THESIS LOVE 18

39 0 0
                                    

WHAT ARE YOU WEARING?

**


Walang naging imikan sa pagitan namin ni Xylem habang papunta sa Club Z-1. Hindi ko na alam. Kanina lang ay okay na kami, parang civil na. Tapos nung sinundo niya ako ay bumalik nanaman ang inis ko sa kanya. Ewan basta hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Pagdating namin sa venue ay sinalubong kami ng mga taong lasing na. Past 11 na din kasi kaya ganun. Nakita ko ang pamilyar na laser lights at nakakabinging tunog. I've been here before, kasama sila Gertrude noon. Hindi na bago 'to sakin pero hindi ako masanay-sanay. Hindi ko lang talaga siguro trip ang maiingay na lugar.

"Fuck dude! Get your hands off her!"

Napalingon ako kay Xylem na biglang sinigawan ang lalaking may pares ng nakakatakot na mata sa gilid ko. Napasinghap ako nung nakita ang kamay niyang kakagaling lang sa pagkakahawak sa bewang ko.

Shit!

All this time akala ko kamay ni Xylem 'yon. Kinain nanaman ako ng mga akala ko. Kainis talaga.

Hinila ng mga kasama niya ang lalaki dahil sa sigaw ni Xylem.

Iginaya niya ko papunta sa dulong couch kung saan naaninag ko na sina Cleo na nakaupo at nainom. Damang-dama ko ang init ng kamay niya sa bewang ko. Damn it! Paano ko 'to nararamdaman gayong naka-t-shirt naman ako? Iba din talaga ang haplos nito, tagos hanggang buto.

Bago kami tuluyang makalapit sa mga kaibigan namin ay lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

"I want to go back and punch that fucker's face."

Nilingon ko siya at nagtagpo nanaman ang mga mata namin. He look so serious at hindi ko alam kung gaano na siya kagwapo sa ganyang lagay. Oh God!

"S-sinong lalaki?"

"The guy who touched you."

"Pabayaan mo na tapos na."

Inalis ko ang kamay niya sa'kin at ambang lalapit na sa couch ng bigla niya akong hilahin pabalik.

"No one dares to touch you."

Ang init. Oo ang init.

Ang init ng hininga niya sa leeg ko ay nagpapainit din ng pakiramdam ko. God! Ano na? Ano ng nangyari sa napakatayog na pader na isinaklob ko sa puso ko? Ginigiba nanaman niya. Siya nanaman!

Hindi ako nakagalaw sa huling salitang sinabi ni Xylem kaya siya na mismo ang humila sakin papunta sa mga kasama namin.

"Ayan na ang seatmates!"

I swear mapapatay ko na si Zacc! Kailan niya kami titigilan?

Una kong nakita si Cleo at Gertrude na naghagigikan habang nakatingin samin na kararating lang. Pareho silang naka-tight dress, kay Ge ay black at white naman kay Cleo.

Ang ganda ng mga kaibigan ko.

Hinila ako ni Xylem sa tabi niya at agad siyang kumuha ng isang shot ng vodka.

"Woooooh! Thank God you came Naveen!"

Sinalubong ako ni Con na may akbay na dalawang babae sa balikat. Inalis niya muna ang mga kamay nila bago lumapit sakin at yumakap.

"Cut it!"

Nagtawanan silang lahat sa pagtulak ni Xylem kay Con. Kay Zacc ang may pinakamalakas na tawa habang nakangisi lang ang katabi niyang si Sage.

"Calm down fucker. Niyakap ko lang, di ko aagawin."

Lumayo sakin ni Con at bumalik sa mga alipores niya.

"Tss. Hindi mo naman maagaw.

Tinapunan ko ng tingin si Xylem. Ininom niya nanaman ang isang shot. Seryoso ang tingin sa basong ininuman niya at hindi na ko pinansing muli.

Sungit? Tss. Pasalamat siya ay nandito nanaman kami sa pampublikong lugar at nakakabanat siya sakin ng ganyan.

Inilihis ko na lang ang tingin ko sa mga nagkalat na shot glass sa table na nasa gitna namin. Ano kayang iinumin ko? Shot or beer? Hindi ako malakas sa alcohol kaya baka beer na lang.

Nakita ko ang isang lights sa kabilang dulo ng table pero bago ko yun maabot ay hinatak na nina Ge at Cleo ang magkabilang braso ko para itayo.

"Tara best! Bihis ka muna!"

Tsaka ko lang napagtantong naka-pants at tshirt ako sa loob ng isang club. Gumapang sa akin ang hiya. Grabe. Habang silang lahat ay disente ang suot ako naman ay parang pambasura lang. Napangiwi ako sa sarili ko.

"Where you going?"

"It's a girl thing Xy. Babalik din kami."

Sagot ni Gertrude bago ako kaldkarin papunta sa powder room.

Pagpasok namin dun ay saktong palabas naman ang tatlong babae kaya ni-lock na ni Ge ang pinto.

"Game Cle?"

"Game!"

Oplan-bihis-Naveen ang paulit-ulit na itinawag nila habang binibihisan ako. Hindi ko alam kung saan galing ang mga dala nilang dress at ibang accessories. Pinaghandaan? Ganito ata talaga kapag may kaibigan kang kagaya nila. I can't do anything kung hindi pumayag.

Pagtapos ng trenta minutos ay natapos na din sila sa pag-aayos sa amin. Salamat naman. Ilang katok at sigaw ng ibang customer ang paulit-ulit namin naririnig mula sa labas at puro "under maintenance!" ang isinisigaw ni Gertrude sa kanila.

"There you go!" Ipinaharap ako ni Cleo sa salamin habang inaayos ni Gertrude ang ibabang parte ng buhok kong kinulot sa dulo.

"Wow best! You are so perfect!"

Pinamulahan ako ng pisngi sa walang humpay na papuri ng dalawa. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Isang maikling red tight dress ang ipinasuot nila sakin at 5" black pumps. Nakaladlad din ang buhok kong medyo kulot na lagpas dibdib. Hindi pa nakuntento si Cleo at nilagyan ako ng makapal na red lipstick. Napakalayo ng itsura ko kanina na naka-shirt lang. Iba talaga mag make-over ang dalawang 'to.

"Let's go." Sa wakas ay binuksan na din nila ang pinto ng powder room.

Habang naglalakad kami sa hallway ay bumulong sakin si Gertrude.

"Get ready to break all their necks." Sabay kindat.

What? Anong break their necks? Tinignan ko si Cleo, nakangisi lang siya sakin.

Nang tuluyan na kaming makabalik sa loob ay nakuha ko na ang sinabi ni Ge. Halos mabali ang leeg ng mga lalaking madaanan ko. Lumingon sakin si Ge at agad akong nabasa ang ibinuka ng bibig niya "Told you."

Habang pabalik sa pwesto namin ay nakayuko na ako. Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga tao. Nahihiya ako.

"Were back!"

Anunsyo ni Gertrude. Nakita kong mapungay na ang mata ng tatlo, Zacc Sage at Con. May katabi pa din babae si Conrad na binubulungan niya sa tenga. Tss disgusting. Si Sage naman ay nasa phone nanaman ang mga mata habang si Zacc ay tumayo na para daluhin si Cleo na nasa harap ko.

"Hey! Guys!"

Halos sumigaw na si Gertrude para lang makuha ang atensyon ng mga kaibigan namin. Tagumpay siya dahil tumingin silang lahat sa kanya.

"Look at Naveen." Nagbigay siya ng daan kasabay ng pagtulak ni Cleo sakin paharap.

Isang bagay lang ang nakita ko sa mga mukha nila. Laglag ang panga ng apat habang tinititigan ako. Ngumiti lang ng maliit si Sage bago bumalik sa phone niya.

"Tangina Naveen! Ikaw ba-- ikaw ba yan ha? Tang'na!"

Hindi ko maiwasang mahiya sa sinabi ni Con. Napamura pa ang gago. Sandali pa ay iniwas niya na rin ang mata niya sakin at binalingang muli ang kalandiang babae. Ngayon ay iisang pares ng mata na lang ang hindi ako kayang bitawan.

Sa gilid ng mga mata ko ay kinuha niya ang cervesa at tinungga yun nang hindi ako binibitawan ng tingin. Naglakas loob akong tignan siya pero pinagsisihan ko nang makita ang apoy sa mga mata niya.

"What are you wearing?"

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon