PROMISES
**
"Nav, wait for me."
Pagtapos na pagtapos ng klase ay mabilis akong lumabas ng room. Xylem's following me mula kanina sa 4th floor hanggang palabas ng LA building. Ano pa bang gusto niya? Nanalo na siya diba? He should kick his ass outta here and celebrate because he won over my weak self again.
"Naveen!"
Lahat ng estudyanteng madaanan ko ay sumusunod ng tingin sa amin ni Xylem. Pati ang mga maintenance na kadalasang walang kiber sa mga nangyayari sa campus ay napapatingin. Sino ba namang hindi lilingon? Its Xylem the Great chasing a random girl in the campus. I bet lahat sila ay malaki na ang question mark sa mga utak kung bakit ako hinahabol ng lalaking 'to.
Lumagpas kami sa chapel. Tinahak ko ang daan papunta sa cafeteria.
Lalong dumami ang tao at dumoble din ang mga matang kanina pa nakatitig sa aming dalawa. Xylem should stop this non-sense. He's making a scene, hindi niya ba nakikita 'yon?
"Naveen. Nave--"
"Ano ba!?"
After the nth effin time ng pagtawag niya sa pangalan ko ay nilingon ko na siya. Kilala na ko ng buong university dahil sa paulit-ulit niyang pagsasabi sa pangalan ko.
Huminto siya at inayos ang nakasukbit na bag sa balikat.
"Let's have lunch together."
I let out a sigh. So lunch? Lunch lang ang dahilan ng ilang metrong pagsunod niya sa'kin. Seriously? Lunch. Mahina ako oo, pero hindi ako tanga para magpa-uto nanaman. Nakuha niya na ang buong semester ko dahil sa thesis, not even my lunch time.
"I'm not eating lunch today."
Tinalikuran ko na ulit siya. Lumihis ako ng direksyon dahil mukhang hindi ako makakakain ng tanghalian ko. Sa library na muna siguro ako tatambay.
Wala si Cleo, she's out for a project. Si Gertrude naman mamayang 5 PM pa pupunta. Siguro titiisin ko na muna ang gutom hanggang matapos ang dalawa pang natitirang klase.
"Bakit di ka kakain?"
"Naveen why?"
"Can you fucking answer me?"
"Hindi ka ba talaga kakain?"
He still following me. Throwing non sense questions. I didn't response to any of those. Mapapagod din yan just like before. Mabilis naman yang mapagod eh, mabilis sumuko.
Ni hindi ko na alam kung saan pang parte ng university ako lulusot makabalik lang sa LA building kung nasaan ang library. Pag nakita niyang bumalik ako dun ay paniguradong mahahalata niya ng nagpapalusot ako. Well, he's smart. Dapat ay kanina pa lang ay alam niya ng ayoko siyang makasama.
"Naveen."
He called my name again ng maka-apak ako sa gazebo ng school. Inangat ko pa ang tingin ko sa mga players ng soccer na nagp-practice sa field.
"Ano ba!"
Hinatak niya ko sa braso at tinitigan ng matalim. Ikinulong niya ko sa pagitan ng dalawa niyang braso na nakatukod sa pader.
He's mad and I don't care.
"Tell me bakit hindi ka kakain?"
I was stucked. Ang mga dumadaang estudyante at ilang mga players sa field ay nakatingin na sa amin. He's good at this, getting everyone's attention.
"Ayoko lang."
Simple pero malamig kong sagot.
"You're not a good liar. Dahil ba sakin?"
Finally he realized. Akala ko pa naman mautak ang isang 'to, nagkamali ako.
I roll my eyes on him as an answer. Pagod na ko sa arguments. All I want and need now ay makalayo sa kanya. He's no good for me. He's never been good to me.
"Fuck Nav." Pumikit siya ng madiin at kinagat ang pang-ibabang labi na parang nahihirapan. Saan siya nahihirapan? Na paamuhin ako? Na suyuin ako? I bet my life, he's really gonna suffer. No one's asking him to win me back anyway. Hindi niya naman ako kailangan itrato ng ganito. I am fine without him.
"I'll leave you now. Pero please... please kumain ka."
He looks frustrated. And worried.
Ayan nanaman siya sa mga arte niyang kunyaring concern siya sakin. Nakita ko na yan dati. Gasgas na, bumenta na. Umasa na ko dyan noon.
"Can I get a yes from you?"
He sounded like giving up. Fine! I'm happy he'll stop now. Without any hesitation, I answered "Yes" with a smile.
He sighs in relief when he heard it.
"Promise me you'll take care of yourself."
Agad siyang umalis sa harap ko at nagtungo sa hindi ko alam na parte ng school.
Yeah right. Tama ka Xylem. I will surely take care of myself. Because no one's gonna be there to do it. Because no one will never be good enough to do such thing. Because obviously, your promise to take care of me just flew out of your window.
Fucking promises.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz