A/N: action scene, dine na chap. May kissing scene!. Jwk!!
.
.
[CHAPTER TWENTY FOUR]
-
-
-
-
-Nanginginig ang kamao kung naka amba sa mga tarantadong nasa harapan ko ngayon.
Bigla nalang kasi akong tinambangan dito sa kanto kung saan short cut na tinuro ni aling nena
Kasalanan nya toh!!
Gusto ko tuloy bumalik sa bahay at buhusan ng tubig sa pwet si Aling Nena. Kala ko safe dito!
Scammer sya!!
"Amputa!, mga bobo lapitan nyo!" Sigaw ng leader nila na nakasandal sa pader dahil sinikmuraan at tinadyakan ko kanina ng akmang hahawakan ako. Wais to men!
Sunod sunod naman na umatras ang mga kasama nya ng naka tingin ako sa kanila.
''Lapit" hamon ko.
Nanlalake ang mata ko ng nag labas ng balisong ang Leader nila. Hindi ako na inform na gamitan pala ng balisong! Sana nagdala ako ng palakol
Ihahambalos ko sa ulo nya!
Napa-atras ako ng unti-unti syang lumapit sa'kin.
Jas! Takbo!!
"Paano ba'yan?, wala kanang takas" may mapaglarong ngite sa labi nya. Nainis naman ako bigla para akong na insulto sa sinabi nya
Hindi ako pikon!
Akmang isasaksak nya na sakin ng may sumigaw at bigla nalang akong tinulak
"JAS!"
Sigaw ng kung sino at huli ko nalang naramdaman na nag pagulong gulong na'ko sa kalye, nadumihan pa ang uniform ko dahil doon ako tumama sa putikan.
May putik sa Kalye!!!
Dali-dali akong bumangon at sandaling napa -ngiwe dahil kumikirot ang balikat ko.
"H-HOY!!" Malakas na hiyaw ko ng akmang isasaksak nya yun sa isa pero naka iwas daplis lang sa balikat ang natamaan napangiwe nalang sya dahil siguro sa hapdi.
Agad akong tumakbo at bwelo sabay sipa ng malakas sa kamay nya at agad na tumilapon ang balisong sa dulong bahagi ng kalye
Pagtapak ko sa daan naapakan ko ang kamay nya.
Nyenye!
Napa sigaw naman sya sa sakit . King inang toh!
Agad ko syang tinapakan sa tiyan at bahagyang tinukod ang siko ko kahit medyo kumikirot pa, ngumite naman ako ng plastic
"Namnamin mo ang sakit, pasalamat ka may dumating dahil kung wala baka pinag lalamayan kana ngayon" seryosong sabi ko. Tinadyakan ko sya at napasigaw na naman sya bago ko sya talikuran.
Wala akong pawis!, gas-gas meron madame
Agad kung hinarap ang tarantadong tumulong sa'kin
"Bakit ka umiksenaaa?" Ngawa ko agad nya naman akong hinigit at hinila Patakbo.
Kidnap naba this?
Huminto kami sa tapat ng isang bahay. Na nandito sa subdivision din. Medyo malaki.
Hindi sya nagsalita basta nya nalang akong hinila papasok kinuha nya pa ang susi na nakalagay sa ilalim ng paso malapit sa pintuan.
Binuksan nya ang pinto at ginala ako papasok. Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob.
Taray ang linis
"Upo ka" maikling sabi nya at tinalikuran ako bago pa makapagsalita. Gusto ko sanang ihambalos sa kanya ang bag-- teka?!
Anak ng isangdaang itim na tupa!
Nawala ang bag ko!. Para akong nasilihan sa pwesto ko dahil hindi ako mapakali.
"Nyare sa'yo?" Biglang sulpot nya sa harap ko. Napangiwe ako. "Naiwala ko ang bag ko" mangiyakngiyak kung sabi.
Bigla akong napatayo na syang ikinagulat nya at ikinaatras.
"Babalikan ko muna" nagmamadaling sabi ko.
Napakamot sya sa ulo nya. "Babalikan?, may ka'yo ba?" Inosenteng tanong nya.
Muntik ko ng ingudngud ang nguso nya sa sahig at tapakan ang braso nya hindi ko bibitawan hanggat hindi sya umiiyak ng dugo.
Wais to men!!
"Ah basta, tabi!" Sabi ko at tumalikod na pero bago pa ako makatakbo may humawak na sa damit ko sa kwelyo at para ang tuta na binitbit na walang ka muwang muwang.
"I'll buy you one" sabi nya. Halos hanggang impyerno ang ngite ko dahil sa sinabi nya.
Yayamanin!
"Bihis kana" sabi nya. Matalim ko syang tinignan na syang ikinatawa nya.
"Bahay ko?, bahay ko?" Sarkastikong sabi ko. Mas lumakas pa ang tawa nya.
"Pftt!, Doon sa taas ikalawang pinto meron akong mga damit don kuha ko nalang" natatawang sabi nya. Napasibangot naman ako..
Pero ginawa ko rin ang sinabi nya umakyat ako sa taas at pumunta sa ikalawang pinto. Pumasok na'ko
Putik! Manly na manly!!
Napatawa naman ako dahil sa kulay ng kwarto, blue at itim kasi.
Pumasok nako sa banyo at hinubad lahat ng damit ko naligo narin ako nag sabon sabon naman ako at nagbunlaw sabay pulupot ng tuwalya sa katawan ko at lumabas na ng banyo.
Shushme!, ngayon lang ako naka punta sa kwarto ng lalake!
Nanghalungkat ako sa walk-in-closet nya. Taray yayamanin.
Nangkuha na ako ng boxer na hindi nya pa nasusuot at kumuha ng white plain t-shirt nag kuha narin ako ng medyas para nice. Wag lang sana akong ibalibag nito.
Pero may nakita akong parang litrato kukunin ko na sana pero may kumatok
"Jas? Tapos kana ba?, papasok na'ko" sabi nya.
"Oo" sabi ko. Pumihit naman ang pinto at pumasok sya dali kung sinirado ang closet nya at tumayo. Bahagya pang nanlalake ang mata nya dahil sa get-up ko.
"Bagay ba?...Fritz?" Nakangiteng tanong ko
YOU ARE READING
Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)
FanfictionA/N: This story is inspired by Ate Lara Flores also known as @eatmore2behappy ,mas okay kung basahin niya muna ang AMNSE hehe -------------------------------------------------------------------- Masaya kung meron kang mga kaklase na palaging may pag...