THESIS LOVE 1

164 2 0
                                    

NAVEEN DELA CRUZ

**

"E bakit naman kasi sa lahat ng iiwan mo'ng minor subject, social science pa e! Mas masaya 'yon kung tayo ang mag-classmate."

Kasalukuyan akong sinesermonan habang nagt-tantrums ng bestfriend slash classmate slash housemate slash my everything ko'ng si Cleo dito sa school cafeteria.

Mas nabubusog pa ko sa talak niya kaysa sa lunch ko.

"Kaya nga sorry diba?"

Sarkastiko ko'ng sagot habang sumusubo ng pasta.

Nakatitig ako kay Cleo habang naka-patong ang mga kamay niya sa baba niya at naka-nguso.

"As if may magagawa pa tayo. Nag-aalala ko sayo e. Ang primitive mo pa naman. Napaka-conservative mo tapos wala kang kakilala sa klase na 'yon."

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi na sumagot. Mang-aasar lang 'to ng paulit-ulit eh. Hindi ako primitive no, pero hindi din naman ako ganun ka outspoken at liberated. Open lang ako sa mga social issues.

Tsaka nakakainis din naman.Di ko akalaing Social Science pa ang naiwan ko'ng minor. Hindi ko napansin na may nalaktawan pala ako. As per Cleo, pang-open minded na tao ang subject na yun. It's merely all about family planning, drug addiction, prostitution, marriage, and sex. At masaya nga talaga 'pag may kasama ka'ng kakilala. Awkward naman pag-usapan ang sex ng ikaw lang. Nakita ko pa sa sched na lower years ang kasama ko sa klaseng 'yon, sa panahon pa naman ngayon mas may knowledge ang mga kabataan sa mga ganung issue.

After we had our lunch, pinasukan din namin ang dalawang natitirang subject namin. Ito ang pinaka-hassle na araw, Thursday. Punong-puno ang sched namin from 9 AM hanggang 6 PM. Yan ang dahilan kung bakit hindi ako makakuha ng fulltime na trabaho, full load kasi ako since last semester ko na. Ayoko na ding patagalin 'to, gusto ko ng maka-graduate. May ipon pa naman ako kaya pagkakasyahin ko na lang yon sa buong semester na 'to.

"Akyat na ko Cle. Goodnight."

Pagdating sa bahay ay dumiretso na ko agad sa kwarto at ni-lock ang pinto. Sa sobrang pagod, gusto ko na lang matulog kaysa kumain eh. Double purpose din 'to, tipid na diet pa. Babawi na lang siguro ako bukas sa breakfast.

Sa iisang bahay lang kami nakatira ni Cleo since grade 6. Pareho na kasi kaming ulila at pinagkaitan ng magandang kapalaran at tadhana.

I am Naveen Dela Cruz. Twenty. 4th year graduating Accounting student. Akalain niyo yun, isang semester na lang graduate na ko.

"Thank you God for this day."

The last thing I said bago ako makatulog.

I'm so thankful na sa halos apat na taon ko sa Roswell University ay maayos ang naging buhay ko.

And hopefully, maging maayos pa sa huling semester ko.

**

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon