THESIS LOVE 6

61 1 0
                                    

WIN YOU BACK

**


"Tangina talaga eh. Tangina niya talaga Cleo! Tangina niya!"

Sa bahay ko nilabas lahat ng galit na kanina ko pa kinikimkim sa school. Kulang pa ang isang libong 'tangina' para maibsan lahat ng galit na nararamdaman ko para kay Xylem.

Lalong bumilis ang paghinga ko nung maalala ko na wala man lang akong nagawa kanina pagtapos niyang sabihin ang mga kasinungalingang 'yon sa mukha ko. Nanahimik at hindi ako nakapag-focus hanggang sa mga sumunod kong klase dahil dun. Kahit kailan, panira pa rin siya ng diskarte ko sa buhay. Palaging siya ang dahilan ng mga hindi magandang nangyayari sa akin.

"Kumalma ka pwed--"

"Ang kapal kasi ng mukha niya eh! Anong karapatan niya para sabihin sa'kin na namiss niya ko? Gago siya, eh siya nga 'tong nang-iwan sa ere eh!"

Nakayukom na ang mga kamao ko sa galit. Gustong maiyak sa sobrang pagka-inis ko sa lalaking 'yon, pero hindi. Hindi ako iiyak. Hinding-hindi na ko iiyak ulit para sa kanya.

"Naveen Dela Cruz, iniwan ka ba talaga oh ikaw lang 'tong nag-assume na hindi siya aalis kahit na kailan?"

Umupo ako sa kama habang kinakalma ang sarili ko. Yung pakiramdam na kailangang-kailangan ko ng kakampi ngayon pero itong si Cleo pina-prangka pa ko. Ano ba naman yung magpalubay man lang siya sa mga salita para maibsan kahit na paano yung galit ko.

Umasa nga ba ko? Hindi e. Hindi ako umasa. Niloko ako. Nalinlang. Pinaniwala ako ng gagong 'yon na totoo lahat.

At tsaka hindi lang naman 'yon ang ikinagagalit ko eh. Tanggap ko na noon pa na baka hindi niya talaga ko gusto at ginawa niya lang akong libangan niya. Wala na kong pakielam sa kanya simula nung araw na nawala siya sa paningin ko at nalaman ko na lang na nasa New York na siya. Ang hindi ko matanggap eh yung pagtapos niya kong iwan ng walang pasabi, ay babalik siya na parang wala lang nangyari. Para ngang hindi niya pa ko kilala kanina eh.

Kinuha ko ang body towel ko na nakasabit sa likod ng pinto at agad na pumasok sa banyo para maligo. Hindi ko 'to kaya ng ganito. Makakapatay ako ngayon kapag hindi ako kumalma.

Hinayaan ko ang malamig na tubig na tumulo sa buo kong katawan. I need a cool down. I need to fucking calm down. Ayokong makita ni Xylem na sobra akong naapektuhan ng kagaguhang ginawa niya sa akin noon. Pride na lang ang natitira sakin, dinala niya na lahat ng umalis siya. Hindi na ko makakapayag na pati ang pride na makita niya kong apektado pa din sa kanya ay mawala sakin. Hindi. Never.


     UNLIKE yesterday, mas light ang naging araw ko ngayong Thursday. Damang-dama ko naman ang hectic sched ko ngayon. It serves as a destruction sa mga gumugulo sa utak ko these past few days.

Nagpapasalamat ako na hindi ko makikita ang mukha ng gagong 'yun ngayon. Asar pa din ako sa kanya at baka masapak ko na lang siya bigla sa pagkayamot ko.

"Oh, ang mukha."

Bulong ni Cleo habang papasok kami sa next class namin.

"Hindi mo naman makikita yun ngayon eh."

I nod and fake a smile. Yeah right, no need to look weary dahil wala namang asungot na makikita. I should consider this day a day off. Nakakapagod din ang mainis ng mainis.

Our classes went out well. Bukod sa minor ko na pa-major sa arte, wala namang masyadong nakakaasar ngayong araw. Siguro regalo sa'kin 'to ni Lord kasi sobra ang stress ko kahapon.

Umuwi kami agad ni Cleo after our 6 PM class. Kailangan ko ng enjoy-in ang paguwi ng ganito kaaga kasi sa monday start na ko sa coffee shop. Paniguradong patayan nanaman ang tulog ko nun.

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon