KAHIT KAIBIGAN LANG
**
Agad akong nag-hugas ng kamay at inayos ang sarili ko bago mapag-desisyunang lumabas. Rinig ko pa rin ang ingay sa labas dahil sa bagong dating.
Dahan-dahan kong pinihit ang pinto ng banyo at lumabas.
Tama ako.
Naka-upo si Xylem sa sofa kung saan ako naka-upo kanina katabi ang bag ko. Lumunok ako ng ilang beses bago ako makita ni Zaccred na nakatayo na dun.
"Nav! Ayan na yung seat mate mo."
Punyetang Zaccred Dela Verde talaga 'to. Matalim ang titig ni Xylem kay Zacc bago dumapo ang mata niya sa mga mata ko. Automatikong yumuko ang ulo ko bago maglakad pabalik sa sofa. Ramdam na ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin habang tinatahak ko ang daan papalapit sa kanya. I can't believe this! Ako talaga ang nalapit sa kanya?
Pati sa pag-upo ko ay pinapanuod niya ako. Pakiramdam ko ay kasali ako sa isang prestiyosong contest at siya ang pinaka-nakakatakot na judge.
Dahil mahaba ang couch ay sa kabilang dulo ako naupo, malayo sa kanya. Akmang kukunin kong muli ang pizza na hawak ko kanina nang makitang wala na sa box 'yon. Tumingin ako kay Zacc para magtanong ng bigla niyang itinuro si Xylem.
Bumaling ako sa lalaking nakaupo sa gilid ko at nakitang enjoy na enjoy siya habang kumakagat sa pizza na medyo bawas na.
Yung pizza ko 'yon!
"Akin yan ha!"
Tumingin samin si Cleo at Sage kasabay ng pag halakhak ni Zacc. He's that happy seeing us argue, really.
Ngumisi sa'kin si Xylem habang masayang ngumunguya.
"What's yours is mine baby."
Malambing na utas niya ng hindi binabali ang tingin sa akin.
Hayop na lalaki 'to! Palibhasa ay gwapo kaya ang dali-daling mag-pakilig ng kahit na sino.
Tumawa sila tatlo. Si Cleo ay nakangisi at tinatacha kung tatawa ba siya o hindi. I was surprised to see Sage laughing. Bihira mag-pakita ng emosyon 'yon eh.
Dumapo ang tingin ko sa coffee table nang ilapag ni Xylem ang crust ng pizza. Hindi ko na yan kakainin! Ano siya bale. Indirect kiss? Tss.
Naramdaman ko ang paglubog ng kutson ng sofa at ang paglapit niya sakin.
"Sa kwarto tayo."
He whispered in my ears. Napatingin ako sa kanya. Shit! Wrong move. Ang lapit na ng mukha ko sa mukha niya at halos matanggap ko na ang init ng bawat paghinga niya.
I arc my eyebrow. Niyaya niya ba kong gumawa ng kalokohan? Hindi ako tanga at lalong hindi ipinanganak kahapon para hindi malaman ang tono at ibig sabihin ng sinasabi niya.
He smile kasabay ang paglipad ng isang short brown envelope sa gilid ng mukha naming magkaharap.
Thesis, yun ang nakalagay na sulat sa envelope.
Tinignan ko ang nakangiti niyang mukha. "Let's do it." He said.
"Dude. Sa kwarto muna kami."
Sumipol ang dalawang lalaki habang hinihila ako patayo ni Xylem. Laglag ang panga ni Cleo dahil sa hindi ko pagpupumiglas. Oo sasama ako! In the name of this damn thesis!
Mabuti ay naisipan niyang dalhin ang documents para naman maging worth it ang pagsasayang ko ng limang oras na bakante. Kailangan din namin malayo sa tatlong naiwan sa sala dahil kahit na tahimik si Sage ay bawing-bawi ang ingay ng bibig ni Zacc. Naasiwa din ako sa landian ni Zacc at ni Cleo. Lumaki akong hindi nakikitang may nakapaligid na lalaki sa bestfriend ko kaya nakakapanibago. Si Zacc lang talaga ang ginusto niya ng ganyan.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz