DATE ME
**
Halos limang minuto na akong naka-kulong sa cubicle na 'to. Kahit na anong pigil kong wag umiyak, hindi ko kaya. Traydor na mga luha ang walang humpay na bumabagsak sa mahina kong mga mata. Naawa ako sa sarili ko. Ang sabi ko noon kapag nagkita ulit kami kailangan matapang na ko, malakas at hindi na ko iiyak sa mga simpleng bagay lang. Matagal kong inihanda ang sarili ko sa pagdating niya kahit na alam ko na sa oras na mag-tama ulit ang mga paningin namin ay mang-hihina ako ng tuluyan, na mag-lalaho lahat ang lakas na inipon ko, na titiklop muli ang mga tuhod ko sa sobrang sakit.
Kaya ko naman e, kinaya ko ng dalawang linggo na nakikita't nakakasama siya. Pero yung ipapaalala niya sa'kin ang mga nangyari samin noon, yun ang hindi ko kaya, yun ang pinakamasakit, ang pinakamahirap.
Nung inabot niya pa lang sa'kin ang phone niya, naalala ko na agad. Hindi totoong wala akong maalala. Imposibleng wala akong matandaan. Tandang-tanda ko pa rin lahat.
Hindi madaling kalimutan ang mga pangyayaring pinanghawakan mo buong buhay mo. Akala mo kasi ayun na 'yon eh. Na pang-habang buhay na. Kaya lahat, lahat-lahat ng magagandang nangyari ay itinago mo sa puso't isip mo.
FLASHBACK
"Hey best, where you going?"
Palabas na ko sa mataas na gate nila Gertrude nang makita niya ko at pigilan.
"Tatawagan ko lang si Cleo. I'll tell her na late na kong makakauwi."
"Okay. Balik ka agad ha."
I nod at her bago tuluyang lumabas. It's her debut dito sa napakalaki nilang mansyon. Malaki na, mansyon pa. Well yes, mayaman pa sa mayaman ang bestfriend kong 'to.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga bisita bago lumabas. Ang daming tao sa loob, nakakahilo. Bukod kay Zaccred, Matthew, Sage at Conrad, na mga kaibigan ni Gertrude ay wala na akong ibang kakilala dun. Buti nga ay hindi ako nao-outplace, hindi din naman 'yon hinahayaan ni Gertrude.
Pagkalabas ko ng gate ay hinanap ko agad ang phone ko sa bag. I need to call Cleo. Maga-alala 'yon sakin kapag gabing-gabi na kong umuwi ng hindi man lang nagsasabi sa kanya.
I was about to dial her number nang may biglang humawak sa braso ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay na mahigpit at madiin na nakahawak sa akin bago tumingala.
Siya nanaman.
Shit!
"Anong ginagawa mo dito?"
Galit na mga mata ang sinalubong niya sa akin. Aba, ang gago! Siya pa ang may ganang magalit ngayon?
"Sinabi ko naman sayo Naveen, akin ka lang!"
"Ano ba Migs bitawan mo ko!!!"
Miguelito Fajardo, my first boyfriend na halos dalawang taon ng hindi pinapatahimik ang buhay ko. Hindi naman ako kagandahan para habulin niya ng ganoon katagal.
Stalker, yan na ang tawag namin nina Cleo at Gertrude sa kanya. Laging nakasunod, biglang sumusulpot kung nasaan ako. I don't know where he's getting the informations about me.
Hindi niya pa din ako binibitawan. Tumataas nanaman ang alta presyon ko kaya agad ko siyang nasigawan.
"Ano ba sa salitang ayoko sayo ang hindi mo maintindihan ha!!?"
Kitang-kita ko ang pag-yukom ng isa niyang kamao at ang paghigpit lalo ng kamay niyang nakahawak sa braso. Nasasaktan na ko. Pakiramdam ko ay naiipit na ang dugo ko sa parteng yon ng katawan ko na hinahawakan niya.
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz