RISK'S POV
"No, Asa kuya. Isang malaking asa." Pagtututol ni yuri sa'kin.
"Sus, Yurika Selene Dalaxiano. Tigilan mo ako sa no, asa kuya mo. Ikaw? Sa rupok mong 'yan, ewan ko na lang." Pangaasar ko sa kaniya.
At sinamaan lang ako ng tingin habang nakacrossed-arm at ang tingin niya ay nasa tv na.
"Yuri." Seryoso kong tawag sa kaniya.
"Hmm?" Tugon niya.
"Please, stay away from the things or someone that can hurt you easily, I don't want to see you crying, especially if there's a guy involved. Ang pangit mo pa naman umiyak." Natatawa ko pa ring sambit pero bakas ang pagkaseryoso dito.
"Kuya!" Iritang baling sa'kin ni Yuri.
"I don't want to see you crying because you're hurt, I want to see you crying because of happiness. Your tears are precious like gems, you're too precious to get hurt Yuri. You are deserving of all the happiness in the world." Sabay yakap ko sa kaniya at hinalikan siya bandang ulo.
Naramdaman ko na naman na parang nagpupunas siya ng luha sa pisnge at ako na rin ang kusang bumitaw sa yakap naming magkapatid.
"Iyakin talaga, corny mo bebeghorl." Natatawa kong sabi.
"Heh, hindi ako umiyak 'no." Pagtatanggi naman ng kapatid kong iyakin.
"Sus, namumula ang mata mo eh. Kung hindi ka umiyak, ano ka nakadrugs?" Pangaasar ko na naman.
"Sama talaga ng ugali mo, sa ganda kong 'to magdadrugs lang ako?" Tsaka hinampas ako ng throw pillow sa balikat.
Ngumiti lang ako habang nakatingin sa pangit kong kapatid.
That's Yuri Selene Dalaxiano, she's strong and brave woman but she's too fragile. She's crybaby, makakita lang ng asong palaboy sa daan, maiiyak na. Makanood lang ng mga nakakaiyak na palabas, madadala rin siya. She's so soft-hearted person, sometimes she's expressive especially when she is happy, sometimes she's not lalo na kapag nalulungkot or nagagalit siya, nagkikimkim siya pero kahit hindi niya sabihin, I know everytime when she's mad, irritated and sad baka kapatid ko yan, alam ko takbo ng dugo niyan HAHAHAHA. She's 18 and taking up BS Biology, ewan ko magkapatid talaga kami pareho kaming mahal ang siyensya. Maganda 'yang kapatid ko, sakto ang katawan have pointed nose, long black hair, sakto ang height and she's morena. She has, brown pretty eyes pero mas maganda ang mata ko 'no. Sabi nga ng iba girl version ko raw si Yuri pero mas maton sa'kin yan kumilos. Well, ganom talaga maganda lahi eh HAHAHAHAHA.
"Kuya, haler. Yuhoooo?" Habang kumakaway sa harapan ko.
"Oh ano ba? Umalis ka d'yan 'di ko makita pinapanood ko eh." Kunwaring inis kong saad.
"Sus, nanonood ka ba talaga? Eh ngumingiti ka nga dyan eh." Pang-aasar nito sa'kin at alam ko na kung saan ito patungo.
I'm just happy Yuri, that you're my sister. You're the best among the rest. Napailing na lang ako sa sinabi kong 'yon.
"Sus, baka may pinopormahan ka na ha kuya? Tulungan kita pumorma sa chix mo kuya." Pagyayabang nito sa'kin.
Anong akala nito di ako marunong pumorma? I have my own ways to get the girl I want, sister. Nagtaka naman ako sa naisip ko, wala naman ako pinopormahan ah? Well, kung sakali lang naman.
"Wala ah, ikaw muna bebeghorl ko." Natatawa kong sabi at mabilis na nagbago ang mood ni Yuri.
"Heh, ewan ko nga sayo kuya ampanget ng bebeghorl." Inis na sagot naman nito.
"Cute kaya, bagay sayo." Nakadila kong sabi.
"Whatever kuya." Sabay irap.
Tatayo na sana si Yuri nang bigla itong bumaling sa'kin.
"Kuya tara kumain ng kanin." Nakangiti niyang sabi.
"Kumain na ako eh." Sabi ko.
"Ay ganon? Sige ako na lang kakain, may ulam pa naman d'yan 'di ba?" Pilit ngiti niyang sabi.
"Oo na sige na, sasabayan kita kumain. Pasalamat ka mahal kita, kung hindi hayaan kita d'yan mag-isa." Pakunwaring inis na saad ko.
"Edi thank you sa pagsabay, kuya!" Pinandilatan niya ako ng mata.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-