LIAR
**
Lagpas limang minuto na ko'ng nakatingin sa mata ng lalaking 'to.
Date? Kami? Tss. Pangalan niya nga 'di ko alam eh, date pa? Ito na nga ba ang hinala ko eh. Baka akala niya na may kapalit ang pagliligtas niya sa'kin kanina.
"What?"
Tanong niya ulit habang patuloy lang sa paghithit-buga sa pangatlong sigarilyo niya. Oo pangatlo na. Now I wonder kung nakakailan siya sa iba pang mga normal na araw.
"Sigurado ka ba sa tanong mo o napuno na ng usok yang utak mo?"
Bilib na ko sa sarili ko sa matapang kong pagtatanong. Hindi ko kasi dapat ipahalatang natatakot ako sa kanya kahit na nakakatakot naman talaga ko. Hindi na ko magtataka kung maya-maya ay may kukuha na lang sa'kin, papatayin at ipapatapon sa malayo.
Hindi ko pa natatanong si Gertrude kung kaano-ano niya 'tong lalaking 'to. Baka gate crasher lang sa debut niya. Pero mukha namang disente. Kahit na mukha siyang nakipag-away ay nangingibabaw pa din ang kakisigan niya.
"I. Am."
Lumapit siya ng lumapit sa'kin hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na gate sa likod ko.
I'm trapped.
Pinasadahan niya ng tingin ang hawak na yosi bago itapon sa gilid. Mabilis ang mga kamay niya sa pagkulong sa akin sa pagitan niya at ng gate.
"Serious."
Smoker pero ang bango ng hininga. Hindi lang hininga pero buong pagkatao niya.
Tinitigan ko lang siya gamit ang mga nanlalaki kong mata. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makahanap ng salitang sasabihin. His eyes are really passionate and mysterious. Isang titig lang ay siguradong susunod ka sa kahit na anong sabihin niya. And his lips. I bet his lips can make you taste unending heaven.
CUT IT NAVEEN! JUST QUIT DROOLING!
Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko pababa sa baba ko. Pinanuod ko ang unti-unting pagbagsak nun at ang pag-ngisi niya habang nakatitig sa'kin.
Lumayo siya dahilan para maka-tayo ako ng diretso at maayos ang dress na suot ko.
I wanted to look fine. I wanted to look normal in front of him para naman hindi niya makitang na-apektuhan ako ng presence niya. Well I just made it obvious, salamat sa tumulo kong pawis.
Bigla siyang may nilabas mula sa bulsa ng pants niya. Inabangan ko ang bagay na iniluwa ng bulsa niya at napagtantong cellphone iyon.
"Your number."
Iphone. This gave me the answer. He's an elite. At mukhang hindi siya gate crasher. He probably knew Gertrude.
Matagal ko iyong tinitigan. I am not sure of I should entrust him my contact. I don't even know him. Baka mamaya serial killer pala 'to. A gorj killer though.
Bumaba ang mukha niya para lumebel sa akin pagtapos ay hinanap niya ang mga mata ko. These pair of hypnotizing eyes are enough for me to grab his phone and type my number.
Ibinalik ko kaagad ang iphone niya.
BAKIT KO NGA BA BINIGAY? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay ang mga mata niyang nag-utos nun."What's your name?"
"N-naveen."
Pagkasabi ko ng pangalan ko ay nag-type siya sa phone niya.
"Saved." He waved his phone to me. "Saan ka nauwi? I'll send you home."
"H-hindi na. S-susunduin ako eh."
I lied.
Kahit na gwapo ay dapat nagi-ingat ako. Looks can be deceiving. Madami ng nabibiktima ang mga may itsura ngayon, mahirap na. Ayoko din namang magpahatid. Malay ko ba kung akyat bahay gang 'to. At paniguradong sermon ang aabutin ko kay Cleo kapag nakita niyang may naghatid sa'kin na lalaki.
"I'll just text you about our date."
Bumalik na siya sa loob at naiwan na kong mag-isa dun.
Debut ng bestfriend ko pero andito ako sa labas. Nakakaasar kasi yung stalker na yun eh! Ayaw patahimikin ang buhay ko. Palibhasa alam niyang hindi na ko nagka-boyfriend ulit pagtapos niya eh. Iniisip ata nun na hindi pa ko nakaka-recover. Hindi ba pwedeng busy lang talaga at ayaw ng magpaka-tanga?
Di bale, text ko na lang si Gertrude. Magpapalusot na lang ako.
Nilabas kong muli ang phone ko para mag-compose ng alibi sa bestfriend ko sa pag-alis ko sa debut niya. Nakita ko na may isang mensahe dun galing sa hindi kilalang numero.
0927*******: See you tomorrow - Xylem
Tinignan ko ulit ang loob ng mansyon para hanapin yung lalak-- si Xylem. Xylem? Xylem ang name. Weird. Ngayon lang ako nakarinig ng ganung pangalan. It corresponds to him as well. Ngayon lang din naman ako nakakilala ng lalaking kasing gwapo niya.
Binasa ko ulit ang laman ng message bago i-save ang number ni Xylem.
Teka teka, tomorrow? Agad? Anong klase 'to! We met earlier then date tomorrow? Hindi ba masyadong mabilis ang mga pangyayari? Hay naku. Bahala na. Ayoko na munang ma-mroblema sa mga maliliit na issue. Gusto ko na lang umuwi at mag-pahinga.
Nakaka-apat na hakbang pa lang ako palayo sa mansyon ay may naaninag na akong ilaw ng sasakyan na papunta sa kinaroroonan ko. Taxi. Pinara ko agad. Thank God, makakauwi na din ako. I've got too much drama for today. Sa wakas ay maipapahinga ko na ang buo kong pagkatao.
Sinabi ko sa driver ang address ng bahay at agad na kaming umalis.
Itatago ko na sana ang phone sa loob ng bag ko nang bigla itong mag-vibrate.
Xylem: Liar
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. L-liar? Ako, sinungaling?
It takes me a couple of seconds bago ko ma-realized ang kasinungalingang ginawa ko.
Shit.
Lumingon ako sa paligid habag naandar pa rin ang taxi.
Sa bandang likod ay may puting starex na nakasunod sa amin. Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi ko makita ang nasa loob nito.
Halos manginig ang tuhod ko nang ibaba ko ang tingin ko sa plate number nito.
XYL108
SHIT.
It's. Him
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz