22-II

3.8K 232 12
                                    

A/N: Nagbabalik na SecretPain sa inyong wattpad!. Actually, Noong isang araw kumain akong halo-halo. Ube ang ice cream. Balak ko pa sanang hindi kainin kaso 'yung gumawa ng halo-halo nakabantay, kinain ko nalang. 'Yun ngalang. Iniwan na naman ako. JK! Have a great day mga Agents! Thank you for all of your endless support kahit hindi kagandahan ang story kong 'to.




Jeremiah's P.O.V

"Siguro bumalik na tayong Manila no? Ilang weeks narin tayong absent" Si John habang nag-iihaw ng marshmallow.

Sumimangot ako. "Edi bumalik ka mag-isa" sabat ko sa kaniya. Sisirain niya pa ang magandang vacation namin dito sa Batangas. Hindi naman siya kailangan dito e, sumabit lang naman tapos siya itong unang magyayang umuwi.

"Bumalik na tayo bukas" Natahimik kami ng magsalita si Jastin bhebs.

Siya ang batas e. Dapat sundin ang reyna. At kahit na nag-aalala parin kami sa nararamdaman niya dahil sa nangyareng trayduran sa loob ng classroom hindi ko rin alam kung maibabalik paba ang dating samahan ng barkada o kami lang talaga ang tumuring sakanilang barkada dahil sila ay puro sarili lang ang iniisip.

"ABA! ABA! BUTI NAMAN AT PUMASOK PA KAYONG LIMA E ANO? AKALA KO GUSTO N'YONG MAGSI-REPEAT!" Bungad kaagad na lec. Ng dumapo ang paningin niya saamin na nandito sa likod na pilit nilalabanan ang antok.

Kahapon kasi ng alas dose ng hating gabi kami umalis sa Batangas at  kunti lang ang tulog namin.

"Ikaw naman Hernandez!" Biglang turo niya kay Jastin bhebs na pumipikit pikit pa para labanan ang antok. Kahit kape pa hindi ata kaya para hindi kami makatulog dito.

"Hernandez!" Sigaw niya na kaya nagising bigla ang aking Fiance. Hindi Soon-to-be pala.

"Prof.! Calderon ho apelyido ko" pagtatama niya sa prof.
Hindi ko rin maintindihan itong si Jastin e. Kala ko Hernandez siya tapos bigla bigla'y Calderon na ang dala na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo galing.

"Aba ay hindi ako inform sa biglaang pagpalit mo ng apelyido!" Nakaturong sabi nito kay Jastin bhebs. Tahimik ang lahat at nakikinig lang.

"Kailangan pa ba 'yun? Ano kita tatay?" Nagpapigil ako ng tawa kahit na inaantok ako.

"Aba'y iba talaga ang tabas ng dila mo ano?"

"Iba talaga ang liko ng utak mo prof. Magturo kanalang hindi 'yung namemersonal ka. Sapakin kita diyan e." Bugnot na sagot ni Jastin bhebs sa kaniya kaya nanlake ang mata ng prof.!

"Ikaw! Ang bata bata mo pa!? Do you know how to respect?"

"Sorry but I don't" Pa-cool pang sagot nito.

"At dahil diyan sa bastos mong ugali! Find the value of 'X'!" Sigaw ng prof. Sabay hampas ng stick sa blackboard.

Napakunot noo si Jastin Bhebs. "Bakit ko hahanapin 'yun? Iniwan na nga ako hahanapin ko pa? Edi ako yung nagmukhang tanga?. Ayaw na nga sa'ken ipagsiksikan ko pa ba ang sarili ko sa taong iniwan na ako? Hindi ako sardinas para sumiksik. Hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa mga taong mang-iiwan at manggagamit." Mahiwagang hugot ni Jastin bhebs. Sa prof. Gusto kong tumayo at pumalakpak pero inaantok talaga ako.

Akala ko magagalit ang prof. Pero ngumite ito ng malake. Hala sige shabu pa.

"At dahil diyan! Ikaw na ngayon ang representative sa debate competition sa monday!" Pumitik pa siya sa ere at bigla nalang umalis sa room namin.

Gulat ang lahat na napatingin kay Jastin na ngayon at nakadukdok na sa mesa dahil sa antok.

Napailing ako sa kaba. Ang debate na sinasabi ni Prof. Ay kakaiba. Yung mga topic nakakatawa at nakakatakot pero mahirap sagutan.
At lalo na ang makakalaban niya. Sigurado akong makakalaban niya sina Gian Cachuela yung mga bumully sa kaniya dati na pinatulan niya at pinatos.

"Debate lang pala e. Pag ako nanalo don. Sasapakin ko kalaban ko gamit ang trophy." She murmured pero dinig ko. Napangite ako. She's really tough. Naalala ko pa kung paano niya alagaan ang kapatid niya. Si Jax pala ay nagpapahinga sa condo unit niya. Mayaman pala si Jastin bhebs hindi lang halatang milyonarya na kahit highschool palang. Nanalo daw siya sa lotto e.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now