THESIS LOVE 9

33 1 0
                                    

DAMN HEART SIGN

**


Eksaktong 5 PM ay nag-text sa akin si Gertrude. Pinapapunta niya na ko sa Bliss. Mala-late lang siya ng saglit dahil sa interview niya sa inaapplyang accounting firm. Nagtext muna ako kay Cleo bago tuluyang umalis at magpunta sa doon.

Ako: Cle. Papunta kami ng bliss cafe ni Ge. Sunod ka please.

Mabilis akong nakarating sa Bliss. Madaming tao sa shop ngayon at kitang-kita ko kung paano mataranta ang mga staff dun. Pati si Sir Clark ay aligaga na din at tumutulong na sa mga gawain ng waiters.

"Good morning p--"

"Hi Sir!"

Natigil siya sa pagbati nang makitang ako ang pumasok sa glass door.

"Naveen. Hi! Ikaw lang mag-isa?"

Inilahad niya sakin ang bakanteng table sa left corner ng shop.

"Hindi po. Dadating po yung bestfriend ko maya-maya."

Nilapag ko ang mga gamit ko sa table at inipitan ang buhok ko. Tutulong ako. Kahit na sa Monday pa ang shift ko ay napag-desisyonan kong tumulong.

"Nav. Costumer ka ngayon. You shouldn'--"

"Okay lang Sir. Wala naman po akong gagawin tsaka baka matagal pa yung bestfriend ko."

Ngumiti ako sa kanya at pumasok na sa counter para mag-suot ng apron. Binati ako ng mga kapwa ko staffs na sila Macey, Travis at Makoy. Kahit na busy ay nagawa pa din nila akong ngitian at kamustahin.

"Mace, ako na 'dyan."

"Thanks Nav."

Nag-paiwan ako sa counter para mag-cashier. Mas effective ako dito cause I'm quite reckless and clumsy. Baka maubos ko ang mugs at glass sa shop na 'to kung magw-waitress ako.

Dumoble ang bilang ng mga taong dumadating. Hindi na mapakali ang mga kasama ko pati si Sir. Nakakatuwa silang tignan na busy at haggard pero nakangiti pa din sa mga customers.

Matamis din ang ngiting ibinibigay ko sa mga umo-order sa'kin sa counter.

"Wait na lang po natin ang orders sa tables Ma'am. Thank you."

Pagka-alis ng huli kong costumer ay agad akong tumungo sa likod para maghanap ng maitutulong. Naabutan ko doon si Sir Clark na nagb-brewed ng coffee. Palipat-lipat ang tingin niya sa ginagawang orders at dun sa monitor sa taas kung saan nakalagay ang iba pang orders. Halos tatlong set pa ang kailangan.

"Sir ako na po 'dyan."

Ako na ang nag-ayos ng brewed coffees at siya naman sa mga ice blended. Nahuli ko ang nakatawa niyang mukha na nakatingin sa akin habang naghahalo ng ingredients.

"Thanks Naveen."

Napayuko ako at hindi nakasagot dahil sa hiya. Grabe. Bumilis ang pintig ng puso ko sa ngiti niyang 'yon.

Natapos na ang limang brewed coffee na ginagawa ko. Agad ko yung inilagay sa tray at pinatunog ang bell. Lumapit sa counter si Travis at kinuha ang mga orders. Pinanuod ko siyang inilalapag ang mga kape sa mesa ng mga guest.

Sumunod na lumabas sa counter si Sir dala-dala ang mga frappes sa kamay. Orders complete na. Nakakatuwa pala yung ganitong feeling. Fulfillment.

Bumalik ako sa tapat ng counter para maghintay ng susunod na costumer.

"Nav. That's too much. Balik ka na sa upuan mo. What's your order by the way? Ako na bahala."

"Naku Sir. Hindi na po."

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon