PISSED
**
"Alam ba nila na ikaw ang nag-uwi sa'kin kagabi?"
Binasag ko ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan ni Xylem. Kanina pa siya hindi nagsasalita matapos kong makaligo at makapag-ayos.
"Yeah." Simple niyang sagot habang diretso pa rin ang tingin sa daan.
Nalaman kong sa Alabang pala ang condo niyang yun, malayo sa apartment na inuupahan namin ni Cleo sa may Quezon city.
And speaking of which, tumawag si Cleo kanina at sinabing naandun daw silang lahat.
When she said silang lahat ay malamang si Gertrude, Zacc, Sage at Conrad. Nabitin pa daw sila sa party kagabi.
"Do you feel better now?"
Nasa may bandang Santolan na kami nang magtanong si Xylem. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa akin.
I nod.
Muli ng umusad ang sasakyan at maya-maya lang ay nakarating na kami sa apartment.
Sa elevator ay nasa gilid ko lamang siya pero nang naglalakad na kami sa hallway ay nauna na ko.
I don't think being close to him is a good idea. It's suffocating.
"Naveen!"
Pag bukas ko pa lang ng pinto ay agad tumayo si Gertrude para salubungin ako. Sa likod ay nakita kong nakaupo sa sofa ang tatlong itlog na may pare-parehong nakakalokong ngisi para sa lalaking nasa likuran ko.
What's with the smile?
Naunang umupo si Xylem sa tabi nila at agad siyang binulungan ni Conrad. Umiling siya at natawa na lamang. Now I wonder kung anong lumabas sa bibig ni Con.
"Kamusta Naveen?"
Nabaling ang tingin ko sa nagtanong na si Sage. He is smiling at me. I don't know kung smile nga ba 'yon o nakakalokong tingin lamang. Nakakapanibago kasing hindi siya tahimik ngayon.
"Okay lang." I answered
"Naka-ilan ba?" Dugtong ni Conrad.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Alam ko kung anong sinasabi niya, hindi naman ako primative no. And this is Conrad of course, ang lalaking kung magpalit ng babae ay para lamang pagpapalit ng underwear.
"Are you sore Nav?" Singit ni Zacc na naging dahilan ng maingay nilang tawa at pagpula ng mukha ko.
"Asshole!" Sinapak ni Xylem ang panga ni Zacc ngunit lalo lamang itong natawa.
Asshole nga talaga.
"Ewan ko sa inyo."
Inirapan ko silang tatlo kasama si Xylem.
Damn guy, hindi man lang magsalita at ipagtanggol ako sa mga manyak niyang kaibigan.
Binalingan ko na lamang si Gertrude na nasa tabi ko.
"Si Cleo?"
"Kitchen. Tara?"
Inilapag ko ang bag at phone ko sa coffee table at naglakad patungong kitchen.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz