THESIS LOVE 2

80 2 0
                                    

BACK

**

It's Friday. Nauna akong pumasok kay Cleo. 8 AM kasi ang schedule ng Social Science ko, Monday Wednesday and Friday. Ang saya lang, napaka-aga.

Ito ang unang araw na papasok ako sa klase ko sa SocSci.

Last Monday kasi may seminar ang Accounting students from 1st to 4th year tapos nung Wednesday naman nagka-meeting lahat ng graduating students. And since member ng deliberation committee ang prof ko, walang klase.

Madali akong umakyat sa 4th floor ng Liberal Arts building at hinanap ang classroom ko.

Pagpasok ko, lahat ng estudynteng nandoon ay nakatitig sa'kin. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi lang sila basta nakatingin, nakatitig talaga.

Hay naku, palibhasa karamihan dito second year pa lang. Medyo bata pa mag-isip.

Minabuti ko na lang na sa pinaka-dulo umupo. Bilang mas nakakatanda at mas mature, hindi ko na lang pinatulan. At tsaka ipinangako ko na sa huling semester ko, e magiging understanding ako sa mga ganitong tao.

She sleeps alone
My heart wants to come home
I wish I was
I wish I was
Beside you

Madali ko'ng kinuha ang cellphone ko'ng malakas na natunog sa loob ng suot ko'ng denim pants. Mabuti na lang at maingay ang mga classmate ko at di nila narinig. Isang kalabit na lang ng pagtataray nila sakin, papatol na ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Cleo sa screen. Ano nanaman kayang kailangan nitong magaling ko'ng kaibigan? Teka, gising na siya ng gan'tong oras? Himala.

"Hell--"

("HELLO!!! NAVEEN?!!!!!!")

Literal na nailayo ko ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng boses niya.

("NAVEEN!!! NASAAN KA?!!!!")

"Bakit ka ba nasigaw? Kumalma ka nga. Nasa school na ko. May klase ako."

Mahinahon ko'ng sagot. Alam niya naman kasing may maaga ko'ng klase nagtatanong pa.

("OMG! OMG!!!! SAAN KA BANDA? ANDITO NA KO SA SCHOOL EH! SA TAPAT NG REGISTRAR-- WAAAAAHHHH!!!!!!!! OMG!!!!!")

"A-aray."

Nakakainis 'tong si Cleo. Napakalakas ng boses. At ano? Andito na siya sa school? Teka bakit ang aga naman ata? Ang alam ko, 11 AM pa ang klase nun e.

"Anong ginagawa mo 'dyan sa registrar?"

Ang weird naman kasi. Sa dami ng tatambayan, registrar pa talaga? Ano, namimigay ng lift lets? Kailan pa siya naging matulungin?

("MAMAYA KO NA SASABI-- *toot toot toot*)

Inilayo ko ang phone sa tenga ko at binasa ang call ended sa screen.

Tignan mo 'to, binabaan ako. Ano kayang nangyayari at nagtititili yun? Mukhang isang batalyon pa ng mga babae ang kasama niya. May artista kaya dun? Hay naku Naveen, nevermind! Hindi mo naman ika-uunlad 'yon.

Maya-maya pa dumating na yung prof namin. Agad kong itinago ang phone sa bulsa ko at nag-focus kay Ms. Guevarra na nasa harap.

Wala naman siyang masyadong diniscuss. She introduced herself, nagbigay ng reminders at handouts at nilatag ang gagawin naming thesis for finals. Thesis, expected ko na 'to. Hindi naman yan matatawag na science ang SocSci kung wala man lang research. At mas lalong hindi pwedeng maipasa ko 'tong subject na 'to ng walang thesis.

After 45 minutes, pinalabas din kami ni Ms.

Pumunta ko agad sa cafeteria kung saan kami naka-set magkita ni Cleo.

Umupo ako sa gilid habang hinihintay siya. Yung babaitang yun, may utang pa saking kwento yun eh. Kapag nagpapasama ako sa school ayaw niya kasi masyado daw maaga, tapos kanina malaman-laman ko nasa school na ng alas-otso. Aba!

Lumingon ako sa double doors ng cafeteria at iniluwa nun si Cleo na pang-black saturday ang pagmumukha. Anong nangyari dito? Kanina lang kung makatili akala mo id-donate na ang esophagus eh.

Pinanuod ko siyang umupo sa harap ko ng walang pa ring imik.

"Anong nangyari sayo?"

Natatawa ko sa mukha niyang pang-biyernes santo pero mukhang seryoso eh, kaya di ko matawanan.

"Bumalik na si Zacc."

I lean on the table at tinitigan siya. Zaccred is back. Cleo's long long longtime crush is back.

"Oh. Diba dapat masaya ka? Bakit, may bitbit ba siyang girlfriend?

Nag-angat siya ng tingin.

"W-wala no. Baka sa student affairs mo ko nakita kung may girlfriend siya."

Tumawa ako ng mahina sa isinagot ng kaibigan ko. Oo nga naman, bakit ba hindi ko naisip 'yon? Noon pa man, loud and proud na talaga si Cleo sa pagka-crush niya kay Zacc, at walang kahit na sino ang nagtatangkang lumapit kay Zacc dahil binabakuran ni Cleo. Possessive eh no?

"Yun naman pala eh. Anong problema?"

Bumagsak ang tingin ni Cleo sa mga daliring kanina niya pa pinaglalaruan. Kinakabahan ako sa kinikilos ng gagang 'to. Hindi naman siya ganyan na sobrang tahimik at balisa eh. Ang weird, bumalik naman na pala si Zacc e. Ano pang dina-drama drama niya?

"Uy! Cleo. Anong drama mo?"

"Nav kasi..."

Titig na titig ako sa kanya na pati ilang beses niyang pag-lunok ng laway ay nakikita ko. There's something that's bothering Cleo, nararamdaman ko yun. Sa pitong taon na kami lang ang magkasama, makakapagtago pa ba siya sa'kin? Hell no.

"Kasama ni Zacc si Xylem."


Napasandal ako sa inuupuan ko. Ako naman ngayon ang natulala at kinain ng kaba.

Bumalik na siya?

Shit.

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon