FINISH YOUR FOOD FIRST
**
Lumabas ako ng kwarto at nakita ang isang malawak na recieving area.
May tatlong magkakaharap na couch sa tapat ng isang malaking flat screen TV at matagayog na speaker sa magkabilang gilid nito.
Mabagal kong tinungo ang sala.
I am not wearing any slippers pero suot ko pa din ang itim kong dress kagabi. Palagay ko ay kahit na lasing ako ay hindi ako sumuka or whatever dahil ito pa din ang damit ko.
Sa tabi ng nasa dulong couch ay may maliit na kulay brown na table na may mga picture frames. Tatlo iyon at puro ito litrato na naandon si Xylem.
Ang una ay silang magkakaibigan; siya, si Zaccred, Sage, Conrad at Matthew. Ang isang frame naman ay sila ng kanyang Mommy.
I've met her Mom once kaya tanda ko ang mukha nito.
Ang huling frame naman ay kuha niya na may nakasabit na professional camera habang nasa isang park.
He really loves photography.
He loves pictures.Noon ay halos lahat ng puntahan namin ay kinukuhaan niya ng litrato.
But that was before of course.
Nawala ang tingin ko sa mga frames nang umihip ang malakas at malamig na hangin mula sa balcony. Meron itong sliding glass door na nakabukas ng kaonti.
Tinanaw ko ang labas at nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa mga nagtataasang building. At least alam kong nasa Manila pa din ako.
Pagtapos ng ilang minutong pamamalagi ko doon ay napagpasiyahan kong lumibot sa iba pang parte ng bahay.
Sunod kong pinasok ang kusina.
Laking gulat ko ng makita ang isang hilera ng mga pagkain na nakalatag sa kitchen counter. Lahat na ata ng almusal ay naandon.
Binaybay ko ang kahabaan ng counter. Sa dulo nito ay may isang pirasong papel na may sulat, dalawang tableta ng gamot at ang aking phone.
Madali kong kinuha ang cellphone ko at kinalikot. Mabuti at naitago ito ni Xylem. Kung sakaling nawala ito o naiwan ko kung saan ay wala na akong pambili ng bago.
Sa inbox ay meron lamang dalawang mensahe galing kay Gertrude at Cleo
From Gertrude:
Where are you? Are you with Xy?
From Cleo:
Naveen Dela Cruz nag-aalala ako! Nasaan ka!
Naghahalo ang tuwa at kaba ko. Masaya ako na ganito sila mag-alala sa akin pero kinakabahan ako mamaya pag nagkita-kita kaming tatlo. Siguradong masesermonan ako tungkol sa pag-inom.
Binitawan ko ang phone ko at bumaling sa papel na may sulat na nakapatong sa counter.
I'm sorry. I shouldn't let you drink too much. Inumin mo yan, that'll help.
Agad kong kinuha ang dalawang tableta at ininom kasunod ng isang basong tubig.
Xylem and his apologies
Mula nang bumalik siya ay palagi na lamang siyang humihingi ng tawad sa mga simple at maliliit na bagay, pero hindi yun ang kailangan ko.
Ang kailangan ko ay ang paghingi niya ng tawad sa mga masasakit na ginawa niya sa akin noon. Umaasa ako na baka mababawasan kahit papaano ang sakit. Kahit paano ay naasa pa din ako.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz