aalala. Binibiro lang kita atsaka may tiwala naman ako sayo," he smiled as he pinched both sides of my cheeks.

Bumitaw ako sa pisil nya at niyakap ko sya ng mahigpit. Lagi akong nanabik sa kanyang mga yakap. May kung anong init sa kanyang katawan na nag papagaan ng loob ko.

Isabay pa dito ang nakakaakit na amoy ng kanyang pabango, sa tuwing sinasandal ko ang aking ulo, sa kanyang makisig na dib-dib.

"Napa-paranoid ako hindi ka kasi nagrereply sa mga messages ko."

"Sorry, naghahanda na kasi akong magperform sa stage no'n."

"Nga pala, Para sa akin ba 'yong mga kinanta mo?" Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ba halata?" he smirked "Oo, para sayo lahat 'yon. Kabisado ko kaya lahat ng mga paborito mong kanta."

"Thank you!" Napatalon ako sa tuwa at lalo ko pang hinigpita ang pagkakayakap ko.

"Roy, Hindi ako makahinga."

"Sorry!" Bigla naman ako na pa bitaw sa kanya.

Napahigpit ata ng sobra 'yong yakap ko.

"Ito naman," hinila nya ang akong magkabilang braso at ipinalupot ito sa kanyang bewang."Biro lang."

"You can hug me all you want," nag iwan ito ng mainit na halik sa aking noo.

Mga ilang minuto pa kami nag tagal doon para magyakapan bago kami mag decide na pumunta sa isang coffee shop.

Naglakad na lang kami tutal may malapit na Starbucks do'n. Hi-hinde na sana ako kaso syempre, matitiis ko ba si Yamaken?

Pag pasok namin sa Store mga iilan na lang din ang tao. Halos mag alas-onse na rin kasi ng gabi.

Habang umo-order si Yamaken na patingin naman ako sa mga display na Cake, Donuts and Cupcake sa counter. Grabe nakakatakam naman...

Kaso hindi afford ng wallet ko mag Glaze Donut tapos meron pa ditong Oreo Cake.

"Roy?" Bigla akong tinawag ng babaeng katabi ko sa pila kaya humarap ako sa kanya.

"Lauren?" Hindi ako makapaniwala na si Lauren nga ang asa harapan ko.

Tapos na pansin ko na may katabi syang babae na sobrang ganda. Napaka-puti, matangos ang ilong, natural ang pula ng kanyang labi at 'yung mata nyang nakakaakit.

Muka talaga syang Korean Actress...

"Ito nalang order ko," sabay turo nu'ng babaeng kasama ni Lauren doon sa isang cupcake.

"Okay sige," sagot naming ni Lauren.

Si Lauren Choi nga pala sya 'yung first and last girlfriend ko pero break na kami halos 4 years na rin . Naging girlfriend ko sya no'ng grade 8, mga year and a half din kaming nag date.

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon