/17/ The Way Into His Blue Heart ( III )

74 6 0
                                    

CHAPTER 17

THE WAY INTO HIS BLUE HEART

Y A M A K E N

Two months na lang matatapos na ang school year at mag mo-moving up na kaming mga grade 10.

Bago sana matapos ang lahat makapagpakilalaman lang ako kay Roy for the very last time. 

If I didn't get any timing na ma-solo sya then ako na ang gagawa ng oppurtinity para kausapin sya ng mag-isa. Gumawa ako ng letter para sa kanya, parang lang syang invitation, sa meet up namin after class.

Meet me up at Gym 5:30 I have something to tell you.

- 山森剣

Pagkatapos kong isulat, iniligay ko na sya sa isang maliit na blue envelope at nagdikit ako ng kulay blue na heart sticker para iseal 'yung letter.

"Sure ka na ba dyan, Ken?" Tanong naman sa akin ni Art habang kumokopya ng notes sa notebook ko.

"Oo naman, dalawang buwan na lang mag mo-moving up na tayo. Ito na 'yung last chance ko."

"Dapat nilagay mo nalang 'yung true name mo para makilala ka nya."

"Nilagay ko naman ah."

"Iyung nababasa kasi tol ng pilipino."

"Okay lang yan, para thrill kung sino yung admirer nya." Pabiro kong sinabi sa kanya.

Napailing na lang si Art at nagpatuloy na sa ginagawa nya. Binigyan ko muna ng kiss sala ko inilagay sa aking bag 'yung letter.

Pinagpatuloy ko naman ang pagrereview para sa upcomming entrance exam na papasukan ko for Senior Highschool.

"Nga pala Ken, Alam mo na ba kung saan ka mag se-senior highscool?" sabay tanong ni Art.

"Hindi ko pa nga alam kung saan ako mag se-senior high eh. first pick ko sana siguro UST pero pinag iisipan ko rin sa Mountain's Peak University."

"Wow, UST, sabagay matalino ka naman kayang kaya mo 'yan!"

"Ikaw ba? Saan ka mag se-senior high?" tanong ko naman sa kanya.

"Siguro sa Northern Star University ako mag Senior High. Tutal si Mama ang administrator ng school eh," Sagot ni Art.

Tumango nalang ako bilang reply.

"Tutal hindi ka pa naman sure, why not consider NSU? Para magkaklase o mag kasama parin tayo sa Senior High," dagdag ni Art.

"Talagang ayaw mong nahihiwalay sa akin ah," I smirked

"Syempre parang kapatid na kaya kita. Saka mamimiss kita ng todo kapag iniwan mo ako."

"Ang OA mo naman," sabay batok sa kanya.

Napakamot naman sya sa batok nya habang tumatawa pero biglang nag bago ang timpla ng muka nya.

"Pano pag seryoso ako?"

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon