3

25.8K 920 279
                                    

[Chapter Three]
-
-
-
-
-
-
-
-
-
"Iha anong flavor ng Ice cream ang gusto mo?" Tanong ng nagbebenta ng halo-halo

"Chocolate manang" ayaw ko kasi ng Ube
Ang sakit sa mata ang Ube flavor

Ang ube kasi

U- umibig tapos
B- biglang
E- eewan

Ang sakit lang isipin na ang taong mahal na mahal mo iiwan ka nalang bigla kaya masakit talaga ang Ube. Wheww

"Heto na iha" sabi nya at nilapag ang order ko. Kaagad ko naman itong nilantakan baka matunaw yung icecream sa ibabaw. Sayang

Pagka-ubos ko ng halo-halo nag bayad na ako kaayad at binitbit ang mga pinamili ko at nag lakad papa alis doon. Tinignan ko ang relo ko 11:34 palang. Uuwi nalang siguro ako at aayusin nalang yung kwarto ko.

Dumaan ulit ako do'n sa short cut na tinuro sa'kin ng mga tropa kung tambay. Bitbit ko lahat. Kunti lang naman kaya hindi ako nahirapan. Malapit lang talaga ang subdivision nina tita sa mall kaya nga may short cut eh. Malapit na ako sa bahay. Abot tanaw ko na nga eh

Ng mapansin kung maraming kotse ang nandito mga anim. Naka line up sa kalsada mula sa gate ng bahay namin

Napatungo naman ako. May reunion pala? .char

Hindi ko nalang pinansin at pumunta nalang sa bahay. Naabutan kung parang nagkakasiyahan sa loob. Teka nga! Ano ba talagang meron?, hindi ako chismosa curious lang

Kunot noo akong pumasok sa bahay. Napamaang ako ng makita ko ang anim na kalalakihan. Napa kurap pa ako dahil ang ha-hot nila. Shemss

Ulam na.

"Jas, naka uwi kana pala?" Tanong bigla ni abnormal na kaka-sulpot lang, napa irap naman ako. Lagi nalang akong umiirap ah

"Hindi 'to si Jas, Statwa nya lang to" sarkastikong sabi ko. Natawa naman ang nga kasama nya.  Lumapit sya sa'kin at

"King ina!, aray!" Inda ko dahil binatukan ako. Ang bait nya no?

Inakbayan nya naman ako ng pagka higpit higpit. "King ina, feeling close lang eh no?" Singhal ko pero hindi nya ko pinansin, humarap sya--kami sa mga kasama nya. "This is My sister" pagpapakilala nya, ngumite lang silang lahat sa'kin. Ngumiwe lang naman ako tsaka tumango.

"Oh?, okay na?, bitaw na brother" baling ko sa kanya, niluwagan nya naman ang pagkaka akbay sa'kin at tinulak ako papalayo. May Multiple Personality Disorder ba itong kapatid ko? O baka bipolarity disorder?. Nakaka halata na'ko ha

Dumiretso na'ko sa kwarto ko at agad na pinag-aayos ang mga pinamili ko sa study table ko malapit sa cabinet.

Nakabili rin pala ako ng mga bond papers at colored papers, dahil balak kong mag design dito sa kwarto ko, hello nag mumukha na'tong haunted room kung papabayaan ko lang noh!.

Nilapag ko lahat at nag bihis narin ng pambahay, bumama na'ko at dumiretso sa kusina naabutan kung nagkakape si tito, tanghaling tapat kape?. Whews.

Pero napataas ang kilay ko ng may maalala ako, akala ko busy sila sa kompanya? Eh bakit andito sya?.

"Tito?, akala ko nasa kompanya ka'yo ni tita?" Tanong ko, bahagya naman syang nagulat dahil sa biglaang pag sulpot ko, . Ngumite sya. "Nauna na'ako medyo hindi maganda ang pakiramdam ko eh" sabi nya, lumapit naman ako sa kanya at sinipat ang noo nya, bahagya syang nagulat. Hindi naman sya mainit.

"Nakauwi kana pala?" Tanong nya. Napangiwe ako, parehas sila ng abnormal mag tanong, yung tipong nasa harap mo na sila nag tatanong pa kung andyan kana, naka uwi kana ba, kakarating mo lang ba!, nakaka bobong tanong

"Hindi tito, Imaginary nyo lang toh" kunyareng biro ko. "Arayyyy" atungal ko dahil binatukan nya rin ako. Myghod! Anong kasalanan ko? Bakit hilig ng mga tao ngayon mambatok?

"Puro ka kalokohan, doon kana nga sa sala" pangtataboy nya sa'kin , napa nguso naman akong umalis doon at pumunta sa sala kung saan maraming hot. Shemss

Dumaan ako sa harap nila kunyare hindi ko sila nakikita at hindi sila nag eexist, tuloy tuloy lang ang lakad ko ng biglang may humablot sa kwelyo ko at para akong tuta na binitin ni abnormal.

"H-hoy!, ibaba mo'ko, king ina!" Reklamo ko at nag wawala para lang maka alis sa kanya pero hindi nya ginawa. Nakatingin lang sya sa'kin yung para bang inis ako tsaka sya nang tri-trip lang ga'nun!

"Where are you going?" Tanong nya, tinuro ko naman ang labas. "Labas" sabi ko, binitawan nya naman ako kaya, tumakbo na'ko papaalis. Ngayon ko lang din napagtanto. Charr. Na naka basketball uniform pala silang lahat at balita ko si abnormal ang team captain, yung isang medyo may katandaan. Choss. Yun daw ang kanilang trainor. Ganern

Pumunta akong garden ni tita slash kuya, wag na kayong mag taka kung kanino talaga tung garden dahil mas maraming bulaklak dito si kuya kesa kay tita.  Tinopak kasi si kuya  napag isipang mag tanim ng bulaklak kaya ayan ang kinalabasan ang daming bulaklak. Naisip ko nga minsan kung bakla ba si kuya o ano.

Napagisip-isip ko na wala naman akong gagawin dito kaya pumunta akong likod ng bahay. Kung saan may daan o
Para hindi na ako makadaan sa sala papuntang kwarto ko, at dahil naka bukas ang pinto easy lang akong naka akyat sa kwarto ko.

Nakarating na'ko sa kwarto ko. Dali dali akong kumuha ng gunting at colored paper at nag simulang mag gupit at mag expirement ng mga alam kung origami.

(ORIGAMI- is an Paper folding, known from in Japan, from the word ori which it means Paper, and gami is folding, )

Ng matapos na akong mag gupit, kinuha ko na ang iba't ibang posters ng exo, yeah I'm number one Exo-fan!! I am an Proud to be Exo-L, marami ako nitong mga posters na'to.

Dinikit ko sa dingding ang mga posters at nilagyan ng mga ginunting kung mga paper arts at origami, pati narin sa pintuan ko nilagyan ko narin, nilagyan ko rin ng mga pinta ang ceiling ang kwarto ko. Gusto ko talaga kasing mag pinta, mag drawing, mag colors lahat ng may kinalaman sa arts. Marami kasi akong imbak na mga pinta na nasa cabinet ko lang, tinatago ko kasi baka kung sinong poncio pilato ang maka pasok sa kwarto ko at paki alaman.

Pinintahan ko ng Buwan at mga bituin ang ceiling ng kwarto ko, shinade ko rin ng dark para mag mukhang gabi talaga, kasi kapag walang bituin dito ako titingin.

Pagkatapos kung mag pinta, nilinis ko na ang mga kalat ko at nilagay sa basurahan dito sa kwarto ko, tinignan ko ang relo ko,

"What the?, 6:03 na ng gabi?!" Malakas na sigaw ko. Hindi ko manlang naramdamang gabi na pala. Katulad ng relasyon nyo, hindi mo naramdamang wala na pala.  Choss.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now