THESIS LOVE 17

32 0 0
                                    

I'LL BE BACK

**


"Yun ba yung boyfriend mo?"

Dalawa kami ni Macey dito sa counter, mago-overtime daw siya ngayon. Nag-paalam siya kay Sir Clark na a-absent bukas dahil susunduin niya ang kuya niya galing sa Dubai. And speaking of Sir Clark, next week daw ang balik niya mula sa mga sunod-sunod niyang business seminars. Panigurado ay masaya nanaman dito sa shop pagbalik niya!

"Hindi."

Wala nga pala si Macey dito nung nakaraan nang pumunta sila Xylem, kaya wala siyang ideya kung kaano-ano ko talaga 'yon. Ayoko namang ipaliwanag ng paulit-ulit sa mga taong wala namang kinalaman sa'kin.

"Sus." Malambing niya akong tinusok sa aking gilid na nagpaliyad ng bahagya sa katawan ko. "Ang gwapo kaya! Kung hindi mo boyfriend, ano mo?"

Makulit din pala ang isang 'to, ka-lahi ata ni Cleo.

"K-kaibigan."

Isang simpleng salita lang pero parang ang hirap na hirap sabihin. Mag-kaibigan na nga ba kami ulit? Hindi ko alam. Baka.

"Talaga? Ilakad mo naman ako sa kanya."

Kung may iniinom lang ako ay malamang naibuga ko na 'yon kay Macey. Sa akin pa talaga siya magpapalakad?

Seriously?

"Hindi mo yun kilala. Baka magsisi ka lang."

Tingin ko ay ang siraan si Xylem na ang pinaka safe na paraan para iiwas sa sakit si Macey.

Totoo namang playboy siya, hindi nga lang siya kasing harsh nina Conrad na harap-harapang sinasaktan at iniiwan ang babae. Plastik ang Mendez na 'yon, kunyari one women man, pero gustong tikman ang lahat.

Pagtapos ng usapan naming 'yon ni Macey ay sunod-sunod na ang mga dumating na costumers kaya natigil na din siya sa kakatanong. Mabuti na din 'yon dahil ayoko ng pag-usapan si Xylem. I've had enough of him today. Pakiramdam ko ay mao-overdose ako pag buong araw ay siya ang makakasalamuha ko.

Sa kalagitnaan ng shift ko ay sunod-sunod ang mga mensaheng natatanggap ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga costumers na masaya naman sa serbisyong binigay namin bago ko binalingan ang phone ko.

May mensahe dun galing kay Gertrude, Cleo at dalawang unregistered number.

From Gertrude:

Bored na ko. I wanna party na. See you later best!

From Cleo:

Naiinis ako kay Zacc!!!

Napaka-party girl talaga ni Ge. Hindi nakakatiis ng isang gabing walang nalulunok na alak at naaninag na laser lights.

Pinagkibit-balikat ko lang 'yon dahil sanay na ko sa ganung ugali ni Gertrude. At ano naman kayang nangyari kay Zacc at Cleo? Parang kanina lang ay ang tamis-tamis ng turingan eh.

Agad akong nagtipa ng reply para kay Cleo

Ako:

Anong nangyari?

Nang mapindot ko ang send ay hinanap ko agad ang dalawa pang natitirang messages.

Unknown 1:

Nav this is Conrad the God. Save this. Ill see u tonight

The God? Wow! Iba din talaga ang hanging umiikot sa utak nito eh! Hindi man lang hintayin ang papuri ng iba, kailangan talaga self compliment ang ginagawa. Sinave ko ang numero niya at pinangalanang Conrad the Ass. Mas bagay dahil isa siyang malaking asshole.

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon