CHAPTER 1

17 2 8
                                    

SELENE'S POV

Bahay.

I'M FEELING SEXYYY AND FREEEE~

Nagising ako dahil sa lakas ng ringtone na bungad sa umaga ko, gumanda bigla yung mood ko dahil sa linyang yon, nakakaganda ng umaga.

Nag-inat muna ako ng kaunti at saka inabot ang aking cellphone para patayin ang ringtone at saka dumiretso sa kubeta.

It's another day again Selene, ganda mo naman mare, I love you self. Ganiyan talaga kapag wala kang bebe, more on self love. Sabay tawa at bati ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.

Naghilamos ako at nagtoothbrush, pagkatapos ay lumabas na rin agad ako ng kubeta. Kinuha ko ang cellphone ko kung may bago bang chika sa gc namin nila Elic.

Oha, sinasabi ko na nga ba eh. 'Di talaga mawawalan ng chika ang mga 'to. Sabi ko sa sarili. Habang nagbabasa ay naisipan kong makipagvideo chat na lang kina Elic.

Selene started the video chat.
Elic joined the video chat.
Kienne joined the video chat.
Cali joined the video chat.
Rees joined the video chat.

"Hoy, Selene himala may load ka?" Biglang sabat ni Rees.

"Oo nga Selene, magpapakain na ba ako?" Sabi naman ni Kienne.

"Ang funny niyo mga marecakes." Sagot ko sa kanila.

Pagkatapos ko sabihin 'yon ay ang pagtawa naman ng mga kupal kong mga kaibigan.

"Hoy, tara gala." Biglaang pagyaya ni Cali.

"Hoy, oo nga tara. Minsan lang us gumala." Pagsag-ayon ko.

"Wow ha, where naman tayo maglalakwatsa mga mare?" Tanong ni Elic.

"Tanong niyo kay Rees tutal gala naman yan." Sabat ni Kienne.

"Gagoooo." Sambit ko habang natatawa.

Pagkatapos ng kung ano-anong chikahan, ay tinapos ko na rin ang video chat. Napagisipan ko na pumunta na lang kila Elic tutal kapitbahay ko naman yon.

After ko mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa bahay nila Elic.

Bahay nila Elic.

"Eliiiic, lumabas ka dyan. Open the door for me!" Natatawang sabi ko. Mukha kasi akong sabog, try ko lang magingles ba't ba?

After ko tumawag sa labas ng bahay nila, alangan naman sa loob ako tumawag 'di ba? Duh haler, so ayon nakarinig na ako ng mga yabag papunta sa mismo ng pinto and charan nasa harap ko na sa Elic.

"Tanginang 'to, english yarn? Btw, wala ka bang kamay para mabuksan ang pinto?" Kunwaring pagtataray ni Elic.

"Hala mare, kung iuntog kaya kita sa pinto niyo ano? Excuse me nga, dadaan ako duh." Sabi ko rin nang may pagkukunwaring pagtataray.

"Ay nga pala Elic, chat ka sa gc tas sabihan mo sila na pumunta rin dito tapos magdala ng damit. Sleepover tayo omg." Excited kong sabi.

"Ay sige bet ko yan." Pagsang-ayon naman ni Elic.

In the midst of UnlikenessWhere stories live. Discover now