GOOD HANDS
**
Maaga akong nagising kinabukasan. Friday na, last day na ng malaya kong buhay dahil paguran na talaga next week at sa mga susunod pang mga linggo.
5 minutes before 9:00 ay naglalakad pa rin ako sa campus paakyat sa SocSci class ko sa 4th floor ng Liberal Arts building. Ewan, tinatamad talaga ko ngayong araw at trip ko lang din magpa-late.
Iniisip ko tuloy kung anong gagawin ko mamaya. Kailangan kong lumabas at mag-gala. Bored na din ako sa pare-parehong nangyayari sa school araw-araw. Pupunta mamaya si Ge. Yayayain ko na din si Cleo para magkakasama kaming tatlo.
Surprisingly, pagdating ko sa room ay wala pa din yung prof ko. Nagpa-late na nga ako't lahat ay nauna pa din ako sa kanya. Mission failed.
Busy ang mga classmate ko sa pakikipag-kwentuhan sa isa't-isa. Yung iba nagg-gitara at yung mga nasa tabi ng bintana ay walang humpay ang click ng camera. Tss. Lahat ata sila energetic, ako lang ang hindi.
Naglakad ako sa aisle at nakita ang asungot na si Xylem na nakayuko habang pumipindot sa cellphone niya.
Pinasadahan ko ng tingin ang sobrang magka-dikit naming upuan. Really, huh? Nang-aasar talaga ang hinayupak na 'to.
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti nang makita niya ko'ng naglalakad papunta sa upuan ko. I rolled my eyes on him. Anong feeling niya, directly proportional ang ngiti niya sa ngiti ko? That when he smiles, I'll smile automatically?
"Good morning."
He greeted as soon as I sit on my chair. Inusog ko ang upuan ko malayo sa kanya. Nakita ko ang pag-ngisi niya sa ginawa ko at ang matatalim na titig ng mga babae naming classmates sa akin.
What?
Anong problema nila sa ginawa ko? Eh sa ayaw kong maramdaman ang presensiya ng lalaking 'to eh. Kung gusto nila, sila na dito!
Bahagyang ngumiti si Xylem sa mga babae dahilan para mag-hampasan sila ng balikat.
Inusog niya ang upuan niya papalapit sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at agad na kinuha ang phone sa bulsa ko. Walang sense kung papatulan ko pa. Maiinis lang ako.
Bumaling ako sa cellphone ko at nakitang may isang mensahe dun galing kay Gertrude.
Gertrude: See you later.
"Ang sungit naman ng baby ko. Meron ka ba?"
Napatingin ako sa katabi kong kanina ko pa gustong saksakin. Biglang pumasok sa isip ko ang mga mapanlinlang at pulidong kasinungalingan niya kahapon kay Gertrude. Lame story of his is lame. Akusahan ba naman na meron ako kaya hindi ko nasundo ang bestfriend ko? Excuse me, I won't waste any chances na makita si Ge kahit na ano pang dahilan.
"Bakit pala hindi mo sinabi sa'kin na uuwi si Gertrude kahapon?"
Bahagya siyang humarap sa akin habang nakasandal ng payapa sa likod ng upuan niya.
"Nagkita na pala kayo?"
"Oo."
Inirapan ko siya sabay tingin ng diretso sa harap. Wala akong pakielam kung mabugbog ako ng mga classmates ko dito sa pagtataray kay Xylem. Ipagtanggol pa nila, I don't give a damn.
I saw him breathes kasabay ng pagpatong ng paa niya sa upuan sa harap niya. Inuumpisahan niya nanaman ang pagyayabang niyang yan. Bakante na ang upuang 'yon sa harap niya. Hinanap ko ang lalaking pinaalis niya noon. Nandun na siya sa kabilang row nakaupo at wala na atang balak bumalik sa dati niyang inuupuan.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz