I MISS YOU
**
Wednesday..
8 AM Social Science class for me. As usual, nakahilata pa si Cleo pag-alis ko. Swerte din minsan ng babaitang 'yon eh, lalo na sa schedule.
"Talaga? Oh my God!"
"Ako din e. Yun ang nakalagay sa underground society. Nabasa ko kanina sa bulletin board nila."
"Ang galing din talaga ng ug-soc no? Pati schedule ay nasilip na nila."
Pagpasok ko pa lang ng room, ang lakas na ng bulungan ng mga estudyante. Ewan ko nga kung bulong ba ang tawag dun eh. But it's a good thing kasi hindi na nila ko pinapansin at tinitignan from head to toe kagaya ng dati.
Umupo ako dun sa usual ko'ng inuupuan sa likod at naghintay sa pagdating ni Ms. Guevarra.
Ano nanaman kayang chismis ang meron ngayon? Underground Soc nanaman? Isa 'yong sikretong publication dito sa school. Kapag nailagay ka sa board o sa mga articles nila ay paniguradong sikat ka na. Ang huling biktima nila ay isang tourism student na pinagbintangan na buntis. Judgemental talaga ang mga tao ngayon. Kung ako ang malalagay dun, idedemanda ko talaga ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
"Good morning class."
Humina ang pag-uusap ng mga estudyante nang pumasok sa front door si Ms. Guevarra kasunod ang isan--
O___O
"WAAAAAA!!!!!"
"OH MY GOD. OH MY GOD!!!!"
"GRABE ANG GWAPO PALA TALAGA NIYA!!!"
Totoo ba 'tong nakikita ko? Andito siya? Sa klase ko? Teka, wag niyang sabihin--
"Quiet everyone!"
Saway ni Ms. Guevarra sa mga walang humpay na babaeng tumitili sa pagdating ni Xylem.
"Hindi ako makapaniwala!"
Nilingon ko ang babae sa kabilang row na halos bugbugin na ang katabi niya sa kilig. Ako din, hindi ako makapaniwala.
Xylem.
Hindi ako makapaniwala na nakatayo na siya sa harap ko ngayon. Ang tagal. Ang tagal kong naghintay. Sa tagal ng paghihintay ko, ni hindi ko namalayang wala na pala akong hinihintay.
"Obviously, Mr. Menez will be part of this class. And I am expecting appropriate behaviour of a college student from everyone. Xylem you may take you seat."
Sunod-sunod ang paglunok ko habang sinasabi ni Miss na parte siya ng klase na 'to. Ako lang, ata dito ang hindi masaya dun.
Yung taong iniiwasan kong makita sa campus, makikita't makakasama ko pa sa loob ng klase 3 times a day?
Pinanuod ko siya sa pagsukbit niya ng shoulder bag niya at paglalakad sa aisle. Para siyang isang modelo sa simpleng lakad lang. He changed, a lot. Hindi na naka-brush up ang buhok niya. Bagsak na 'yon at halos matakpan na ang kanang mata niya. Mas lalo siyang pumuti. Mas lalong pumula ang maninipis niyang labi. Napansin ko din ang itim na hikaw na nakasuot sa kaliwa niyang tenga. Piercing.
"Vacant?"
Bumilis ang paghinga ko ng tumigil siya harapan ko at nagtanong.
I nod. Unconsciously.
Ano 'yon? Parang hindi lang ako kilala?
Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Agad niyang binitawan ang bag niya at hinayaan na malaglag sa floor.
Hindi man lang niya ko tinapunan ng kahit na isang sulyap man lang. Pinapanuod ko ng galaw niyang sa gilid ng mga mata ko. Walang kahit anong bakas ng koneksyon sa aming dalawa. Kung makikita kami ng hindi kakilalang tao ay magmukukha lang kaming normal na magkatabi.
Umupo ako ng maayos at itinuon ang mga mata sa harap.
Ang sarap upakan ng isang 'to. Kung makapag-tanong parang wala kaming nakaraa-- what the fuck, did I just? Kung makipagusap siya sa akin akala mo hindi kami magkakilala. Nagka-amnesia ba siya oh sadyang hindi niya lang ako matandaan? Baka gusto niya pang ihagis ko sa kanya lahat ng ka-cheapang ibinigay niya sa'kin noon para lang maalala niya ko.
Pinilit kong mag-focus sa lectures ni Ms. Guevarra pero itong lalaking katabi ko ay sadyang ipinaglihi sa intimidation. Nahahagip pa din siya ng mata ko kahit na anong pilit kong tumingin ng diretso.
"Pst. Lipat ka."
Nagulat at napa-lingon ako nang kalabitin niya yung lalaking nakaupo sa harap niya. Aba ang gago, sino siya para magpalipat ng estudyante? Kailan niya nabili lahat ng upuan dito sa school? Ito namang lalaki natakot ata at sumunod naman. Pinanuod ko siyang naglalakad papunta sa kabilang row.
"Good."
I heard Xylem breathes. Pinatong niya yung dalawang paa niya sa ngayon eh bakanteng upuan sa harap niya.
"Nagbabayad ba ng tuition yang paa mo?"
Hindi ko na napigilang sitahin siya. Hindi kasali dito ang personal kong pakiramdam. Nagagalit ako dahil sa sama ng ugali niya. Hindi naman siya ganyan noon. Yaan ba ang epekto ng pagtira niya sa ibang bansa? Ang gawing utusan ang mga taong mas nakabababa sa kanya? Sana pala hindi na siya nagpunta dun kung ganyan lang din ang mangyayari sa kanya.
Nilingon niya ko na naka-awang ng konti ang bibig. Sinalubong ko ang mga titig niya. Hindi ako natatakot, dapat ay malaman niya 'yon. Kung nagbago siya, nagbago na din ako.
Ipinakita niya ang kumpleto niyang ngipin sa pag ngiti sakin. Halos hindi mawala ang titig ko sa kumurbang parte ng pisngi niya. Fucking dimples.
Buimigat ang paghinga ko. Ngayon ko lang siya nakaharap at nakatitigan ng ganito katagal. Ganoon pa din. Nakakapanghina pa din ang mga mata niya. Ramdam na ramdam ko ang pagkalusaw ng mga tuhod ko kahit na nakaupo ako.
He lean closer at halos pabulong na nagsalita sa mukha ko.
"I miss you Nav."
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz