THESIS LOVE 14

40 1 0
                                    

EX-FRIEND

**

Wala kaming prof sa next subject namin kaya imbes na mag-mukmok ako sa nangyari kanina sa gazebo ay naglakad na ko papuntang Bliss. Okay lang naman na maaga ako ng dalawang oras. Makabawi man lang sa pag-absent ko nung nakaraan.

"Hi Mace."

Si Macey lang ang naabutan ko sa shop pagdating ko. Kakaunting costumer lang din ang nandoon, isang grupo ng mga babaeng nakapang-nursing na uniform at dalawang mag-boyfriend / girlfriend sa couch.

"Aga mo ha?"

Pumasok ako sa counter para makalapit. Natanaw ko sa kitchen sina Makoy at Travis. Mabilis nila akong nakita at kinawayan. Bumalik ang tingin ko kay Macey at nakitang naglalaro lang siya sa phone niya. I can see na boring ang araw na 'to para sa kaninang tatlo.

"Bumabawi lang."

Isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at pumasok na sa quarters para mag-palit ng uniform. Wala nanaman si Sir Clark dun. May seminars siyang pinupuntahan these past few days. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang mawawala. Ang alam ko kasi, bukod sa shop na 'to ay may family business din siyang hinahawakan. Masipag din talaga ang isang 'yon. Wala akong masabi.

Nagbibihis ako sa tapat ng mga lockers nang tumunog ang pinto kasabay ang pagpasok ni Macey.

"Nav. Papalit muna. Sumakit tiyan ko eh."

Dumako ang tingin ko sa mukha niyang nababakas ang sakit at ang kamay niyang nakahawak sa namimilipit niyang tiyan.

"Sure. Lalabas na ko."

Binutones ko ang huling butones sa uniform ko at mabilis na tinungo ang counter. Wala pa ding pagbabago. Wala pa ding masyadong customer. Siguro dahil last hit of summer at papalapit pa lang ang tag-ulan kaya mahina sa mga tao ang mga coffee shops. Well if that's the case, me and Gertrude is hopeless. We love coffee any weather, any time of the day.

Trente minutos na ang nakakalipas at wala pa ding dumadating na costumer. Pumasok ako saglit to check on Macey pero naabutan ko siyang tulog sa couch at hawak-hawak ang tiyan niya. Masama nga talaga ang pakiramdam ng isang 'to. Di bale, malapit na din naman ang start ng shift. Ano ba naman ang isang oras na maaga para sa kasamahan mo sa trabaho.

Muli akong lumabas ng sa quarters at naabutang may kumpol ng mga lalaking costumer na nakatalikod sa counter. At last! May costumer na! Hindi na ko mab-bored.

"Good afternoon Sir!"

Maligaya kong bati. Sila ang unang costumer ko ngayong araw.

"Good afterno--"

Napawi ang mga ngiti ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko.

"Oy! Naveen! Dito ka pala nag-trabaho?"

Tanong ni Zaccred na nagulat din nang makita ako. Ngiting-ngiti siya samantalang ang katabi niyang si Sage ay tahimik lang nakatingin sa menu sa likod ko. Hinawakan ko ang magkabilang kamay ko na pinagpapawisan habang nakatago sa ibaba ng counter. I can't really escape from his stares. Great, Xylem. Keep on looking.

"Oo." I smiled at Zacc.

Gumawapo din ang isang 'to. Ano bang mayroon sa New York at parang binabago nila ang mga tao galing dun? Mas lumaki ang katawan niya at lalong na-depina ang malalaki niyang mga braso. He's tan now, and I admit na mas bumagay sa features niya iyon. Ito ang mukha ng lalaking kinababaliwan ni Cleo. Pero gayunpaman, ayoko pa rin siya para sa bestfriend ko. He's not the serious type of guy that Cleo wants. He will never be good for her.

"Ano pong order niyo Sir?"

"Caramel macchiato."

Agad kong pinunch ang order ni Sage na mabilis na umalis at pumili ng uupuan.

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon