FOR EVERYTHING
**
"What are you wearing?"
He asked coldly. Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko mahanap ang tamang dahilan. Bakit nga ba? Kasi pinilit lang ako nina Cleo? Hindi ko rin alam. Basta.
Siguro ay tumagal ng dalawang minuto ang katahimikan namin. Nangangalay na ang mga paa ko sa pagtayo dahil hindi ako makaupo sa tabi niya sa sobrang kaba. Baka kasabay ng pag-upo ko ay pagbagsak din ng puso ko.
Binasag ng malakas na tawa ni Zacc ang katahimikan. Hinampas siya ni Cleo pero lalo lang siyang tumawa.
"Dude! Look at your face!" Itinuro niya si Xylem na nakasimangot sa hindi ko pagsagot sa tanong niya "Just admit na ang hot ni Nav sa suot niya. Don't be too naive."
Lalong nag-init ang pisngi ko sa isinigaw ni Zacc. Halos lahat ng nandoon ay nanunuod sa'kin. Bakit ba kasi ako nahihiya gayong maganda naman pala ang suot ko? Siguro ay kung hindi ako kinakain ng mga titig ni Xylem ay makakagalaw ako ng maayos. I can't believed it! Naapektuhan niya pa rin talaga ako pagtapos ng lahat.
Bumalik ako sa realidad nang tumayo ang lalaking kanina pa ako pinagmamasdan at hinatak para mapaupo sa tabi niya. Walang angal ang lahat. Pati ang mga bestfriend ko ay nakangisi lang sa ipinakitang aksyon ni Xylem. Why do I expect them to react kung ang sarili ko nga ay hindi makapalag?
Lumunok ako ng kaunti at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.
"Beer?" Umangat ang tingin ko sa cerveza na nasa harapan ko ngayon. Madali ko iyong kinuha kay Xylem at ininom. Baka kapag natamaan ako ay mawala ang hiya ko.
Naramdaman ko ang pagsandal niya sa couch kasabay ng pag-angat ng kanan niyang braso papunta sa balikat ko.
Binalingan ko ang mga kasama naming may kanya-kanyang mundo. Wala silang pakealam saming dalawa.
Maya-maya pa ay nararamdaman ko na ang pag-iinit ng pakiramdam ko. Nakatatlong bote ba din pala ako. Ugh! Hindi ko namalayan ang pag-inom. Pero gayon pa man ay parang gusto pa din. Kahit na umiikot ang paningin ko ay sinubukan kong kunin ang bote ng beer sa harap ko.
"No." Hinablot ako ni Xylem at ibinalik ang katawan ko sa couch. "Enough alcohol for tonight Naveen. You've got three already."
Tinignan ko siya gamit ang napupukaw kong mga mata. Hindi ko na siya makita ng maayos, para siyang napapalibutan ng usok at ulap. This is the sign, may tama na nga ako.
Unti-unting gumapang ang ngisi sa aking bibig. "Xylem." Tawag ko.
Panay ang pikit bukas ng mga mata ko sa sobrang kalasingan. Bigla ko na lang naramdaman ang maiinit niyang palad na naglalakbay sa aking pisngi pababa sa labi.
Shit this is insane!
Hinahawakan niya ako at wala akong magawa kung hindi magpaubaya. I miss his touch, so damn much! Kahit ngayon lang, please kahit ngayon lang ulit. Unti-unti akong pumikit para mas lalong madama ang mga haplos niya.
"You're drunk. I'm sorry."
Bulong niya sa akin. Kahit na napaka-ingay ay rinig na rinig ko ang matitigas na salitang iyon na galing sa kanya.
Umiling ako habang nananatiling nakapikit. Hindi Xylem. Hindi yan ang dapat mong ihingi ng tawad.
Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sakin.
Bumabalik ang sakit. Bumabalik lahat. Sa paghingi niya ng tawad, naramdaman ko nanaman ang sakit. Kahit na isang taon na ay ganun pa din kasakit. Hindi ko pa rin kayang indahin, hindi ko pa rin kayang tiisin.
Lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Bahagya akong tumalikod para punasan ito.
Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong tama na pero hindi. Paanong hindi ako masasaktan kung nandito siya ngayon sa tabi ko at humihingi ng kapatawaran? Paano?
Nawala ang epekto ng alak sakin kaya mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng club.
Narinig ko ang pagtawag sakin ni Cleo at Gertrude pero hindi ko iyon pinansin. Ayoko na! Gusto ko na lang umalis dito! Umalis sa tabi niya at umalis sa buhay niya. Pagod na pagod na kong masaktan at umiyak.
"Naveen!"
Lumingon ako at nakita ang mukha ng lalaking naging dahilan ng lahat. Pinanuod niya ang mabagal na pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.
Oo Xylem, hanggang ngayon masakit. Hanggang ngayon masakit pa rin.
Umamba siyang lalapit pero pinigilan ko siya.
"Okay lang ako. Okay lang."
Tumalikod na ako. Wala akong pakealam sa tinginan ng mga tao sa paligid. Gusto ko ng umuwi at mapag-isa.
Nang makalabas ako ng tuluyan ay hinatak niya nanaman ako paharap sa kanya.
"Naveen! Please. Ihahatid na kita."
Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko alam kung paano pero namulat ako ng nasa loob na ko ng sasakyan niyang umaandar. Nakaharap ako sa bintana at kitang-kita ko ang ilaw na nanggagaling sa iba't ibang building ng siyudad.
Hinang-hina na ko at pakiramdam ko susuka ako. Pumikit ako at lumunok ng madiin. Ayokong masuka.
Tumagilid na lang ako at nilingon si Xylem gamit ang mapupungay kong mata. Tahimik lang siyang nagddrive habang ako ay nakasandal na sa bintana. Gusto ko ng humiga. Hilong- hilo na ko.
Paano niya ako naisakay dito sa loob? Nagpaubaya nanaman ba ako?
"Xyle--"
Hindi na niya pinatapos ang tanong ko. Hinawakan niya ang ulo ko at ibinagsak sa isang matigas na bagay.
Napapikit ako sa bilis na pagdaloy ng elektrisidad sa katawan ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang ibabang parte ng mukha ni Xylem.
Isinandal niya pala ko sa dibdib niya habang nagmamaneho siya at diretso pa rin ang tingin sa daan. Naka-alalay ang isa niyang kamay sa bewang ko.
Kumurap-kurap ako. Napakaganda ng ganitong tanawin. Tama nga. Daig pa ng kahit anong magagandang lugar kapag ang mukha na ng taong pinakamamahal mo ang masisilayan ng mga mata mo.
"Tang-na."
Utas ko na nakapatingin sa kanya sa akin."What did you say?"
Shit. Kahit pala lasing ay may kahihiyan din.
Ramdam ko ang paghinto namin. Palagay ko ay naka-pula ang ilaw sa stoplight kaya malaya siyang nakakadungaw sa akin pababa.
"Did I hear you curse?"
Damn. Ngumisi na lang ako at umiling. Thank God at mukhang naka-green na at umandar na kaming muli.
Nang nakatutok na siya sa daan ay muli kong pinagmasdan ang mukha niya.
Ang gwapo pa rin talaga.
Tangina kasi nito iniwan ako bigla eh, edi sana masaya kami pareho ngayon. Napasinghap ako sa naisip ko.
Galit na galit ako sa kanya pero sa tuwing nandyan siya malapit sakin, iba pa rin ang pakiramdam ko. Kung pwede ko lang buksan ang dibdib ko para ibato sa kanya itong puso kong winasak niya ay ginawa ko na para makita niya ang lamat at sugat na iniwan niya sakin.
Bakit kasi Xylem? Bakit ka umalis? Am I not worthy
of your love? Hindi ba kita deserve? Ang dami kong tanong. Pero wala akong ibang magawa kung hindi titigan lang siya ng ganito. He's near yet so far.Naramdaman ko na lang na may humahawak na sa basa kong pisngi. Pinapahid ni Xylem ang mga luhang lumabas sa mata ko.
Nakita niya. Pero wala na kong pakielam kung makita niya. Nasasaktan ako eh. For once ayoko ng magpanggap na matapang.
"I'm sorry baby."
Nakahinto na ang sasakyan. Nakatitig siya sakin habang hawak-hawak ang pisngi ko. He's making small circles around my cheek. It feels good. Damn it is. Ang sarap ng pakiramdam ng balat niya na nasa balat ko.
"I'm sorry for everything Naveen."
Isang malalim na halik sa noo ang ibinigay niya sakin bago ako tuluyang makatulog.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
Narrativa generaleThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz