A/N: ibabalik ko muna ang dating Jastin na nakilala niyo. Nag sh-ship ka kayo para kay Jastin ah! May team Jeremiah pa. Sabaw tung update na'to pasensya
Jastin's P.O.V
"Aba'y mabuti naman at may plano pa kayong pumasok" sarkastikong sabi ng prof. Nung first day ko dito sa school. Naalala nyo? Yung panget.
"Mag t-third quarter na tapos papasok pa kayo? Gusto nyong idrop out ko kayo sa subject ko?" Sarkastikong tanong niya pa ulit kaya umirap ako. Kala niya maganda siya kung maka-asta.
"At late pa talaga kayo" sabi niya pa. Isang dada pa sasagutin ko na 'to.
"Bakit pa ka--"
"Pwedeng magturo ka nalang? Baka sakaling makinig pa ako eh" sarkastikong sagot ko at umirap sa kaniya.
"Sumasagot kana ngayon, Hernandez" baling nito saaken. Ngumite naman ako. "Correction, Calderon. Ho ang apilyedo ko" sagot ko.
"At saka ho, diba estudyante naman ang sumasagot sa tanong ng guro?" Kunot noong tanong ko dinig ko pa ang hagikhik ni KD sa gilid ko.
Ganito kasi yanWinsto-Ako-KD-Jeremiah
Yan ang seating arrangement namin ngayon.
"Whatever, sit down" sagot nito at inirapan ako. Bakla!
Umupo naman kami, simula ng pumasok kasi siya pinatayo niya kami at dinakdakan. Hindi ko nga magets kung bakit nag ho-homily siya eh hindi naman kami nasa simbahan.
Inikot ko ang paningin ko ng pakiramdam kung may nakatingin saaken. Nagtama ang paningin namin ni Fritz na masama ang tingin saaken.
Nginisehan ko siya st inilabas ko pa ang dila ko para asarin siya. "Ang panget mo" sabi ko ng walang tunog.
*Plok*
Napahawak ako sa ulo ko ng may tumama na papel sa likod ng ulo ko. Napatingin ako sa likod pero may ginagawa namang iba ang kaklase ko. Fine! Tatanggapin ko na dito talaga ako sa Section Z.
*Plok!*
*Plok!*
King-ina! Padami na ng padami ah!. Hindi ko nalang pinansin at kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Dean.
To: Dean Tanda,
Dean, Sira room namin, beke nemen phowz pake lipatz us sa bagong building, jeje.
Text ko at sinend. Wala pang one minute nag reply na siya agad.
From: Dean Tanda,
What did you do?.
Ay taray, nag-eemote siguro to si Dean at ganito siya mag reply. Grabe naman siya. Sinabi ko lang naman na nasira ang room namin dahil sa pin na sumabog galing singapore, testing ko lang naman 'yon kung malakas eh. Yun malakas nga. Kaya ngayon wala kaming blackboard. Natusta
To: Dean Tanda,
Ikaw ay mapang-akusa, Nag testing lang ako, Yon tusta.
Nakanguso pa ako bago isend.
*Plok!*
"ARAAYY!" Sigaw ko paano ba this time masakit na eh. Tinignan ako ng masama ni Prof. Habang may hawak siyang pocket book na ang title ay Between Night and Day
"Anong problema m, Calderon?" Masamang tanong nito.
"Wala ho, may kutong lupa ho kasi na kumagat saaken" sabi ko. Hindi naman siya sumagot. Abah snob! Umaattitude sya ah.
May tumawa sa likod pero ng tignan ko wala naman. Busy naman sila. Chill Van! Kontrolin mo sarili mo para hindi mo sila ma chop-chop at gawing human meat-chop
Tinignan ko ng ang cellphone ko ng mag vibrate ito.
From: Dean Tanda,
Tsk! Mag papadala ako ng SSG, officers diyan ngayon para kunin kayong lahat.
Muntik na akong mapasigaw sa saya dahil sa reply niya. Yes! Makakaroom narin ng hindi mapanghing room!.
To: Dean Tanda,
No need dean, ako nalang ang pupunta doon, ako narin ang mag-aaral mag-isa, ako ang valedictorian ako ang salutatorian, ako ang with honors? O diba kabOoom!?
Sagot ko sa text niya ay ngite-ngiteng senend iyon. Pero napatago ko ang cellphone ko ng makita ko ang prof kung panget na bakla na nakataas ang kilay na nakatingin ngayon saaken.
"Sinong nagsabi na pwede kang gumamit ng cellphone sa oras ng klase ko?"
Napakamot ako sa ulo kung hindi ko pa nasusuklay mula ng madali akong pumasok sa school. I mean sabay pala kaming apat. Sa pagmamadali ayon Late.
"At bakit may kulay 'yang buhok mo?, ano ka tandang na manok?" Sarkastikong tanong niya. Hanep! May sama talaga ng loob saaken to si prof!.
"Sino rin hong matinong propesor na nagbabasa ng pocket book sa oras ng klase nya?" Sagot ko ng patanong at tinaasan siya ng kilay.
"At 'yang buhok ko ho, ay hindi ko pinakulayan yan ho talaga ang totoong kulay ng buhok ko" maangas na sagot ko. Totoo 'yon. Nagtakha lang ako ng unti-unti ng pumupula ang buhok ko simula nong, u know! Napag-isipan ko na kailangan ko naring mag move on at hindi tama ang maghigante hehe.
"Baka may iba pang kulay kang tinatago bukod sa buhok mo?" Ngiseng sarkastiko.
"Gusto nyo hong makita?" Ngiteng tanong ko. Tumango siya at plastic na ngumite. Parang tanga kung kinuha ang contact lense ko kahit makati na mahapdi.
"'Yan ho ang totoong kulay ng mata ko...
Pula"
YOU ARE READING
Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)
FanfictionA/N: This story is inspired by Ate Lara Flores also known as @eatmore2behappy ,mas okay kung basahin niya muna ang AMNSE hehe -------------------------------------------------------------------- Masaya kung meron kang mga kaklase na palaging may pag...