36

8.1K 455 3
                                    

[CHAPTER THIRTY SIX]
-
-
-
-
-

"Huh?" Takhang tanong ni sigarilyo. Nakalimutan kung hindi pala nakakaintindi ng bisaya ang isang to.

Alam niyo kung saan ko nakuha or I mean saan ako natuto ng bisaya?.

Simple lang kay pareng google lang ang source diyan ano.

Umiling ako. "Wala, h'wag mo na akong pansinin bumalik ka nalang sa room" malumanay kung sabi.

" You're weird" sagot nito sa sinabi ko. Napa 'huh' naman ako.

Kailan pako naging weird?.

"Ang tino mo kasing kausap ngayon,nakakapanibago lang" ngiteng asong sagot nito. Hindi ko na napigilan ang kamay ko kaya nasapok ko siya.

"Tarantado!" Sigaw ko. Tumawa naman siya at umupo sa isa sa mga silya dito. "Kwento ka" sabi nito.

"Tarantado ka pala eh ano?, pumunta ka lang dito para magpakwento?, sana dumaan ka sa kinder garden maraming story telling at mga story books doon!. Doon ka nalang pumunta hindi yung ako yung ginugulo mo" asar na asar na sabi ko at halos magrap na'ko dahil sa bilis kung magsalita.

"Hehe, hindi yun, sino si Putang-Jigs? At anong alien language ang sinabi mo kanina?" Curious na tanong niya. Napangise naman ako. Akalain mo? Curious si bakla

"H'wag mo ng alamin, maguguluhan kalang, kung ako sayo tumahimik ka nalang" sagot ko. Maya maya ay tumahimik rin siya.

" H'bout the invitation?" Tanong niya.

"Oh anong tungkol don?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang sapatos ko, paano?. Ayun sinisipa sipa ko sa sahig.

"Tatanggapin mo ba?" Tanong niya.

Tinignan ko siya, mata sa mata. "Una,chismoso ka, pangalawa tatanggapin ko man yun o hindi wala na'kong magagawa dahil dapat talaga akong sumipot doon, dahil kung hindi baka ilang batalyon ang mag-hu-hunting sakin. Okay na?" Asar na sagot ko . Naiinis na'ko dito ha!. Tumango siya.

"Bakit mo kilala si Bossing?" Tanong niya naman.

"Sino yung gagong Jerroh?, oo siya yung hudas na kakambal ng puta" sagot ko.

"Tin, I understand nothing" nakangiweng sabi niya.

"Edi h'wag kanang mag tanong kung wala ka palang naiintindihan" kunot noong angil ko sa kanya, ewan ko ba wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon. Baka hindi ako makapagtimpi at kung anong kabalastugan na naman ang lumabas sa bibig ko.

Lordiey! Mahal na mahal mo talaga ako no?. Daming problema eh. Mas maraming problema kesa sa bleessing anak ng gluta!.

"How can I help you if your not telling me your feelings? Probably your problems?" Tanong nito. Argh! Naasar na'ko.

"Hindi naman ako humihingi ng tulong!" Sigaw ko.

Hinawakan niya ang balikat ko pero winaksi ko lang iyon.

"Sanay na'kong walang tumutulong saakin!, kahit kaharap ko na ang kamatayan at halos magdamagan na akong tumawag ng santo walang tumulong sa'kin kahit sino!, kaya sanay na'ko!" Sigaw ko at galit na tumayo.

Hindi ko mapigilan ang pag-garalgal ng tinig ko at panginginig ng katawan ko.

"Noong kailangan ko ng taong karamay walang dumamay!, noong gusto ko nang makaka-usap walang gustong makipag-usap!, yung mga taong sanay umiintindi sa'kin SILA mismo ang unang tumalikod saakin, oh ano?! Okay na? Narinig mo na ba ang pinakatragic na fairy tale?!!" Sigaw ko at nagsi-unang nagtuluan ang luha ko.

Kinginang to!, ano to crying diva lang ang pegg ko nito ano?.

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod ko. Walang reaksyon si Sigarilyo na nakatingin saakin. Maya maya pa ay lumapit siya saakin at agad akong niyakap.

"Hush! Iiyak mo lang, keep crying, I'm sorry" paulit ulit niya lang sinabi niyan habang hinahaplos ang buhok ko.

Ang babaw ko ba? Na simpleng bagay lang ang OA kung makareact ako?. Eh bumabalik saakin ang lahat eh. Una sa lahat ayaw ko ng taong manloloko!

Kung mangyare man yun ewan ko nalang kung magagwa ko pang magpatawad. At baka masiraan na talaga ako ng bait. Literal!

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now