A/N: Masakit na naman ang puso ko. Yixing (Lay). Bakit?! Bakit ka umalis?. Crap. Back to the topic. So pasensya napo sa biglaang pagchange ng mga clips at mga lugar hehe. At kung may ibang lugar sa Batangas na mali ang pagkakasulat dito. Part of my imaginary lang po hehe. May lulunurin lang ako sa part na'to.
Jastin's P.O.V
"Wow, Ngayon lang ako nakapunta dito sa part na'to ng Batangas." Manghang-mangha na giit ng Batang Chanak.
"Diba taga Batangas ka?" Nagtatakang tanong ni John habang nakaupo sa isang bato malapit sa dalampasigan.
"U-huh. Pero hindi originally. Si Granny talaga ang taga dito." Sagot ng bata.
"Granny?, Sinong Tita mo? Si Selendrina?." Natatawang tanong ni Jeremiah sa kaniya at pumunta sa tabi ko at umupo.
"Wow!. Pano mo nalaman?. May lahi ba kayong engkanto?." Tanong ni KD. Napatingin ako kay Jeremiah na busangot na ngayon ang mukha. Napatingin ako kay Sigarilyo na pinupunasan ang dala niyang Machine Gun. Kunyareng inilulublob niya pa ito sa tubig. Remind me again later why we are still friends.
"Sa gwapo kung ito? May lahing Engkanto?. Huy mag hunos dili kanga muna tingin ka muna sa salamin tapos tignan mo kung sinong mukha engkanto saating dalawa." Sagot naman nitong nasa tabi ko.
Tumayo na ako para matapos na. "Tara na." Sabat ko sa usapan nagtataka naman silang napatingin saaken.
"Diba dito na'yon?" Tanong ni John. Tumango ako.
Tinuro ko yung dagat. "Nakikita niyo 'yong pusod ng dagat?." Tanong ko.
"Hindi Jas, mata palang nakikita ko." Sagot ni KD.
Hindi ko na siya pinansin. "Lalangoy tayo hanggang sa pinakailalim." Sagot ko sa kanila. Naalala ko pa yung muntik na akong malunod.
"Haluh!. Anong feeling mo saamin may daladalang tanke ng oxygen?. Seryoso kaba?!. Ayaw ko ikaw nalang." Sabi ni Jeremiah. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Kung ayaw niyo. Bumalik nalang kayo sa mga lungga niyo. Ayaw kung magdala ng mga mahihina." I said coldly bago hinubad ang damit ko at pantalon
"Holy fvck!"
"Jastin! Heck!. Ano yang ginagawa mo!."
Hindi ko na sila pinansin naiwan nalang ang sports bra ko at cycling. I shamelessly walk in the seashore. Pinakiramdaman ko muna ang tubig.
"Anong gagawin mo Jas?. Magiging sirena kaba?." Takot na sabi ni KD. Itinaas ko lang ang middle finger ko at tumakbo at mabilis na nag dive sa tubig.
Hindi ko na pinakinggan ang sigaw niya lumangoy ako ng lumangoy hindi naman ako nawawalan ng hininga dahil parang nakalutang lang naman ako sa tubig.
...
KD's P.O.V
Wow. As in W.O.W, ang galing at ang bilis palang lumangoy ni Jastin Bebs, huli kung naalala nalunod pa siya nung naglangoy siya sa swimming pool.
Pumunta lang pala kami dito para mag swimming sana nagdala ako ng two piece. Teka---pwede naman siguro 'yon sa lalake diba?. Hayss.
Tumayo na ako at tumakbo pero hinawakan ni Jeremiah ang kwelyo ng damit ko. Ambibilis naman ng mga kamay nila.
"Saan ka pupunta?." Tanong niya.
"Susundan si Jastin, Syempre. Kung wala kayong pakealam kung malunod man siya. Ako! Meron, Excuse me." Kunyare mataray na sagot ko at pilit na kumawala sa pagkakakapit niya sa kwelyo ko. Nang makasigurado akong wala ng nakahawak saaken.
Tumakbo ako sa tubig at nag backstroke, butterfly stroke, at heat stroke. Joke lang.
Pero hindi ko na mahagilap si Jastin.
Haluh! Asan na'yon?.
Pero bakit ganito?. Lumulubog ako?. Bakit hindi ako makahinga?. Bakit wala akong naririnig?. Wala akong naririnig na. Tentenenen yung music kapag merong paparating na malaking Pating.
Bakit padilim na ng padilim?.
YOU ARE READING
Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)
FanfictionA/N: This story is inspired by Ate Lara Flores also known as @eatmore2behappy ,mas okay kung basahin niya muna ang AMNSE hehe -------------------------------------------------------------------- Masaya kung meron kang mga kaklase na palaging may pag...