SELENE'S POV
After ng paguusap sa gc namin, lumabas ako at naabutang palabas na naman si kuya ng pinto. Aalis na naman 'to, parang kiti-kiting 'di matale (mapakali) sa isang lugar.
"Oh kuya? Aalis ka na naman?" Tanong ko.
"Oo, nagmessage barkada ko eh." Sabat niya.
"Barkada? Ang daya, magkapatid tayo. Mga kaibigan ko kilala mo pero ang mga kaibigan mo 'di ko kilala?" Kunwaring naiiyak kong saad.
"Pft, wala ka na ron. Sige alis na ako." At mabilis na umalis sakay sa sarili niyang kotse.
Ang daya, makikilala ko rin kayo kung sino man kayo at ayon na nga me, myself and I again. Anong gagawin ko rito sa bahay? Ah alam ko na.
Ayusin ko na lang kwarto ko para naman bago sa paningin. Sinimulan kong hatakin ang study table at ilapit ito sa sa may gilid ng kama ko. Sunod ay yung closet ko, magaan lang namab kering-keri ko 'no. Inilipat ko siya malapit sa may bintana at saka itinabi ang salamin don para hindi na ako mahirapan pa sa susuotin ko, mabilis kong makikita kung bagay o hindi. Nagpatuloy ako sa paglilinis at hindi napapansin ang oras, linis don, linis dito nang matapos na ako kinuha ko ang phone at tumingin na sa oras. 7:15 p.m. What?! Halos tatlong oras ako naglinis? Grabe ha, kaya pala kumukulo na ang tiyan ko. Wala pa rin si kuya, siguro kumain na rin naman 'yon. Nagluto ako ng itlog tsaka hotdog, yun lang available sa ref HAHAHAHAHAHAHA. After maluto ay kumain na rin ako para makapagpahinga ng mas maaga.
Didiretso na sana ako sa kwarto nang may biglang kumatok sa pinto. Nagdala ako mg walis tambo kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan.
1 2 3 pagbilang ko at sabay bukas ng pinto at angat ng walis tambo.
"Stop." Pigil ni- kuya, okay si kuya pala.
"Oh buti naman nakauwi ka na." Pagtataray ko. Aba't teka nga may naamoy ako eh.
"Bumarek (uminom) ka 'no?" Paniniguro ko.
Subukan mong tumanggi kuya, bisto ka na aangal ka pa, iiling-iling kong saad sa sarili.
"Fine, alangang tumanggi pa ako eh alam kong amoy mo na ako. Konti lang naman 'yon Yuri." Sabat nito.
Konti eh halos mamungay na mata mo eh kuya Risk pft.
"Oh siya sige na, you need rest kuya. Wag kang susuka sa higaan mo. Ayaw kong maglaba ng bed sheet na may suka." Sabi ko at inirapan siya. Aba't tinawanan lang ako?
Yes, taga-laba at hugas ako ng plato. Si kuya naman ang nakatoka sa paglilinis ng kotse namin pareho. Siya rin taga-grocery tas kaniya-kaniya na kaming linis ng kwarto namin. Ayaw namin sa lahat ay pinapasok ang kwarto ng isa't isa. Duh, it's privacy. Pero nakita ko na kwarto ni kuya, all blue ampotek kala mo langit, pwede na siya umakyat HAHAHAHAH grabe charos. Sa'kin all black, pintura hanggang sa iba ko pang gamit.
Habang nagmumuni-muni, biglang narinig kong may nagsalita.
"Yuri?" Tawag niya.
"Oh?" Ungot ko.
"Can you please get me 1 glass of water?" Pakiusap nito.
Dahil sa masunurin ako at mabait na kapatid, pumayag ako.
"Wait lang kuya, hintayin mo na lang ako." Sagot ko.
"Okay, thanks." Sabat nito.
Pumunta na ako sa kusina para kumuha ng isang basong tubig at nagdala na rin ako ng bimpo at dalawang palanggana. Isa na may lamang tubig at isa para kung sakaling bumaliktad sikmura niya. After ko kunin lahat 'yon, dumiretso na ako sa kwarto ni kuya.
YOU ARE READING
In the midst of Unlikeness
RomanceThere was a girl who's loyal to her own saying and she believes that no one can prove to her that her own saying is wrong, not until that day comes-