THESIS LOVE 3

53 1 0
                                    

CLEO PIMENTEL

**

Maaga akong nakatanggap ng text galing kay Matthew, isa sa mga kaibigan namin ni Naveen at bestfriend ng pinakamamahal ko.

He's heading to school. Zacc will be at school. Kyaaaaa!

Bumalikwas ako sa pagkakahiga. Pupunta sa school si Zaccred my loves. Kailangan kong pumunta ng maaga sa school ngayon.

Pinuntahan ko sa kwarto si Naveen, tulog pa siya. Sabagay, 5 AM pa lang naman. Dumiretso na ko ng banyo at naligo na. Kailangan kong maunahan sa school si Naveen. Paniguradong papatayin ako nun kapag nalamang nag-effort ako ng gan'to para kay Zacc. Unfair kasi ako hindi ko siya masamahan sa school kapag umaga. Wicked bestfriend.

7 AM ay umalis na ako sa bahay. Nilock ko ang kwarto ko para hindi mahalata ni Nav na wala na ako.

Madali akong pumunta sa school. Excited.

Pagpasok ko ng gate ay tanaw ko agad ang grupo ng mga babaeng nasa harap ng registrar's office. Anong meron? Artista? Shooting? Hindi ko yun pinansin at lumibot na sa buong school para hanapin si Zacc. Hindi rin kasi alam ni Matt kung anong gagawin ni Zacc dito, ang alam niya lang eh pupunta yun ngayon. So saan ko siya hahanapin sa laki ng campus?

Inuna ko ang highschool building. Madalas siya dun dahil sa karamihan ng babaeng type ay mas bata sa kanya. Pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Umakyat ako sa Business Administration building. Dun ang building niya at nagba-bakasakali akong andun siya. Laglag na ang panga ko pero wala pa din. Ang tagal ko ng nagi-ikot sa buong school pero kahit amoy ni Zacc, wala. Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko na nagsasabing alas otso na. Paniguradong nandito na sa school si Naveen. Kailangan ko ng umalis. Mapapatay ako nun pag nakita ako.

Napadaan ako ulit sa registrar's office. Dumoble ang bilang ng mga nandun. Nakaka-curious tuloy kung anong meron.

Lumapit ako at pinilit na makasiksik sa unahan. And I made it! May lahi ata akong surot no.

Lumapad ang ngiti ko nang makita sa loob si Zacc na kausap ang head registrar namin. OMG! Nilibot ko ang buong school, andito lang pala 'to.

Agad kong dinial ang number ni Naveen. Hindi ko kaya 'to mag-isa! Kailangan ko si Naveen!

("Hell--")

Nang makita ko ang pagtanggap ni Nav sa tawag ko ay agad akong napatili sa kanya.

"HELLO!!! NAVEEN?!!!!!! NAVEEN!!! NASAAN KA?!!!!"

"Bakit ka ba nasigaw? Kumalma ka nga. Nasa school na ko. May klase ako."

Hindi ako magkandmayaw sa kilig. Hindi ko mabitawan ng titig si Zacc na nasa loob. Isang malaking salamin lang ang humaharang sa kanya pero nanginginig na ko sa kilig.

"OMG! OMG!!!! SAAN KA BANDA? ANDITO NA KO SA SCHOOL EH! SA TAPAT NG REGISTRAR-- WAAAAAHHHH!!!!!!!! OMG!!!!!"

Nawala ang sasabihin ko kay Nav. Alam ko naman na nasa LA building. May klase nga eh diba! Doomed Cleo.

"Anong ginagawa mo 'dyan sa registrar?"

Patay.

Katapusan ko na. Maling move ata na tinawagan ko si Naveen. Makakatay ako ng wala sa oras nito.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng hiyawan ng mga babaeng katabi ko. Tumango na sa head registrar si Zacc. Palabas na siya!!!

"MAMAYA KO NA SASABI--"

Pinatayan ko ng phone si Nav. I'm so dead. P-pero bahala na. Mamaya na ko mage-explain.

"Zaccred!"

Isang tawag pa lang ay nilingon niya na ko. Agad siyang ngumiti at lumapit sa pwesto ko. Napasinghap ang mga babae sa ginawa ni Zacc. Bleh! Akala ata nila type sila ng my loves ko eh. Sorry he's off limits cause he's mine.

"Long time no see Cleo. Kamusta ka?"

"Okay lang. Ikaw? Bakit ka nandito?"

Wag niyang sabihing enrollee siya. Graduate na ang isang 'to. Sa New York niya tinapos ang degree-ng Business Administration. Sobrang sakit nung umalis siya 6 months ago para mag-aral dun. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ako nawalan ng balita tungkol sa kanya. Kini-kwentuhan ako madalas ni Matthew.

"I'm fine. Kasama ko s--"

"Zacc. I'm done."

Nanlamig ang buo kong katawan sa boses na narinig ko sa likod ko. Malakas ang tilian ng mga babaeng nakapalibot sa amin pero nangibabaw ang boses niya.

Lumingon ako at nakita ko siya.

"X-xylem?"

Oh no. Nandito siya. Pinasadahan ko ng tingin ang hawak niyang papers. Enrollment slip? Teka don't tell me--

"I'm enrolled."

Deklara niya kasabay ng paglipad ng enrollment slip sa ere.

Kasama ni Zacc si Xylem? Kailan pa bumalik ang hayop na 'to?

"Cleo."

Tinawag niya ko pero tumalikod ako at nag-kunyareng may kausap sa telepono. Hindi. Hindi 'to pwede.

Sobrang saya ko dahil pagtapos ng anim na buwan ay nagkita kami ulit ni Zacc pero humahalo sa sayang nararamdaman ko ang takot. Natatakot ako para kay Naveen.

Hindi mabuti para sa kanya si Xylem. Never naging mabuti.

Unti-unti akong tumakas palabas ng registrar. Narinig kong tinatawag ako ni Zacc pero hindi ko na siya nilingon.

Ngayon hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Naveen ang nalaman ko. Imposibleng hindi niya malaman dahil sa iisang eskwelahan na lang ang ginagalawan nilang dalawa.

Pero paano?

Natatakot ako. Natatakot ako para sa kaibigan ko.

Thesis LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon