THESIS LOVE 13

36 1 0
                                    

STRONG

**

Nagising ako ng maga ang mga mata sa kakaiyak nung Monday. Hindi ko na nagawang pumasok sa shift ko sa Bliss dahil sa masakit kong ulo at hindi magandang pakiramdam. Tinext ko si Sir Clark at agad niya namang naintindihan. Nakakahiya. Unang araw ko sa trabaho ay absent agad ako. Di bale, babawi ako sa mga susunod na araw. Pwedeng sa sabado at linggo ay mag-overtime ako.

Mabuti na lang nauna ako kay Cleo umuwi nung araw na 'yon kung hindi baka nasapok niya ako kapag nalaman niyang iniyakan ko nanaman yung gagong yun.

Naging normal naman ng sumunod na araw. Kinamusta ako ng mga kapwa ko staffs sa Bliss at tinanong kung ayos na ba ako. Wala si Sir kaya hindi ako nakapag-explain personally.

Pagtapos ng klase ko sa business law ngayong Wednesday ay nagpunta ako ng gazebo para makipag-kita kay Xylem. Naka-tanggap ako ng text sa kanya kahapon na umpisahan na namin ang thesis. Kahit na ayoko pa siyang makita ay wala akong magagawa. Wala naman akong choice dahil siya ang partner ko.

Umupo ako sa isang silyang gawa sa bato paharap sa soccer field. 1:55 pa lang naman, alas dos ang usapan namin ni Xylem. Wag lang siyang magkakamaling ma-late, itataob ko talag--

"Hey."

Thank God dumating siya. Umupo siya sa harapan ko at umupo ng naka-de kwatro habang may dala-dalang lemon juice.

"Mag-umpisa na tayo. Para matapos na."

Naglabas na ko kaagad ng ballpen at yellow pad para sa unang step na gagawin namin for thesis: stating the problem.

Inilapag ko ang mga gamit ko sa mesang gawa din sa bato sa gilid namin at itinali ng mataas ang mahaba kong buhok. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong pinapanuod niya ang pagpupuyod ko ng buhok. What? Siya na kaya gumawa. Tss.

Huminga ako ng malalim bago bumaling sa kanya. Sumisimsim siya sa straw habang nakatitig sa akin.

"So." I started. Binitawan niya ang juice na hawak at nag-ayos ng upo.

"Ano bang gusto mong malaman about marriage?"

He asked.

Tumagos ang mga mata ko sa likuran niya para tignan ang mga estudyanteng nag-eensayo sa mga
P.E class nila.

Marriage? Isang beses ko lang inisip ang tungkol sa bagay na 'yon, sa maling tao pa. Simula noon ay hindi na ako umasang maikakasal at magkakaroon ng magandang married life.

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. I am willing to do some research or even all the interviews kung gusto niya, wag lang ako ang maglatag ng topic na gagamitin namin.

Lumipad ang tingin niya sa malayo. Pinanuod ko ang pagsimsim niya sa juice na nasa mesa. He seems nervous. Kailangan niya bang kabahan? Ako lang 'to. Yung babaeng ginago niya. Sabagay. Kakabahan ka nga naman kung makakaharap mo ang taong ginawan mo ng masama.

Matagal kaming nanahimik bago ko mapag-desisyunang mag-salita. Lalo kaming tatagal kapag ganitong konting usap ay mananatili kaming tahimik. Alam kong awkward okay? Ramdam ko naman.

"Ikaw? What do you want to know about marriage?"

Ngumiti siya ng maliit. Pinagsiklop niya ang mga daliri niya at inilagay sa kanyang tuhod at tsaka bumaling sa akin.

"I want to know... how some couples were able to make their marriage last. 10 years.. 30.. 50."

I breath real deep. Bumaling ako sa papel at isinulat ang sinabi ni Xylem. It surprise me na ganoon ang bagay na gusto niyang malaman tungkol sa buhay may asawa. He's not the committed type of guy. He loves relationships pero hindi ang matali habang buhay.

Pero ano nga kayang meron sa mga mag-asawang tumatagal ng limampung taon ang pagsasama?

"You're curious too?"

Napatingin ako sa kanya. Nakatagilid ang ulo niya sa'kin.

I nod.

Sumandal siya sa rock table at tumingin sa mga naglalaro sa soccer field. Kahit pigilan ko ay hindi ko maiwasang panuorin ang paglipad ng mga takas niyang buhok na tumatakip sa mata niya. Kahit na anong galit ko ay hindi ko maitatanggi ang ka-gwapuhan ni Xylem. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin ko'ng panget siya.

"Paano nila nagagawa 'yon?"

He asked habang nakatingin sa kawalan.

"People do mistakes. And its impossible that no one commit sin when they're together."

Humarap din ako sa soccer field at niyakap ang mga tuhod ko. Ayokong magsalita. Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat ng idea niya. Makakatulong 'yon sa mga future studies namin.

Suminghap siya.

"Maybe they're too strong to forgive each other's mistake. No matter how big it is."

That hits me.

Ramdam ko ang paghinto ng paghinga ko habang pino-proseso ang mga salitang narinig ko mula sa kanya.

So. Hindi pala ako ganun kalakas para patawarin siya? I'm sorry if I'm not! I'm sorry if I was really hurt. I'm sorry if I'm close to giving up when you break me. I'm sorry if I nearly died when you left me.

Don't you dare cry Naveen! Don't!

Ilang kausap ang ginawa ko sa sarili ko para lang kumbinsihin ang mga traydor kong luha sa pagtulo. Hindi dito. Hindi sa harap niya.

Matapang ko siya hinarap. Matapang akong nakipagtitigan sa malalim niyang mata. Bakas sa kanya ang sakit at panghihinayang. Bakit? Saan ka nasasaktan Xylem? Saan ka nanghihinayang?

"Maybe I'm not that strong."

Matapang kong sabi. Tumalikod ako at inayos ang nagkalat kong gamit sa table.

Bumaba siya sa pagkakaupo at lumapit sa'kin.

"Nav. Its not what I meant--"

"No! Okay lang."

Bago niya pa mahawakan ang braso ko ay inilayo ko na sa kanya 'yon. Pinunit ko ang unang page ng papel kung saan nakasulat ang posibleng maging topic ng thesis namin.

"Paki-organize na lang ng mga idea mo. Sabihin mo na lang sa'kin kapag may final topic na tayo."

Nilapag ko ang papel sa table at mabilis na naglakad palayo sa gazebo.

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon