MAY DUMATING
**
"Ayun. Binara ko.
Hindi rin naman ako pwedeng maglihim kay Cleo tungkol sa engkwentro namin ni Xylem. Si Cleo pa. Si Cleo na alam ang bawat galaw ko. Si Cleo na kabisado lahat ng facial expressions ko. Pati pagbuntong hininga ko alam niya eh.
"Eh anong sabi niya?"
"Wala. Nakanga-nga lang dun."
Totoo naman. Wala siyang nasabi pagtapos kong patulan ang magaspang niyang pagu-ugali. Hindi ko siya pinakekealaman kung gusto niyang magwala at ipakita sa lahat na nagbago na siya, wag lang sa lugar kung saan malapit ako at hindi ko makikita ang ginagawa niya dahil siguradong makakatikim siya sa'kin.
Sabay kaming nag-punas ng tissue ni Cleo pagtapos naming kumain ng lunch. Kailangan na naming umalis ng cafeteria dahil pinapalayas na kami ng mata ng mga estudyanteng walang maupuan.
"Sa room na tayo."
Anyaya ko kay Cleo.
"Eh! Bakit ba? May dessert pa ko. Di pa ko tapos kumain."
Here's her bitch mode again. Isang maliit na strawberry chocolate lang naman ang kinakain. Ipinarinig niya pa talaga sa mga babaeng nag-aabang na mabakante ang table namin. Pinasadahan ko ng tingin ang babae at umirap siya sakin bago yayain ang mga kasamang umalis.
"Pabayaan mo nga silang maghintay!"
Natahimik siya at mabagal ang naging pag-nguya sa tsokolate na parang tinatacha ang sinabi niya kanina.
"I didn't mean the word maghintay."
Tsaka ko lang na-gets ang gusto niyang sabihin sa'kin. Walang hiyang babae 'to.
"Sira!"
Binato ko siya ng tissue at umiling.
Nang matapos ang pag-mamaldita ni Cleo ay umalis na din kami ng cafeteria. Biology na namin pero wala kaming prof. Dumating din ang isa naming classmate sa business law at inanunsyong wala ding klase. What's with Thursday, really? Nawawala lahat ng mga tao.
"Saan na tayo nito?"
Pinasadahan ko ang suot kong relos. Maga-alas dos pa lang ng hapon.
7 PM ang trabaho ko. Saan nga kaya kami pupunta ni Cleo sa limang oras na bakante? Mall. Anong gagawin sa mall? Hindi ako mahilig mag-shopping. At tsaka nagtitipid ako dahil madaming kailangang bayaran. Uuwi? Pag umuwi ako ay malaki ang tyansang makatulog ako at kinabukasan na magising. Patay ako sa trabaho ko pag nagkataon."Hello?"
Kumunot ang noo ko nang umangat ang phone ni Cleo sa tenga niya. Lintek! Lumambing ang boses ng mahadera kong kaibigan. Mukhang kilala ko na ang kausap niya sa kabilang linya.
"W-wala nga kaming class hanggang 5 eh... oo."
Isang lalaki lang ang nakakapag palambing ng boses ni Cleo.
Zaccred. Tumawag siya o siya ang tinawagan? Malaman ko lang na siya ang gumagawa ng first moves ay masasabunutan ko talaga siya.
"Talaga?"
Lumingon siya sakin habang nakangiti ng pang-baliw. Pasado na sa mental ang isang 'to ha.
"Okay sige. See you."
Lalong tumaas ang kilay ko. See you? Aalis sila? So maiiwan ako? Itinago niya ang phone sa bulsa bago bumaling sa'kin.
"Susunduin tayo ni Zacc."
"Sige. Sa library muna ko."
Hindi ko pa nasasabi kay Cleo na may ka-date si Zacc nung nakaraan. Ayokong sabihin 'yon sa kanya exactly, pero lagi ko naman siya pinapaalalahanan na playboy ang ginusto niya at nature na nila magsabay-sabay ng babae. Hindi nga lang siya nakikinig sa'kin.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz