A/N: Hi! :) Kamusta? Sorry for the late update!. You can check out my new stories in my profile. You can read Returning The Time [Zitao] it's already completed. Fantasy is the genre. Thanks. Ang mission ni Jastin na pinapahanap sa kaniya ng mga Villafuerte at Ayala.
Ponamaeflor gusto mo ng comment right?. Here for u. This chapter is for u dear!.KD's P.O.V
"Asan na ba si Jastin? Naabutan na tayo ng siyam siyam dito hindi parin siya dumadating?." Parang inis na tanong ni John at ginulo pa ang buhok niya. Masama naman siyang binalingan ng tingin ni Jeremiah.
"Kung hindi mo kayang mag hintay. Umuwi ka nalang." Masama ang loob na sagot niya dito.
Masama talaga ang loob ng mga ito isa't-isa.
Para silang pusporo at gas na hindi pwedeng ipagsama dahil naglilikha ng malaking apoy pag naiwang magkasama.
"Ano ba talagang problema mo sakin? Ha?!" Asik ni John at lumapit kay Jeremiah para kwelyuhan. Napalapit ako sa kanila dahik sa ginawang 'yon ni John. Baka ako ang sapakin ni Jastin pag nalaman niyang nag-aaway ang dalawang 'to.
"Epal ka kase" Kunot noong sagot ni Jeremiah at tinulak si John para ayusin ang kwelyo niya na nagusot dahil sa pag kwelyo.
"Tama na 'yan. Baka mamaya dumating pa si Jas." Awat ko kaya lumayo sila sa isa't-isa.
"Tin"
Napalingon kami kay Winston ng sabihin niya 'yon. Nakatayo sa harapan niya si Jas habang nakahilig sa dingding. Nakatingin saamin.
Tinignan ko siya. Parang may iba ngayon sa kaniya.
"Jas namumutla ka." sasabihin ko na sana ng unahan ako ni John at napatingin nalang ako kay Jeremiah na nakakibot ang labi.
Inis na talaga si Jeremiah.
"Wala lang. Matagal na'kong maputla. Tara na." Yaya niya saamin at sumabay kami sa kaniya pababa.
"Akala ko ba Jas, mag huhunting ulit tayo?."
"Mamaya" sagot niya at pumasok sa room namin.
"Eh bakit mamaya--ahh!" Napapikit ako ng maypaparating na upuan sa dereksyon ko.
Isang kamay ang humablot saakin at humarang sa harapan ko.
Ng imulat ko ang mata ko. Itsura ng walang reaksyon ni Jastin ang nagbulaga saakin. Napatingin ako sa sahig at doon ko nakita ang wasak na upuan.
"J-jas" Nanginginig na tawag ko sa kaniya habang wala siyang reaksiyong nakatingin sa mata ko. Hindi ako tanga alam kong si Jas ang sumalo non.
"Bakit ka umiiyak?" Iba ang sinabi niya. Napahawak ako sa pisnge ko. Umiiyak nga ako. Nababakla na'ko.
"W-wala. Jas? Asan masakit?"
"Walang masakit. Tara na" at tumalikod sakin nilakaran ang wasak na upuan at tuluyan ng pumasok sa loob ng classroom habang si Fritz naman ay masamang nakatingin kay Jastin. Hindi ko alam kong saang banda ng bundok humuhugot ng sama ng loob itong si Fritz kay Jastin.
Habang si Jastin ay kalmadong umupo sa upuan niya. Si Dodz naman ay napailing at ngumise kay Jastin.
Akala ko bumait na sila. Mga taksil. Hindi pala talaga, mga traydor talaga sila kahit anong gawin namin.
"Are you okay?" Tanong ni Winston ng umupo kami sa tabi niya. Mahina lang ang pagkakasabi niya non.
Walang nag-iingay sa room. Hindi tulad ng dati. Pero mararamdaman mo ang bigat ng titig nila saamin at ang masamang tingin na pinupukol nila kay Jastin.
Hindi ko alam pero ako ang nalulungkot para sa kaniya. Mas malakas ang pakiramdam ni Jastin kesa sa amin at alam kong ramdam niya rin ang pakiramdam na'to.
Galit ako sa mga ka-kaklase namin kasi bakit si Jastin pa?. Wala ngang ginawang masama saamin 'yan eh. Tapos...tssk.
Tumayo si Fritz kaya umingay ang room todo cheer. Kaya nagtaka kami except kay Jastin na poker face pero namumutla parin. okay lang ba talaga siya?
"WOOOH! SALCEDO!!"
"BOOO! CALDERON!"
"GO FRITZ!"
Kanya kanya silang cheer pero hindi parin namin maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayare ngayon.
Nakangiseng lumapit sa kay Jastin si Fritz.
"Hinahamon kita, Calderon." Mayabang na sabi ni Fritz. Sa isang bigla nawala na'yong dating presidente na dating hinahangaan ko.
Ngayon nakikita ko na ang hambog na Salcedo sa harapan ko.
"Anong hamon ang tinutukoy mo, Salcedo?." Nagsukatan sila ng tingin at walang kumisap.
Mas maangas parin ang boses si Jastin na parang normal na sa kaniya.
Kung hambog si Fritz mas hambog parin ang boses ni Jastin nong sumagot siya.
"Ikaw laban sakin. Matalo aalis dito."
Nilukon ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Kilala ko si Fritz, marumi siya maglaro.
Nawalan ako ng pag-asa na humindi si Jastin sa deal pero tumango si Jastin at hinubad ang kwentas niya. Nanlake pa ang mata ko dahi hindi 'yon pearlas o kung ano kundi bala!.
"Ito ang kauna-unahang balang bumaon sa laman ko. Mula sa baril mo, Salcedo. Kung matatalo ako sa'yo na'to." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya pero nagtaka din dahil sa sinabi niya.
Ano bang sinasabi ni Jastin?
Bala? Baril? Si Fritz?Hinubad din ni Fritz ang kwintas niya at nandoon ang isang singsing.
"Sa'yo na'to pag natalo ako. Kung matatalo mo'ko." Sagot ni Fritz at napako doon ang tingin ni Jastin... sa sing sing.
YOU ARE READING
Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)
FanficA/N: This story is inspired by Ate Lara Flores also known as @eatmore2behappy ,mas okay kung basahin niya muna ang AMNSE hehe -------------------------------------------------------------------- Masaya kung meron kang mga kaklase na palaging may pag...